Nakatingin lamang ako sa pagkain na nasa harapan ko. Break time namin kaya wala halos lahat ng kaklase ko. Kung mayroon nandito sa classroom ay ang mga kaklase kong nagre-review para sa finals at ilang quizzes.
Hindi ko pa ginagalaw ang pagkain na iyon at nanatili ang tingin ko sa maliit na note na naroon. Sa ilang araw ang lumipas ay nakasanayan ko na iyon. Kasama naman kasi ang pagbibigay ni Zacquel ng pagkain sa akin base sa pagsusulat ko para sa kanya. Tatlong beses kong magpadala siya ng snacks sa isang linggo. Hindi ko alam kung sabay ba iyon sa baon niya o nagpapabili pa siya. Paminsan kasi ay galing pa iyon sa mga kilalang restaurant.
"Ano ba 'yan, Maya. Tititigan mo lang ba 'yang pagkain mo? Sa akin na lang, kung ayaw mo," Dumapo ang kamay ni Karyl sa plastic ng pagkain. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Wala akong pagkain, Karyl,"
"Eh, bakit hindi mo kinakain 'yan? Mukha pa namang mamahalin..."
Hindi ko siya sinagot. Nanatii ang tingin ko sa note. Dati ay balewala lang sa akin ang nakasulat roon, palagi naman kasing 'thank you' ang nakalagay sa sticky note. Pero ngayon para akong namamawis na ewan habang binabasa iyon, ng paulit-ulit!
'Hi, Maya. Thank you for the letter! Wish you all the best in Stats. You can do it!'
-Ferro
"Ano ba kasing tinitignan mo?!"
"Ano ba, Karyl?!" Pinandilatan niya ako ng mata bago kinuha ang note at binasa iyon. Sapat na para marinig ko ang dahan-dahang pagbigkas niya ng bawat salita.
"Wews! May pa-note, note na kayo ng ganyan ah! Wish you all the best daw sa Stats!," Ngumiti ng nakakaloko sa akin si Karyl bago ako tinitigan ng parang nananantya.
"Wala lang 'yan," Pag-iwas ko ng tingin dahil sa titig ni Karyl sa akin.
"Sana-all! Supportive tutor!" Malakas na sabi ni Karyl kaya bahagyang napatingin sa amin ang ilan kong kaklaseng tutok sa pagre-review.
"Hoy, ang lakas ng boses mo!" Saway ko sa kanya.
"Tigilan mo ako, Maya. Porket may tutor ka na taga-STEM! Kaya pala, hindi mo na kailangan pang magpaturo kay James kasi kay Zacquel, advance na advance ka na, may pa extra notes pa ang tutor mo! Taray..."
"Hoy, hindi ah, nagkataon lang na nakita niya yung activity notebook ko sa Stats, nahihirapan ako kaya siguro imbes na pagtawanan niya ako, tinuruan niya na lang ako..."
"Sus, okay lang 'yan. You can do it, naman daw 'eh,"
"Bakit ba ganyan ka makatingin sa akin Karyl 'ah? Hindi naman bago sa atin 'to ah,"
"Oo nga, Maya. Ikaw kasi affected na affected ka na 'eh,"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
YOU ARE READING
Along The Letters (SHS Series #1) (SELF-PUBLISHED UNDER GPUB)
Teen FictionZacquel Ivan Ferro, a Senior High school STEM student, smart, hot and conceited rich-kid but emotionally weak in showing his true feelings and emotions met Maya Alcantara, a HUMSS student and average type of a girl who loves writing stories and poet...