"Beach!"
Tuwang-tuwa ko pang inalog ang braso niya nang makababa ako sa sasakyan.
"You like it?"
"I love it here! It's so beautiful." Mabilis ko namang hinubad ang sandals ko at binitbit na lang iyon para maramdaman ko ang buhangin sa paa ko
"Check-in muna tayo babe."
"Okay!" Tinulungan ko na nga siyang dalhin ang iba naming gamit at yumapos na ulit sa kanya.
Pagpasok namin sa hotel, pinaupo niya na lang ako at siya na ang nagcheck-in sa amin. Nilibot ko na lang ang paningin ko at inappreciate ang ganda ng lugar.
"Navie?"
"Jasper?"
"Hey! Long time no see ah." Tumabi pa siya sa akin at mukhang tuwang-tuwa pa na nakita ako.
"Y-Yeah."
"How have you been?"
Damn! He looks so different now.
"Navie! Are you okay?"
"H-Huh? Yes! Yes of course I'm fine! Ikaw, kumusta ka?"
"Getting better I guess. Teka, nabalitaan ko na wala na kayo sa Pilipinas ah? Lumipat na ba kayo dito?"
"Yup! Ikaw, anong ginagawa mo rito?"
"Bakasyon lang. Teka, may kasama ka ba?"
Ngumiti naman ako at nilingon si Niko.
Oh shoot! Is he mad?
Papalapit na siya ngayon sa puwesto ko at hindi na maipinta ang mukha niya habang masamang nakatingin kay Jasper.
"Hey babe, I got our key cards now."
"Oh! You already have a boyfriend?"
"This is Niko, Niko si Jasper." Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.
"Niko Cavelarde, Navie's man." Nilahad niya pa ang kamay niya
"Jasper Casellan, Navie's first boyfriend and..."
Nagtaka naman ako dahil lumapit pa siya kay Niko para bumulong at ngumisi pa pagkatapos na tila nang-aasar.
"Uhm sige Jasper see you around na lang! Niko and I have to unpack our things pa eh, right Niko?"
Inangat ko naman ang tingin ko kay Niko at nakitang hindi pa rin siya tumitigil sa pagpatay kay Jasper gamit ang mata niya.
"Niko, tara na." Hindi pa rin siya nagpatinag kaya napahinga ako nang malalim.
"Babe?" Malambing kong tawag sa kanya.
I caught your attention now huh.
"Let's go, I wanna change na." Niyakap ko pa siya at mas nilambingan ang boses.
"Yeah, let's go." Tipid niyang ngiti sa akin at hinila na ako palayo.
Nang makasakay kami nang elevator, natanaw ko pa si Jasper na sinundan kami ng tingin pero nagtaka ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin.
"First boyfriend huh? Tss!"
"You jealous?"
"Tss!"
Bakit nga ba nagtanong pa ako eh halata naman na?
"Huwag ka nang magselos, hindi ko na naman siya gusto."
"He's your first boyfriend, Nav."
"Eh ano naman ngayon? Ikaw naman ang kasama ko ngayon."
"Still!"
BINABASA MO ANG
Curse of September
Genç Kurgu"Pain," it will always be attached to the word "Love" because when you feel this emotion, you can't stop yourself from all the expectations which can also disappoint you in the process. However, some people still achieve happiness despite getting h...