Kabanata 12

794 29 1
                                    

Araw ng Sabado. Maaga akong nagising upang mag-exercise at mag-jogging. Anim na oras lang ang tulog ko kagabi pero masigla pa rin ang gising ko sa di malamang dahilan. At bago ko simulan ang lahat ng gawaing-bahay para ngayong araw, kailangan ko muna na ihanda ang aking katawan. Pampatanggal stress din kasi ang pagjo-jogging ng umaga lalo na kapag weekend dahil iyon lang naman talaga ang tanging araw para gawin ito, lalo na sa estudyanteng tulad ko.


4:30 a.m at nagsimula na akong maghanda ng aking sarili. Tahimik pa ang buong bahay at gustuhin ko man na gisingin si Miko pero saradong-sarado pa ang kanyang kuwarto. Maingat akong lumabas ng bahay at sa aming bakuran ay nagsimula nang magwarm-up.


Isang puting t-shirt at black na shorts ang suot ko. Simple at komportable sa pakiramdam. Ang aking pink na rubber shoes ay bumabagay sa suot kong pink rin na jacket. Malamig ang simoy ng hangin. Tunog ng kuliglig at ilang insekto sa gabi ang pumupuno sa aking pandinig. Matapos ang halos sampung minuto ay nagsimula na akong maglakad palabas sa aming village.


With my black headphones on, I hummed as my favorite music from a famous band played. I enjoy the music while walking on the streets and some lamp post as my light. The crescent moon and stars in the dark sky are silently watching me. Napangiti ako. Isa sa paborito ko tuwing madaling araw ang ganito. Madalas pa akong napapagalitan ni Mama dahil sa pagjo-jogging ko ng madaling araw. Delikado raw pero hindi naman ako natitinag. Sa luwasan naman kasi ay marami rin akong kasabay na nagjo-jogging rin. Nagiging kaibigan ko pa ang iba.


Nagsimula na ako sa dahan-dahan kong pagtakbo patungong luwasan. Unti-unti na ring lumiliwanag at balak ko talagang makita ang eksena nang pagsikat ng araw sa Paroja, isang malapit na parke sa bayan.


Nang marating ko na ang main highway ay napangiti na ako ng todo. Isang oras na lakad-takbo pa patungong Paroja. Marami rin akong kasabay habang nagjo-jogging. May ilang matanda at grupo rin ng mga kabataan. Mayroon pang nagbi-bike na sa tingin ko ay pareho lamang ang direksiyon ng aming tatahakin, patungong Paroja rin.


Wala pang gaanong sasakyan at ang liwanag ng ilang ilaw sa daan ay nakakagaan sa pakiramdam. Maayos at malinis ang aming syudad kung saan masarap na hangin ang iyong malalanghap sa umaga. Bagama't probinsiya, maunlad na rin ito tulad ng ibang lungsod. Mayaman ang aming bayan sa maraming lupain na maaaring mapagkakitaan. Maraming pamilya ng magsasaka sa amin ang nabubuhay ng marangya dahil sa ekta-ektaryang lupain.


Maraming negosyante rin ang nabubuhay sa aming bayan na nagbibigay ng malaking kontribusyon para sa aming lungsod. Kasama pa ang ilang bigating pamilya at ang kanilang mga propesyon na siya namang yaman talaga ng aming syudad, kasabay na roon ang kilalang pamilya ng mga Ferro.


Bagama't maraming establisyemento na ang naitayo ng maraming negosyante at ilang enhinyero dito sa amin ay ang kilalang ospital ng mga Ferro ay dinadayo pa rin ng mga karatig lalawigan at ilang lugar sa buong Pilipinas. Dr. Benidicto Ephraim Ferro, Sr. Memorial Medical Hospital o mas kilala bilang Ferro Medical Hospital ay isa sa pinakamagaling na ospital sa buong pilipinas. Kilala ang kanilang ospital sa pag-oopera ng may mga sakit at kanser sa puso. With those excellent and famous surgeons and doctors in the Philippines they have, their technology, equipment and tools also are all modern and convenient.


The hospital was built in early 1970's of Zacquel great grandfather- Dr. Benidicto Ephraim Ferro, Sr. Based from some articles and magazine I read, Dr. Ferro, Sr. was one of the famous heart surgeons in Philippines and in Asia. His children were also became surgeons and doctors. They are rich and famous family in the city, until now. If I'm not mistaken, Zacquel parent's owned one of the private hospitals in the city and some clinics. They are that rich!

Along The Letters (SHS Series #1) (SELF-PUBLISHED UNDER GPUB)Where stories live. Discover now