"Siya ba yun?" I asked.
Kunot-noo akong lumingon sa babae na matagal ko ng nakikita sa campus. Simula Grade 7 palagi ko na itong nakikita, sa canteen, sa field o kaya naman sa may hallway ng building. Hindi ko pa siya nagiging kaklase pero naririnig ko na ang pangalan niya, madalas sa mga writing contests sa school at ang iba ay sa mga kaklase kong babae.
Magaling daw itong magsulat.
"Mauna na kami,"
Mula sa pagkagulat ay bahagya siyang umiwas ng tingin sa akin. Nilingon ko ang mga kasama niya. Ito yung madalas kong nakikitang kasama niya palagi. Ngumiti sa akin ang dalawang nasa likuran niya. Nakita kong natigilan naman ang isa sa unahan, may kasamang lalaki na mukhang taga-ABM.
"Sandali lang," Napakurap ako sa kanya.
Hindi ako madalas makipag-usap, lalo na sa ibang estudyante pero hindi ako sanay na talikuran nang taong kausap ko. Madalas kasi ay ako ang gumagawa 'nun. Walang emosyon ko siyang tinignan.
"Ano bang kailangan mo?"
Natigilan ako. Our eyes met once again. I felt something special about her, actually I'm curious. I don't know but in that very moment when she started to talked back at me, I became curious about her. Anong meron sa babae na 'to? Bakit ganun siya magsalita sa akin?
"Pwede ba tayong mag-usap?" I calmly started.
Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko. Nakita kong medyo naiilang siya. For no reason, I smiled.
"School activities? Pinapatawag ba ako ng teacher? May pinapasabi ba ang teacher sa akin? M-manghihiram ka ng notebook?" Nagtataka niyang tanong, ngayon ay kaming dalawa na lang.
"Hindi," Napangiti na talaga ako.
Ako? Manghihiram ng notebook? I've never experience that thing. As an only child from a rich family and as a student, I learned to become independent. I want to be responsible for everything. I don't want to trouble other people just for my own sake, that is why I became emotionally-weak. Hindi ako madalas makipagsalamuha sa ibang tao kaya hindi ko rin alam kung paano ko ipapakita ang tunay kong nararamdaman sa iba.
Nasanay ako na manatiling walang imik sa lahat ng nangyayari sa paligid ko. Pero biglang nagbago iyon dahil kay Diana. She is my neighborhood friend since we were in elementary and my classmate since Junior high.
"So, can you write me love letters?" I asked her.
Iyon talaga ang pakay ko sa kanya. Alam kong magaling siyang magsulat, base sa mga naririnig ko sa kanya, madalas ay nagpapabayad pa siya para sa ibang estudyante na tamad at ayaw gumawa. I like Diana Lucia. I don't know how to express my feelings for Diana so I decided to write her love letters but I'm sucks at writing too.
"H-huh? Bakit ka magpapasulat ng love letters sa akin? I mean, ikaw magpapasulat ng love letters?!" Di makapaniwala niyang sabi.
Well...
"Kaya kitang bayaran kahit magkano," Diretso kong sabi.
"Bakit ka muna magpapagawa ng love letters?" Tanong niya.
Hindi niya ba naiintindihan? Hindi niya ba nakukuha ang ibig kong sabihin? Para saan ba ang pagsusulat ng love letters?
"I don't know! Shit! I like someone-No! I love her? Fuck!" I cursed.
I didn't mean it, just that nahihiya lang akong sabihin iyon sa kanya. Kasi syempre, ang baduy naman ng love letters sa panahon ngayon diba? Kahit nga ako, pinababayaan at tinatapon ko na lang mga natatanggap kong ganoon...
YOU ARE READING
Along The Letters (SHS Series #1) (SELF-PUBLISHED UNDER GPUB)
Novela JuvenilZacquel Ivan Ferro, a Senior High school STEM student, smart, hot and conceited rich-kid but emotionally weak in showing his true feelings and emotions met Maya Alcantara, a HUMSS student and average type of a girl who loves writing stories and poet...