Chapter 27

0 0 0
                                    

"1 week and we'll finally go home! I miss my man." Natatawa na lang akong nailing sa sinabi ni Milan

"Oh wait! Nav, nakita mo ba iyong tingin ni Yves Rycker kanina kay Cadi? Pamatay!"

"What do you mean pamatay? May patay naman talaga kanina ah?"

"Lokaret! I mean, parang may dinaramdam siya? May galit ba iyon kay Cadi?"

"Bakit naman siya magagalit? I mean, as far as I know, hindi sila close."

"Oo nga naman. Oh well, bahala na sila sa buhay nila, malalaki na sila."

"Oo at dapat ka na ring maligo dahil kahapon pa iyang suot mo!" Sigaw ko sa kanya at binato na siya ng tuwalya.

Hindi sumama sa amin si Cadi umuwi ngayon sa hotel dahil sasamahan niya raw si Yza. Hindi pa rin kasi tumitigil sa pag-iyak kaya ayon, hindi rin makaalis ang kapatid ko sa tabi niya.

To: Niko
Hey babe, kumain ka na?

From: Niko
I just woke up hehe, ikaw kumain ka na?

To: Niko
Kagigising mo lang? Panay naman yata ang tulog mo? And yeah, I already ate.

From: Niko
Wala naman kasi akong magawa rito babe. Balik ka na kaya?

To: Niko
Haha crazy! Tiis ka pa nang kaunti oki? 1 week na lang naman.

From: Niko
Kapag talaga hindi na ako nakatiis, ako na ang pupunta riyan.

To: Niko
Miss mo na talaga ako ah?

From: Niko
Sobra!

"Hoy Ranae Alavien! Tama na muna ang ngiti, maligo ka na muna." Napairap na lang ako nang batuhin din ako ni Milan ng towel

Panira!

To: Niko
I miss you too! So much! But babe, I'll talk to you again later huh, maliligo muna ako. Mwamwa!

Pero hindi na ako nakapagmessage pang muli dahil pagtapos kong maligo, nakatulog na agad ako.

Ngayong umaga naman, hindi rin ako nakapagmessage dahil hinila na ako agad ni Milan paalis.

Bawi na lang ako sa kanya mamaya.

"Good morning, Yve—"

"Call me Ryck."

"Oh okay." Sungit naman ng lalaking 'to!

"Nasa taas ang kapatid mo, pilit pa ring pinapakain ang kapatid ko."

"Sige salamat, aakyat na lang kami." Pilit pa akong ngumiti sa kanya at hinila na si Milan

Napakasungit!

Pagpasok namin sa kuwarto, rinig agad namin ang iyak ni Yza kaya lumapit na rin kami sa kanya.

"Hey, you should eat."

"I...I can't."

"Hindi matutuwa si Tita kung nabubuhay man siya ngayon, Yza." Sabi pa ni Milan sa kanya

Umiling lang siya nang umiling kaya naawa naman ako. Siya talaga ang apektado sa pagkawala ni Tita kaya grabe ang pagluluksa niya

"Nav." Kinalabit pa ako ni Milan kaya nilingon ko siya

"What is it?"

"Una na muna ako ah, may pupuntahan lang ako saglit."

"Saan ka naman pupunta?"

"May kikitain lang."

"Oh, okay!"

Baka iyong mga kaibigan niya dito. Nabalitaan na siguro na nakabalik na siya.

Curse of SeptemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon