Chapter 25

1 0 0
                                    

"Babe bakit kailangan pang magblind-fold?"

"Surprise nga kasi!"

Inalalayan ko na nga siya pababa ng sasakyan at iniwan muna para kausapin si Cadi at Milan.

"Ready na ba 'yong fireworks?"

"All set na Ate."

"Sure? How about our food?"

"Okay na rin 'yon Nav. Teka nga! Kumalma ka kaya muna 'no? Makaasta 'to parang first time makipagdate." Pinitik pa ni Milan ang noo ko

"Gosh! Sana successful. Thank you for helping me." Niyakap ko naman silang dalawa pero tinulak na nila ako pabalik kay Niko

"Babe? Bakit mo ako iniwan?"

"Haha saglit lang naman iyon! May kinausap lang ako."

"Puwede ko na ba tanggalin 'tong blindfold?"

"Wait! Huwag muna." Muli ko na siyang inalalayan habang sumusunod kina Milan.

Dahan-dahan kong hinihila si Niko pasakay ng yacht at mukhang pinakikiramdaman niya na nga kung nasaan kami.

"Pagbilang ko ng tatlo, puwede mo na tanggalin."

Nagbilang na nga ako pero bago pa umabot iyon sa tatlo, nasulyapan ko pa sina Milan at Cadi na vinivideohan pa yata ako.

"Woah!" Nabalik naman ang atensyon ko kay Niko nang hinawakan niya ang kamay ko

"You prepared all these, babe?"

"Hmm, I planned it but Cadi and Milan helped me with the preparation."

"Thank you." Hinarap niya pa ako at marahang hinalikan sa labi

"Uhm do you like it?"

"I love it babe! Thank you so much, I appreciate all your efforts."

"Come, the food is now ready." Hinila ko na nga siya paupo at hindi ko rin maiwasan ang hindi mamangha sa kinalabasan ng yacht ngayon.

It's so romantic! Just how I like it.

"Bawing-bawi ka babe ah."

"Well, I've been planning about this for weeks now and hahanap pa sana ako ng perfect timing pero nag-away tayo kahapon kaya naisip kong ngayon na lang para makabawi rin sayo."

"Sorry ulit sa nangyari kahapon ah?" Hinawakan niya pa ang kamay ko na nakapatong sa mesa

"Okay na iyon Niko, nagkaayos na naman tayo."

Nang masiguro sa kanyang okay na talaga, bumalik na kami sa pagkain. Panay din naman ang sulyap ko sa kanya at natutuwa ako dahil halata sa mukha niya na masaya siya ngayon.

"Are you happy?"

"Of course I am!"

Halata nga! Napangiti na lang ako at tumayo na para yayain siya sa deck.

"Can we dance?" Tanong ko sa kanya at palihim na sinenyasan si Cadi para magpatugtog.

"I was just about to ask the same question babe!"

"Really?"

"Miss Rivezalta?"

"Last name ko talaga ah?"

"Hmm haha! So may I have this dance?"

"Yes." Inabot ko nga sa kanya ang kamay ko at siya na ang naglagay niyon sa balikat niya.

Mas nilapit niya naman ako sa kanya kaya halos magkayakap na kami ngayon habang nagsasayaw.

"Babe?"

Curse of SeptemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon