Ang bawat patak ng ulan na tumatama sa aking balat ay naghahatid ng panginginig sa aking buong katawan. Basang-basa na ako dahil sa malakas na ulan. Nakayakap ako sa aking bag upang hindi ito mabasa habang binibilisan ko ang paglalakad. Lakad-takbo ang aking ginagawa dahil sa nanlalabo kong paningin.
Kung hindi ako maglalakad ngayon patungong terminal ay wala na akong masasakyan pang jeep pauwi. Wala rin pag-asang tumigil ang ulan at panigurado'y maabutan ako ng dilim sa waiting shed. Ito na lang ang tanging paraan ko upang makauwi. Nakakainis lang dahil ngayon pa umulan ng malakas kung saan wala akong payong na dala.
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad sa ulan at medyo nakakalayo na rin sa paaralan nang unti-unting nawala ang pagbuhos ng ulan sa aking katawan at naramdaman ko ang mainit na kamay sa aking balikat, pilit akong inilalapit sa mainit na katawan na nasa aking tabi.
Pigil ang hininga kong nilingon ang mainit na katawan na iyon at nagtama agad ang aming mga mata. Patuloy ang pagtulo ng butil ng ulan sa talukap ng aking mata subalit nabawasan iyon dahil sa payong na hawak ng taong iyon. Nanlalabo man ang aking paningin pero malinaw ang kanyang imahe sa akin. Pareho kaming napatigil habang nakatingin sa isa't-isa sa gilid ng kalsada.
"Z-zacquel?..." Halos pabulong na iyon dahil sa lamig na nanonoot sa akin. Dala ng pagkagulat sa naglalapit naming katawan dahil sa iisang payong na tanging pomoprotekta sa amin dulot ng malakas na pagbuhos ng ulan.
"What the hell are you doing?! I thought you have an umbrella?" Nagtagis ang kanyang bagang habang seryoso siyang nakatingin sa akin. Bahagya pa siyang hinihingal dahil siguro sa kanyang pagtakbo. Pero, kanina pa umalis ang sasakyan nila...
"N-nakalimutan kong hindi ko pala d-dala," Kinagat ko ang pang-ibabang labi upang pigilan ang panginginig. Mas lalong nagtagis ang kanyang bagang. Nagdugtong ang kanyang kilay habang nakatingin ng diretso sa akin pagkatapos ay sa aking katawan at sa aking mga brasong nakayakap sa aking bag.
Napaiwas ako sa paraan ng kanyang pagtitig. Ang matangkad at matipuno niyang pangangatawan ay halos matambunan ako sa mga taong naglalakad. Ang kanyang pamilyar na amoy ay nagpabalik sa aking pag-iisip sa nalalapit naming distansya. Agad akong napalayo sa kanya dahilan upang mabasa muli ako ng ulan.
Nagulat siya sa bahagya kong paglayo pero muli niya akong hinila palapit sa kanya dahilan upang masubsob ako sa kanyang dibdib. Namilog ang aking mata ng maramdaman ko ang matigas niyang pangangatawan. How old is he? I never thought he has this kind of body in his early age...
"Sabi ko sumabay ka na sa amin kanina... Basang-basa ka na," Bulong niya habang ang kanyang ulo ay nasa aking basang buhok. Nang mapagtanto ang aming posisyon ay sinubukan kong makawala agad sa kanya pero nabasa lang kami dahil sa aking paggalaw. He groaned and muttered some words I couldn't hear.
"Nakakahiya kasi Zac saka ayokong makaabala. Bakit ka nandito? Nasaan na ang sasakyan niyo?" Nagtataka kong tanong sa kanya nang makalayo ako ng kaunti sa kanya. Nanatiling nakakunot ang kanyang noo. Bahagya niyang itinagilid ang kanyang ulo habang nakatingin sa akin.
"Sasabay ka na ba sa amin, kung ganoon?"
YOU ARE READING
Along The Letters (SHS Series #1) (SELF-PUBLISHED UNDER GPUB)
Teen FictionZacquel Ivan Ferro, a Senior High school STEM student, smart, hot and conceited rich-kid but emotionally weak in showing his true feelings and emotions met Maya Alcantara, a HUMSS student and average type of a girl who loves writing stories and poet...