Ilang buwan na ang nakalipas simula nang umalis kami ng Pinas. Nakaadjust na rin kaming tatlo kahit papaano at ngayon ay naghahanda na kami para sa pagpasok sa paaralang napili ni Mommy.
"Hoy Navie babagal-bagal ka na naman diyan! Bilisan mo na nga."
"Epal ka! Bakit kasi hindi ka pa mauna?"
"Binilin kayo sa akin nina Tita eh."
"Sinunod mo naman."
"Siyempre!"
"Whatever!"
"Rioz! Dala mo ba iyong pinabili ko?" Biglang litaw naman ni Milan na galing pa sa walk-in closet naming tatlo
Oo, naging malapit sa amin si Rioz dahil siya parati ang nakakasama namin dito. Malaki kasi ang tiwala sa kanya ni Tita kaya pati si Mommy ay nakuha ang loob.
Well, ever since Mom and I had a confrontation, she kinda loosened up. Medyo hinahayaan niya na kaming makihalubilo sa mga lalaki pero still, may limitations pa rin.
"Tulala ka na naman diyan."
"Huwag mo nga akong kausapin."
"Sungit!"
"Shh!"
"Broken ka lang eh HAHAHAHHAHAHA!"
"Alam mo ikaw, panira ka talaga eh! Sira na nga mood ko, mas sinisira mo pa."
"At sisirain ko pa HAHAHAHAHAHAHA."
"Kainis!"
"Wala namang ginagawa sayo iyang bintana, bakit ka naiinis? Sige ka, baka magtampo sayo iyan."
"Ikaw! Ikaw ang nakakainis!"
"Ay ako ba? Hindi naman ako aware."
"Argh! Nakapa-annoying mo talaga! Pinanganak ka ba para bwisitin ako?"
"Hindi eh, pinanganak ako para magkaroon ng magandang tanawin ang mga babae sa paligid ko."
"Eww!"
"Maka-eww ka naman diyan! Kung wala kang boyfriend noong una mo akong nakita, baka na-fall ka na agad sa charms ko."
"Mas pipiliin ko pang tumandang dalaga kaysa patulan ka 'no!"
"Hala hala!"
"O ano?"
"Ginaganyan-ganyan mo ako, tingin mo ba ang ganda mo ha?"
"Oo, natulala ka nga noong una mo akong nakita eh."
"Hindi ikaw ang tinitignan ko noon! Si Cadi!"
"O talaga? Bakit sa akin ka unang nagpakilala?"
"Kay Tita Cash kaya! Ang feeler mo!"
"Whatever you say, Rioz. If I know, crush mo ako."
"Luh! Hindi kita type 'no!"
"Yeah?"
"Feeler mo talaga!"
"Just saying the truth, I don't know how to lie kasi eh."
Natawa naman ako sa naging reaksyon niya dahil wala na siyang maisip na pambara sa akin.
Nakasanayan na rin kasi namin ang pag-aasaran kapag magkasama kaming dalawa eh. Ang saya niya kasing mabara, as in wala na siyang masasabi at magpapacute na lang.
"Mamaya na iyang lambingan niyong dalawa, nandito na tayo."
"Cadi, eww!" Sabay namin sigaw ni Rioz sa kapatid ko na natatawa pa sa naging reaksyon namin.
BINABASA MO ANG
Curse of September
Fiksi Remaja"Pain," it will always be attached to the word "Love" because when you feel this emotion, you can't stop yourself from all the expectations which can also disappoint you in the process. However, some people still achieve happiness despite getting h...