"Hey babe, we're done." Paggising ko kay Niko dahil nakatulog na naman siya sa kahihintay sa akin
"Oh sorry. Can we go home now?" Inaantok niya pa ring tanong sa akin
"Yes babe. Hmm wawa naman ang boyfriend ko." Hinaplos ko pa ang buhok niya at niyakap sa baywang niya ang braso ko para medyo maalalayan siya
"Hindi ko nakita poses mo." Nakasimangot niya pang sabi sa akin
"Okay lang babe, alam kong pagod ka. Akin na 'yong susi mo, ako na ang magdadrive." Kinapa ko pa ang bulsa niya
"Nah, ako na. Alam kong pagod ka rin sa photoshoot mo."
"But Niko, hindi mo na nga mamulat nang maayos ang mata mo eh."
"Kiss me, and I'll be awake babe." Natatawang bulong niya pa sa akin
"Crazy! Dali na, give it to me na." Nilahad ko pa ang kamay ko at nang magpacute na ako, wala na nga siyang nagawa
Pagdating namin sa bahay niya, ako na rin ang nag-asikaso sa damit niya habang naliligo siya. Nagprepare na rin ako ng hapunan namin para pagtapos niya, kakain na lang kami
"Babe?"
"Kitchen!"
"Hey, what are you cooking?" Bulong niyang tanong habang nakayakap mula sa likuran ko.
"Hilabos na hipon lang, at chicken and corn soup."
"Hmm shrimp, my favorite."
"Yup!" Pagkalagay ko ng ulam namin sa bowl, nilingon ko na siya at mabilis na hinalikan
"Sit down, I'll ready the table."
"Ako na ang maghahain babe." Pagpiprisinta niya pero umiling lang ako
"Let me serve you, Niko. Now, sit down and wait for me."
"Alright boss babe!"
"Hmm, I love you."
"I love you." Nakangiting tugon niya sa akin at muli akong hinalikan bago umupo.
Kinabukasan, halos sabay kaming nagising pero pinauna niya na akong maligo. Wala akong trabaho ngayon kaya ako naman ang sasama sa kanya sa pupuntahan niya.
May offer kasi sa kanyang small project si Walter. Commercial yata pero hindi ko pa sure.
"You ready babe?" Tanong niya nang makalabas na ako ng kuwarto
"Oh? Nakaligo ka na rin pala."
"Yeah, sa guest room. Hmm, bango naman ng girlfriend ko."
"Naaadik ka na naman sa amoy ko tsk tsk tsk." Ngumiti naman siya at umakbay na sa akin habang papalabas kami ng bahay
"Why do you have to look so handsome, hmm? Nagpapapogi ka ba ha?"
"Oo."
"What?"
"Para sayo. Baka tumingin ka sa iba kapag pumangit ako eh."
"I'm not like that."
"Haha so, kahit pumangit ako, mananatili ka sa tabi ko?"
"Oo naman. Hindi lang naman kita minahal dahil sa itsura mo eh, plus points na lang iyon."
"Swerte ko talaga sayo babe."
"Hmm, mas swerte ako dahil natagalan mo ako."
"Kahit sinong lalaki, kakayaning maghintay mapamahal ka lang."
"At nagawa mo nga iyon." Kinindatan ko pa siya at kinuha ang kanyang kamay para magkaholding-hands kami.
Nasanay na kasi ako eh!
BINABASA MO ANG
Curse of September
Teen Fiction"Pain," it will always be attached to the word "Love" because when you feel this emotion, you can't stop yourself from all the expectations which can also disappoint you in the process. However, some people still achieve happiness despite getting h...