Chapter 28

0 0 0
                                    

"Dito kami lagi nakatambay nina Cadi at Milan dati. Madalas kami rito dahil parati naming nadaraanan tuwing naglalakad kami galing school."

Pagtutuloy ko ng kuwento sa kanya habang nasa swing kami. Dinala ko kasi siya rito sa park malapit sa bahay namin dati.

"Bakit nga pala hindi kayo sa bahay niyo tumuloy?"

"Ayaw ni Mom na mabalitaan ng iba na nandito kaming tatlo eh. Natatakot pa rin siya na baka puntahan ako ni Reeve."

"Hmm, eh ikaw?"

"Anong ako?" Nilingon ko pa siya at tumayo para umupo sa lap niya dahilan para balansehin niya ang timbang naming dalawa

"Hindi ka ba natatakot makita iyong ex mo?"

"Bakit naman ako matatakot? Multo ba siya?" Pagbibiro ko pero hindi siya natawa

"Look babe, alam ko na may past kami ni Reeve pero ikaw na ang mahal ko. Ikaw ang boyfriend ko at ikaw ang pipiliin ko, okay?"

"Talaga?"

"Of course!"

"Thank you." Napangiti naman ako dahil sa pagpapasalamat niya at alam kong nabigyan ko naman siya ng assurance.

"Tara na, lumulubog na ang araw eh."

"Saan tayo pupunta?"

"Papakilala kita sa bestfriend ko."

"Akala ko ba hindi puwede malaman na nandito kayo?"

"Oo nga, pero bestfriend ko lang naman ang pupuntahan natin at hindi naman iyon madaldal para ipagkalat na nandito ako."

"Alright then."

Tinuro ko nga sa kanya ang direksyon at mabilis naman kaming nakarating dahil wala namang traffic ngayong oras

"NAVIE?!"

"Hey!"

"Oh my gosh! Kailan ka pa nakabalik?!" Hinila niya na nga ako sa loob ng condo niya at tinulak ako sa upuan

"At may kasama ka pang hottie ah?! Sino 'tong kasama mo?"

"He's Niko."

"What?! Siya iyong kinukwento mo parati sa akin? Bakit ang guwapo naman masyado?" Napailing na lang ako at hinila na palapit sa akin ang boyfriend ko

"This is Niko, my boyfriend. Babe, si Brittany bestfriend ko." Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa

"Niko Cavelarde, it's nice to meet you." Nilahad niya pa ang kamay niya kaya tinanggap naman iyon ni Brit

"Brittany Santiago, ang napakagandang bestfriend niyang jowa mo."

"Sorry to say but, my girlfriend still is the most beautiful." Kinindatan pa ako ni Niko at hinalikan sa gilid ng noo dahilan para tumili si Brit

"Oh my gosh! Bakit ang sweet niyo? Respeto naman sa single oh! Gosh sana all! Wala ka bang kapatid, pinsan o kaibigan na naghahanap ng girlfriend? Reto mo naman ako!"

Natawa na lang ako sa kadaldalan ni Brit at hinayaan siyang kulitin si Niko na mukhang sumasakay naman sa trip ng bestfriend ko.

"Hoy ikaw, huwag na huwag mong sasaktan 'tong si Navie ah! Hahanapin talaga kita at sasapakin kapag pinaiyak mo 'to."

"Sasapakin ko rin ang sarili ko kung sakali mang umiyak siya nang dahil sa akin."

"Ayan! Very good!"

"Hanggang kailan pala kayo rito?"

"3 days na lang ako rito, Si Niko 1 week pa siya."

"Nakagala na ba kayo around the area? Maraming dating spots dito ah."

Curse of SeptemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon