I opened my eyes as the sun ray hits me. Napaupo ako mula sa pagkakahiga sa ilalim ng malaking puno ng Narra. Maraming estudyante ang pakalat-kalat at naglalakad, mayroon din ay tulad ko na nagpapahinga.
Napakusot ako ng mata. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nakita ko ang ilang libro at notebook sa aking tabi. Nakaayos na ito taliwas sa naalala ko kanina bago ako makatulog.
"Shet! Ang reviewer ko!"
Dali-dali kong hinanap ang folder na naglalaman ng reviewer ko. May recitation at performance kami mamayang hapon at kailangan kong mag-review kaya nagpalipas na ako ng lunch para mag-aral pero nakatulog pa ako.
Napasapo ako sa noo habang nagmamadaling hinahanap ang reviewer ko sa loob ng bag.
"Anong hinahanap mo?" A voice of a man asked.
Napatingin ako sa kanya. Ngumiti ito sa akin saka binigay sa akin ang isang lunch box.
"Nakita mo ba 'yung reviewer ko? 'Yung hawak ko kanina?"
"Nakaipit sa notebook mo," He smiled.
"Oh! Thanks," I smiled back.
"Kumain ka na," He offered and sat beside me.
"Bakit mo ako hinayaan makatulog? Alam mo naman na nagrereview ako 'eh," Inirapan ko si James saka nagsimula ulit magbasa sa reviewer ko.
"Pagod na pagod ka na. Kailangan mo rin nang kaunting pahinga kaya hinayaan na lang kita. Kumain ka na muna,"
He opened the lunch box and then I saw rice and caldereta. Siya na rin ang nagbukas ng bottled coke at tubig ko. Nakatingin lang ako sa bawat galaw niya. Napangiti ako.
"Ikaw nagluto? Amoy na amoy ko 'yan sa room mo kanina 'ah,"
"Kain ka na,"
Ngumiti ulit siya sa akin. Tumango naman ako sa kanya saka nagsimula ng kumain habang hawak pa rin ang reviewer.
"Masarap ba?" Tanong niya sa kalagitnaan ng pagkain ko.
Tumango ako sa kanya habang ang mga mata ko ay nakatutok pa rin sa reviewer.
"Mas masarap pa sa akin?"
Natigilan ako saka napaubo. Wtf? Sinamaan ko siya ng tingin bago binatukan.
"Siraulo! Bastos!" Natatawa kong sabi sa kanya.
"Ano?! Nagtatanong lang eh," Inosente niyang sagot.
"Kumakain ako 'eh tapos magtatanong ka ng ganoon,"
"Anong masama sa tanong ko para namang—"
"Sige! Ituloy mo! Matitikman mo talaga..." Banta ko.
"Ang ano?" He smirked.
What the hell?
"Manyak!" Sigaw ko.
Humalakhak siya. Sinamaan ko siya ng tingin bago nagpatuloy sa pagkain. Sanay na ako sa ugali ng isang 'to. Araw-araw ba naman na kasama ko siya, ewan ko kung bakit hanggang ngayon buhay pa ako.
"Ako na hahawak ng reviewer mo, para sa'yo..." Kinuha niya ang folder at hinarap sa akin habang sumusubo ako.
"Ayusin mo naman!" Reklamo ko pero ngumiti lang siya sa akin.
"Kumain ka lang ng marami," Aniya.
I stopped and looked at him. My heart beats became fast at that very moment. I looked into his black almond eyes. He just stared at me too.
Mas nadepina ang mukha niya ngayon kumpara noon. Makapal ang kilay. Matangos na ilong. At magandang hulma ng labi. Sa ilang taon namin magkasama, ngayon ko lang ulit siya natitigan ng ganito. At sa mga sandaling ito, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.
YOU ARE READING
Along The Letters (SHS Series #1) (SELF-PUBLISHED UNDER GPUB)
Teen FictionZacquel Ivan Ferro, a Senior High school STEM student, smart, hot and conceited rich-kid but emotionally weak in showing his true feelings and emotions met Maya Alcantara, a HUMSS student and average type of a girl who loves writing stories and poet...