"Ah! Mama, P-papa..."
Napalunok ako sa sobrang kaba. Alam kong dapat ay hindi ako kabahan ng ganito dahil wala naman akong ginawang masama kahit pa makita kaming magkasama ngayon, hindi naman plano na magkikita kami ngayong umaga. Kaya bakit ako kinakabahan?
Nakita ko ang nakakalokong ngisi ng kapatid ko. Pinanliitan niya pa ako ng mata bago ngumuso sa mga magulang namin. Nakaramdam agad ako ng kakaibang hiya. Namula ang aking mukha lalo pa dahil crush ko si Zacquel at narito siya sa tapat ng aming bahay upang ihatid ako sa harap ng aking mga magulang na nanonood sa amin!
"Ah, m-magandang umaga po..."
Tumambol muli ang puso ko bago binalingan si Zacquel na nakatingin rin sa akin. Napakurap-kurap ako ng makita ang ngiti niya sa aking mga magulang. Mabilis ang kanyang paghinga, hindi ko alam kung dahil ba sa pagod o dahil sa...kaba.
"Si Z-zacquel po pala... schoolmate ko!"
Napatingin sa akin ang buo kong pamilya. Ramdam ko rin ang pagkagulat ni Zacquel sa likuran ko dahil sa aking pagsigaw. Kumahol ang ilang aso ng kapit-bahay namin dahil sa aking boses. Napayuko ako.
"Bakit hindi kayo pumasok, Maya?" Kuryusong tanong ni Mama. Napaangat muli ako ng tingin sa kanila at agad na umiling.
"Naku, Ma! Huwag na po...nagkasabay lang naman kami ng schoolmate ko. Wala rin naman siyang balak pang pumasok. Diba Z-zacquel?"
Napalunok ako bago tumingin kay Zac. Kumunot ang noo niya saglit pero agad ding nakabawi sa pamamagitan ng pagtango bilang pagsang-ayon sa sinabi ko sa kanya. Ngumiti ako ng bahagya, hindi pinansin ang naguguluhan niyang tingin.
"O diba? Hindi rin naman siya magtatagal..."
Normal akong ngumiti sa kanilang lahat kahit pa nangangatog na ang mga tuhod ko dahil sa tingin na ipinupukol ng pamilya ko sa akin na para bang wala silang pakialam sa sinasabi ko dahil ang tingin nila ay sa taong nasa likuran ko.
Nanatili ang mata ni Mama kay Zacquel. Ilang sandali siyang nakatitig rito hanggang sa makita ko ang pag-iiba ng kanyang reaksyon. Namilog ang kanyang mata sa gulat ng may napagtanto. Napatakip siya ng kanyang bibig, tila hindi makapaniwala. Nagulat ako ng makita ang takot sa kanya. Mas lalo akong nagtaka ng mapansin kong namumutla siya.
"Z-zacquel, maraming salamat pala. S-sige, pasok na ako. Ingat ka."
Bahagya akong ngumiti kay Zacquel bago pumasok sa aming gate. Nanatili siyang nakatayo roon sa labas habang naguguluhan akong pinagmamasdan. Nang tuluyan na akong makapasok sa aming bakuran ay kumaway na ako sa kanya. Naintindihan naman niya agad ako dahil agad siyang sumakay sa kanyang bike at nag-aalangan na umalis sa tapat ng aming bahay.
Agad akong nakahinga ng maluwag kasabay ng pagbuga ko ng hangin. Pinagpapawisan akong pumasok sa aming bahay. Wala na sa pintuan sila Mama pero hindi pa nakakatapak ang sapatos ko sa semento ng aming sala ay...
YOU ARE READING
Along The Letters (SHS Series #1) (SELF-PUBLISHED UNDER GPUB)
Genç KurguZacquel Ivan Ferro, a Senior High school STEM student, smart, hot and conceited rich-kid but emotionally weak in showing his true feelings and emotions met Maya Alcantara, a HUMSS student and average type of a girl who loves writing stories and poet...