I wake up early in the Saturday morning. Naunahan ko pa sa paggising ang mismong alarm clock ko. Malamig ang madaling-araw at masarap pa matulog subalit pinilit ko na ang sarili kong tumayo at mag-ayos na ng sarili.
Napangiti ako ng maalala kung anong meron sa araw na ito. I looked into the clock and it is 4:45 a.m. May usapan kasi kami ni Zacquel na sabay kaming magjo-jogging ngayong umaga. Napagplanuhan na rin namin ang mag-bike ng sabay gamit ang mountain bike niya samantalang gamit ko naman ang bike ng kapatid ko.
Nagsimula na akong mag-ayos at mag-almusal mag-isa dahil tulog pa ang lahat ng tao sa bahay. Nakapagpaalam naman ako sa kanila na magjo-jogging ako ngayong umaga. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili sa kuwarto at maghanda para sa umaga ay mas lalo akong napangiti. I am wearing a black V-neck, fitted shirt, gray jogging pants and rubber shoes.
Gustuhin ko man na mag-short na lang dahil mas komportable ako roon ay alam kong hindi ako papayagan ni Zacquel. Ilang beses na rin kaming nagtalo dahil lang sa short na komportable ako kapag nagjo-jogging pero ayaw niya dahil sa mga rason niya na kesyo marami daw lamok, masyadong maiksi, baka daw mabastos ako o kaya naman hindi daw bagay sa akin ang mag-short.
Abot-tenga ang ngiti kong inabot ang cellphone ko. Napag-usapan kasi namin na susunduin niya ako sa may labasan, sa main highway bago mag-alas singko pero sampung minuto na ang lumipas at wala akong natanggap na mensahe mula sa kanya.
Napakunot ang noo ko. I browsed my cellphone and there is really no messages from him except yesterday. Pero anong oras na? Nakalimutan niya ba ang meron ngayong araw? O kung anong napag-usapan namin ngayong umaga? Nakalimutan niya ba na magkikita kami ngayon?
Napatulala ako saka umiling. Hindi niya iyon pwedeng makalimutan dahil hindi naman nakakalimot lalo na ng usapan naming dalawa, paminsan ako pa nga ang nakakalimot sa aming dalawa. Imposible na makalimutan niya iyon, lalo pa ngayong araw na ito.
Naghintay pa ako ng ilang minuto pero lumipas na ang mahigit sampung minuto pa at nagsimula ng lumiwanag pero wala pa rin akong natatanggap na mensahe mula sa kanya. Napatayo ako. Baka natutulog pa siya?
Hindi na ako naghintay pa ng mensahe niya at lumabas na ako ng bahay. Padabog kong kinuha ang bike ng kapatid ko na hiniram ko pa last week dahil gusto kong makasabay siya ngayong umaga. Nagsitahulan ang mga aso ng kapit-bahay namin dahil sa ingay na ginawa ko.
"Sana nagsabi na lang siya na hindi matutuloy o kaya nag-text siya na tanghali na siya gigising ngayon," Nagdadabog kong sabi.
"Kahit isang text lang, sana..." Dugtong ko pa bago sumakay sa bike patungong labasan.
Kahit paano ay umaasa ako na nandoon siya sa may labasan at naghihintay na sa akin. Iniisip ko na baka naiwan niya ang cellphone niya at hindi nakapag-text sa akin o kaya naman hindi na siya nag-abala pa na i-text ako dahil alam naman niya na tuloy kami ngayon.
Malayo pa lang ako sa main highway ay panay na ang dungaw ko sa bawat sasakyan at mga taong nakikita ko. Pero, walang Zacquel ang naghihintay sa akin o nakatayo man lang roon. Napabuntong-hininga ako. Tumigil pa ako roon para tignan ng mabuti ang paligid ko dahil baka nagtatago siya sa akin o pina-prank lang ako, pero wala talaga siya.
Nagsimula na akong mag-bike mag-isa habang nag-iisip ng posibleng dahilan kung bakit wala siya ngayon at hindi man lang nag-text sa akin. Napapatingin rin ako sa ibang mga tao na nakakasabay ko at paminsan-minsan ay tumitigil pa sandali sa daan upang tignan kung may message na siya.
Lumipas pa ang ilang minuto hanggang sa marating ko na ang Paroja na madalas naming puntahan tuwing umaga. Maraming tao sa lugar tulad ng dati. Nagpahinga ako habang pinagmamasdan ang dahan-dahang pagsikat ng araw. Nakakapanibago na hindi ko ngayon kasama si Zacquel at wala ring mensahe mula sa kanya.
YOU ARE READING
Along The Letters (SHS Series #1) (SELF-PUBLISHED UNDER GPUB)
JugendliteraturZacquel Ivan Ferro, a Senior High school STEM student, smart, hot and conceited rich-kid but emotionally weak in showing his true feelings and emotions met Maya Alcantara, a HUMSS student and average type of a girl who loves writing stories and poet...