Noon pa man ay hilig ko na ang pagsusulat. Simula pagkabata hanggang sa tumuntong ako ng highschool ay hindi na nawala ang hilig ko sa pagsusulat ng kung anu-ano. Sabi nila ay may talento raw ako sa pagsusulat. Talento at galing raw sa pagsulat at paggawa ng iba't-ibang kuwento, mga tula, mga sulatin at kung anu-ano pa.
Madali sa akin ang pagsusulat, para sa akin ay doon ko naipapakita at naibubuhos ang lahat ng nasa isip at nararamdaman ko. Hindi naman ako klase ng estudyante na tahimik at nag-iisa lang at parating libro, kuwaderno at bolpen ang hawak. Sa katunayan ay marami akong kakilala at kaibigan, dala ng pinili kong strand sa Senior High School na HUMSS, Humanities and Social Science.
Dahil sa hilig ko ang pagsusulat at nadala ako ng aking mga kaibigan sa strand na HUMSS ay mas lalo kong nagustuhan at naibigan ang pag-aaral ng Senior High. Unang taon ko pa lamang pero binulaga na agad ako ng napakaraming gawain at sulatin, pero sa kabila noon ay naliligayahan pa rin ako dahil...
"Maya, baka puwedeng isingit mo rin itong sa akin. Hindi pa ako tapos sa slogan making kaya baka pwedeng ipagawa ko na sa'yo yung sanaysay..." Mahinang bulong ng nakaluhod na si Jhazie sa harapan ng upuan ko. Inabot niya ang isang malinis na yellow pad paper sa akin.
"Hmmm..." Hindi man lang nagsulat kahit title lang. Tsk. "Magkano?" Agaran kong sabi bago isinilid ang kanyang malinis na yellow pad paper sa case ko.
"Magkano ba gusto mo? 70 pesos na lang, palagi naman ako nagpapagawa sa'yo eh." Tinapik pa niya ang kamay ko.
"Sige. Sige. Bukas isasabay ko na lang sa pagpasa 'yung sayo." Sabi ko at itinuon na ang atensyon sa teacher namin na nakatalikod at nagpapakopya ng isinusulat niya sa white board. Ngumiti sa akin si Jhazie at dahan-dahang bumalik sa upuan niya.
"Tsk. Pang-ilan na 'yan, Maya? Kaya mo pa?" Bulong sa akin Karyl habang pumupuslit ng tingin sa cellphone niya. Naghihintay na naman ng chat 'tong bruhang 'to.
"Bakit magpapagawa ka rin ba?" Bulong ko rin sa kanya dahil walang ingay na maririnig sa buong classroom bukod sa pagsulat ni Ma'am Santos sa white board. Halos lahat ay nakatuon ang atensyon sa mga terms na ipinapasulat niya sa subject niyang Philosophy, dahil kinabukasan ay siguradong magpapa-quiz na naman ito.
"Hindi. Sana. Hindi pa ako tapos sa sanaysay pero susubukan kong tapusin, pero tulungan mo ako ah?"
"Sus. Tutulungan kita pero ang totoo ako rin naman ang gagawa. Sa akin na nga, ako na rin ang tatapos." Sabi ko sa kanya pero bumungisngis siya.
Hindi naman marami ang gagawin ko mamayang gabi saka naliligayahan talaga ako magsulat ngayon dahil marami akong kita. Miyerkules pa lang pero halos naka-limang daan na ako.
"'Wag na pala. May pupuntahan ako mamayang uwian eh. Magkikita kami ni Judel. Doon ko na rin tatapusin ang sanaysay. Mas maganda 'yun sabay kaming mag-aaral." Kinikilig na sabi ni Karyl kaya natahimik kami ng bahagyang lumingon sa dako namin si Ms. Santos.
"Si Judel?! As in si Judel, 'yung taga-ABM?" Gulat kong tanong sa kanya. Kinikilig siyang tumango at ipinakita pa sa akin ang convo nila nung Judel sa ABM.
"Hay naku. Paano mo 'yun nakilala? Diskartehan mo naman ako baka may mga kaibigan pa 'yun na single. Pampa-tanggal stress lang sana." Pagbibiro ko sa kanya. Alam kong medyo mahirap nga ang HUMSS dahil sa sobrang dami ng gawain kaya ayaw ko nang dagdagan ang hirap ko sa buhay kong magjo-jowa pa ako.
Alam ko rin naman kasi sa sarili ko na mahihirapan ako kung pagsasabayin ko ang pag-aaral saka ang pag-ibig. Hindi ko nga alam kung paano 'yun nagagawa ng iba kong mga kaklase. Matatalino na sila tapos may mga jowa pa sila. Ang galing lang.
YOU ARE READING
Along The Letters (SHS Series #1) (SELF-PUBLISHED UNDER GPUB)
Teen FictionZacquel Ivan Ferro, a Senior High school STEM student, smart, hot and conceited rich-kid but emotionally weak in showing his true feelings and emotions met Maya Alcantara, a HUMSS student and average type of a girl who loves writing stories and poet...