Kabanata 29

616 24 2
                                    


A month had passed and it feels like a year. Masyadong maraming nangyari at nagbago sa mga nagdaang araw na tipong panaginip lang ang lahat. Ikunuwento ko ang nangyari kina Karyl, syempre bukod doon sa nangyari noong gabi sa party. Sa una ay gulat na gulat pa sila at halos hindi makapaniwala pero sa huli ay naging ayos naman. Wala naman daw silang magagawa kung hanggang ngayon ay mahal ko pa rin si Zacquel.

Masaya na daw sila para sa amin.

Zacquel stayed on my side since then. Nalaman ko rin na nag-aaral siya sa sikat na unibersidad malapit sa amin. He's also a graduating engineering student. Madalas niya akong pinupuntuhan dito sa university at yayain kumain sa labas o kaya maglakad-lakad pagkatapos ng klase.

Nakakapanibago. Medyo nakakailang pa nga dahil sa loob ng apat na taon, alam kong maraming nagbago sa akin at ganoon rin sa kanya. Para kaming bumalik sa dati, getting to know each other and catching up but now, we just go with the flow.

Alam kong hindi ganoon kadali ang lahat. Sa bilis ng mga pangyayari ngayon, unti-unti akong dinadala nito sa kahapon, lalo na at bumalik si Zacquel.

"Ngayon na ba ang alis niyo?" Mahinang tanong ni Lory sa akin.

Sabado ngayon ng umaga at nasa apartment kaming apat. Dito kasi natulog ang tatlo kagabi dahil sa movie marathon namin. Tumango ako kay Lory na nagkakape sa kusina habang dahan-dahan naman akong nag-iimpake.

"Isang buwan na lang graduation na natin, ngayon ka pa ba uuwi?"

Natigilan ako sa tanong niya. Tinitigan ako ni Karyl at Kate na nagce-cellphone sa gilid.

"Apat na taon rin akong hindi umuuwi sa atin,"

"Kaya nga. Hindi kaya ang awkward naman ng sitwasyon mo kung uuwi ka agad sa atin na kasama si Zacquel?" Dagdag tanong ni Kate.

"Pinag-usapan namin 'tong dalawa. Isa pa, g-gusto raw niyang makausap si Mama..."

"Eh, ikaw? Handa ka ba na makaharap muli ang pamilya niya? Pagkatapos ng lahat?"

Tipid akong ngumiti kay Karyl. Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Pagkatapos ng lahat ng nangyari, alam ko sa sarili ko na wala na akong balak na makipagkita o kausapin pa ang pamilya ni Zacquel. Hindi ko na hinangad na dumating ang araw na iyon at magkaroon ng linaw ang lahat pero ngayon na kasama ko si Zacquel, sabay namin haharapin ang lahat ng 'yun.

"H-hindi ko alam," I shrugged.

They all sighed. Umiwas ako ng tingin at saka pinagpatuloy ang pag-iimpake.

"It's okay, Maya. Just face it. Kaya mo 'yan..." Tinapik ako ni Karyl sa balikat. Ngumiti ako sa kanya.

"Sabay kayong aalis ni Zacquel?" Kate asked.

"Ah-oo! Maya-maya nandito na 'yun." Napatingin ako sa orasan. It's 9:30 a.m.

"Hay naku, ang gulo-gulo! Nakakahiya naman kay Zacquel kapag naabutan niya 'to..."

Dali-dali silang tumayo upang maglinis ng ilang kalat sa sala. Napailing ako at napangiti.

"Ayos lang 'yan. Hindi naman 'yun papasok. Sa labas niya na lang daw ako hihintayin," Paliwanag ko sa sa kanila.

"Sigurado ka ba? Nakakahiya naman sa—teka, boyfriend mo na nga ba ulit 'yun?" Naningkit ang mata ni Lory sa akin.

Natigilan silang tatlo ganoon rin ako. Umiwas ako ng tingin at magsasalita na sana pero...

"Wala kayong label 'no? Hay naku! Mahirap 'yan!"

"Hindi naman sa ganoon—"

"Pero parang ganun na nga! Hay naku, Maya, hindi pa pala kayo...ulit," Pang-aasar ni Lory.

Along The Letters (SHS Series #1) (SELF-PUBLISHED UNDER GPUB)Where stories live. Discover now