Kabanata 10

779 40 8
                                    

Napakabagal ng oras. Iyon ang napagtanto ko habang sabay kaming naglalakad ni Zacquel palabas ng paaralan. Hindi ako lumilingon sa kanya. Diretso ang lakad ko pero ramdam ko ang maya't-maya na pagtingin niya sa akin. Sinigurado ko ang distansya naming dalawa. Na kahit ang paglapat muli ng aming balat ay hindi na maaari pang mangyari.


Simula kanina ay hindi na mawala ang kakaibang nararamdaman ko. Hindi makatagal ang tingin ko sa kanya. Nag-iinit ang buong mukha ko sa hindi malamang dahilan na kahit hanggang ngayon ay hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina sa clinic.


Alam kong dapat ay wala lang iyon. Simpleng aksidenteng hawak at paglalapat lamang iyon ng aming balat. Pero bakit tila nayanig yata ang buong pagkatao ko? Tila naapektuhan ang buong katawan ko na kahit ang utak ko ay hindi na maintindihan kung anong nangyayari sa akin.


Nag-aagaw ang kulay kahel at asul na kalangitan. May iilang ilaw na rin sa loob ng paaralan at ang ingay ng iba't-ibang sasakyan sa labas ay hudyat na ng nagmamadaling uwian at gabi. Nang makarating kami sa labas ay nagulat ako dahil wala roon ang kanilang BMW. Nagtataka man ay nauna na akong naglakad patungo sa waiting shed. Hindi alam kung bakit doon ang tungo ko samantalang wala naman akong hihintayin.


Narinig ko ang singhapan at mahinang bulong-bulungan ng mga estudyante sa paligid. Hindi ko maiwasang kabahan dahil sa hanggang dito ay nakasunod sa akin si Zacquel. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko o kung paano ko siya kakausapin. Simula noong hinatid ko ang test paper kay Mr.Bueno ay hindi na kami nag-imikan pa.


"What are we doing here, Maya?" Tanong niya habang nasa aking tabi. Nalalanghap ko ang pamilyar niyang amoy kaya umusod ako ng kaunti upang lumayo sa kanya. Kumunot ang noo niya. Naningkit ng husto ang kanyang mga mata.


"What are you doing here, Zac? Nasaan ang sasakyan niyo?,"


"May hinihintay ba tayo?," He asked just ignored my question about their BMW.


"You should go home,"


"Anong hinihintay natin dito, Maya?" His voice are so manly, making some students here in the waiting shed giggled a bit. I bit my lower lip and then look at him.


"I'm fine, Zac. Umuwi ka na,"


"Then, let's go." He commanded.


Nagulat ako ng higitin niya ako paalis roon. Bahagya akong gumalaw sa kinatatayuan ko pero pinigilan ko ang sariling mahila niya ng tuluyan. Nilingon niya ako, walang ekspresyon. Nakuha ko agad ang gusto niyang gawin.


"Hindi mo na kailangang sumabay pa sa akin. 'Wag mo na akong ihatid sa terminal," Determinado kong sabi habang dahan-dahang inaalis ang kamay ko sa kanyang pagkakahawak.


"I just want to," Kumunot ang noo niya. Nanantiya ang kanyang tingin.


"No, Zac. You don't have to. Kaya ko naman ang sarili ko..."


"Sumabay ka sa amin sa sasakyan," He said, full of authority.

Along The Letters (SHS Series #1) (SELF-PUBLISHED UNDER GPUB)Where stories live. Discover now