Sabi nila, hindi raw maganda ang magpuyat. Ang matulog nang madaling-araw ay walang magandang resulta kinabukasan. Bukod sa inaantok ka ng husto ay wala ka rin sa sarili mo buong araw. Apektado ang buong katawan at isipan mo. At napatunayan ko nga ito ngayong araw. Pakiramdam ko para akong zombie na pumasok pa sa paaralan, bukod sa wala ako sa sarili, hindi rin ako makapag-isip ng maayos.
At ewan ko ba kung dala ba talaga ito ng antok at pagpupuyat pero kasi, kanina ko pa binabalik-balikan ang nangyari kagabi. Hindi ako makapaniwala na ka-chat ko si Zacquel! At bakit gustong-gusto ko na lang na umuwi ng bahay at maghintay ng gabi sa kuwarto? My Gosh! Is this even possible?!
Nagsisimula pa lang ang semester kaya wala pa naman kaming masyadong ginagawa. Madalas ang free time at break namin dahil isang linggo na lang ay Instrams na. Kaya wala rin kaming masyadong ginagawa kundi ang lumabas o pumunta sa field para lang manonood ng practice o di kaya'y magliwaliw. Tulad ngayong araw...
Hawak-hawak ang aking kulay pink na tumbler ay nakaupo ako sa ilalim ng malaking puno ng Acacia habang nakatanaw sa field ng school. Sa aking gilid ay naroon si Karyl ay busy sa kanyang cellphone. Sa harapan namin ay sina Lory at Kate na parehong kumakain ng binili nilang Pringles. Nakaharap sila sa amin habang nagkukuwentuhan.
"Tulala ka na naman, Maya. Ang laki-laki pa ng eyebags mo. Nagsisimula pa lang ang semester, ganyan na agad itsura mo," Natatawang sabi ni Kate habang sumusubo ng Pringles.
"Huggard na huggard na ba ako?" Tanong ko sa kanila. Tumango silang dalawa ni Lory bago umusod ng kaunti sa aking tabi.
"May pimple ka na rin 'oh," Turo niya sa bandang noo ko kaya sinimangutan ko siya lalo.
"In love lang 'yan si Maya," Asik ni Karyl na ngayon ay busy pa rin sa kanyang cellphone. Malanding 'to, porket ka-chat niya na naman si Judel, kung anu-ano na naman pinagsasabi. Kaya nga ayokong magkuwento sa kanya, ewan ko lang talaga kung bakit hindi ko mapigilan itong bibig ko eh.
"Uy, bago yan ah. Kanino ba?" Kuryusong tanong ni Kate. Hindi ko tuloy alam kung bakit sa akin na naman napunta ang topic.
"Akala ko ba pag in-love blooming, eh bakit losyang ka yata agad, Maya?"
"Gaga! Hindi ako in love! Kung anu-ano kasing pinagsasasabi mo Karyl 'eh!"
"Ako?!" Tinuro ni Karyl ang sarili niya. "Bakit ako?! Eh nagsasasabi lang naman ako ng totoo. Based doon sa kuwento mo..." Ngumiti ng nakakaloko si Karyl kaya binatukan ko na agad. Inismiran niya ako.
"So, sino nga Maya? 'Yung taga-STEM 'no?" Naningkit ang mata ni Lory sa akin. Hindi ako kumibo. Umiwas lang ako ng tingin. Hindi naman ako in-love!
"Crush mo?" Dugtong ni Kate.
Mas lalo lang akong umiwas ng tingin sa kanila. Umihip ang malakas ng hangin kasabay ng mabilis na hampas ng puso ko. Ewan ko ba, pero kapag naririnig o naiisip ko na crush ko si Zacquel, ganito agad ang nararamdaman ko. Hindi ako komportable at hindi ako makahinga sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
YOU ARE READING
Along The Letters (SHS Series #1) (SELF-PUBLISHED UNDER GPUB)
Fiksi RemajaZacquel Ivan Ferro, a Senior High school STEM student, smart, hot and conceited rich-kid but emotionally weak in showing his true feelings and emotions met Maya Alcantara, a HUMSS student and average type of a girl who loves writing stories and poet...