"We're back to this boutique, babe."
"Masaya ka pa ha? Dito mo kaya ako hiniwalayan!"
"Aray! Bakit ka nanghahampas?"
"Eh kasi parang proud na proud ka pa sa lugar na 'to eh napakasama ng alaala ko rito!"
"Ako rin napakasama dahil nagsusukat lang ako ng damit tapos paglabas ko umiiyak na 'tong bestfriend ko!" Inakbayan pa ako ni Belle at sinamaan ng tingin si Niko
"Oo na kasalanan ko na, pinagtutulungan niyo na naman akong dalawa." Nag-apir naman kami ni Belle nang sumuko si Niko
Nandito kami ngayon sa States to promote our movie. It's been two months since nareleased siya sa Pinas, kaya ngayon ay inaasikaso na namin ang international release.
"Teka muna ah, dami nang nakatingin sa inyo, baka nakakalimutan niyo nasa public place tayo?"
"Tss hands off my woman, Parker."
"Anak ng! Nagseselos ka pa rin? Kasal na ako't lahat, pinag-iinitan mo pa rin ang guwapo kong mukha?"
"Huwag mo kasing hawakan ang kamay niya!"
"Eh kailangan ko ho dahil magfifilm na kami ng spiels at kailangang sweet kami."
"Niko, stop frowning mas mahahalata tayo niyan eh."
"Tsk! Bilisan niyo, at bawas-bawasan mo ang paghawak sa girlfriend ko Rioz."
Girlfriend daw? Hoy hindi pa kita sinasagot!
"Haha oo na! Paano, hiramin ko muna si Nav ah."
Iniwan na nga namin si Niko at Belle sa loob ng boutique at lumapit na sa iba pa naming mga makakasama sa spiels
"Sinagot mo na?"
"Hindi pa, feeler lang iyon."
"Haha natanggap lang ni Tita, mas naging confident na."
Yeah, tanggap na siya ni Mom. Noong araw na pumunta siya sa bahay para ipaalam kay Mommy ang panliligaw niya, pinaliwanag niya rin kung bakit kinailangan niyang umalis
Pero binantaan siya ni Mom na sa oras na iwan niya ako ulit, wala na siyang babalikan pa.
"Sino ba namang hindi magiging confident kung lahat na ay boto sa kanya para sa akin?"
"Kung nandito si Cadi, paniguradong magsasana-all na naman iyon."
"Eh lokaret din naman kasi ang kapatid kong iyon! Lahat naman boto sa kanila, siya lang 'tong ayaw tanggapin na nahulog na naman siya sa dating bestfriend niya."
"Mabuti na lang talaga hindi ko naging bestfriend si Cadi 'no? Kapag nagkataon baka nagkagusto rin iyon sa akin."
"Haha no comment." Ayokong sabihin sa kanya na nagkacrush sa kanya si Cadi dahil lalaki na naman ang ulo niya
Natigil naman kami sa pagdadaldalan nang marinig naming magsisimula na.
Naging mabilis naman ang take na iyon dahil napractice na naman namin kanina ang mga sasabihin.
"Rest well, everyone! We'll have a long day ahead tomorrow."
Umakyat na nga kami sa kani-kanila naming kuwarto at gaya ng nakasanayan, si Belle ulit ang roommate ko.
From: Niko
I want to see you.From: Niko
Can we go out?To: Niko
Gabi na, ayaw mo pa bang magpahinga?From: Niko
Mas maganda ngang gumala sa gabi di ba? Come on babe, let's enjoy the night.To: Niko
Fine! Nasaan ka?
BINABASA MO ANG
Curse of September
Fiksi Remaja"Pain," it will always be attached to the word "Love" because when you feel this emotion, you can't stop yourself from all the expectations which can also disappoint you in the process. However, some people still achieve happiness despite getting h...