"Pass your answer sheets, forward!"
I swallowed really hard as I looked into my answer sheet. There are twenty items I just leave it blank. I don't even understand the questions. I don't even know the answers, either.
"Maya, ipasa mo na sa unahan!"
"In the count of ten, all papers should be in front! All late papers will automatically zero!"
"Maya, ipasa mo na!" Karyl whispered beside me.
I sighed then pass my answer sheet forward. Nakita ko ang pagkadismaya sa mukha ng aming guro habang tinitignan ang papel ko. Umiling siya sa akin. Napaiwas ako ng tingin.
"That is all for today. Class dismissed."
Naging maingay ang buong klase pagkatapos lumabas ng aming guro. Napayuko na lang ako. I feel something heavy inside. My tears slowly forming in my eyes.
"Hey, girl. Okay lang 'yun. May finals pa naman, bawi ka na lang,"
"Hindi..." Tipid akong ngumiti kay Karyl. "Ayos lang,"
She smiled and then tapped my shoulder. She offered me a bottled water and stood up.
"Tara sa canteen. Anong gusto mo? Libre ko..." She offered.
"'Wag na. Magrereview pa ako sa Philo. Pahiram na lang ako ng notes mo,"
"Ganoon ba? Sure!" She smiled again.
Dali-dali niyang kinuha ang notebook sa bag niya at binigay agad sa akin.
"Ni-highlight ko na ang mga important details diyan para hindi ka na mahirapan. Wala ka bang ipabibili sa'kin? Cheese cake? Carbonara? Ayaw mo?"
Umiling ako sa kanya at saka nagsimula nang magbasa sa notebook niya.
"Okay. I'll be back!"
Pinilit kong intindihin ang lahat ng nababasa ko pero kahit isang salita walang pumapasok sa utak ko. Dalawang linggo akong hindi pumasok. One week for my father's burial and another week for finding myself. Hindi ko alam kung bakit ko hinahanap ang sarili ko. Sariwa pa rin sa akin ang lahat. Hindi ko pa rin matanggap ang agarang pagkawala ni Papa at ang panloloko ni Mama sa pamilya.
Isang linggo akong nagkulong sa kuwarto. Wala akong pinapapunta sa bahay kahit na si Zacquel. He texted me every hour, almost everyday but I didn't reply. He understand, though. My friends understand it and they support me because they want to comfort me. I appreciates their effort. Kahit ngayon. Kahit hindi ako madalas na nakikipagusap sa kanila.
It's a hell month for us students, especially for those Grade 12 students. The school year will end sooner. Sobrang dami ng gawain, exams, requirements na kailangang ipasa plus we are preparing for the CET. At para sa akin na dalawang linggo na hindi pumasok, sobrang hirap ng sitwasyon ko ngayon.
Hindi ako makasabay. Wala akong alam sa mga lessons at marami akong activities na hindi pa naipapasa. Hindi ko alam kung paano ko pagsasabayin ang lahat. Excused ako sa attendance pero hindi sa mga activities. Sunod-sunod rin ang mga quiz at summative tests at para sa akin na walang notes at walang alam sa lessons tanging inaasahan ko na lang ay ang notes ni Karyl.
I already failed five summative tests and six different quizzes for different subjects. Some teachers already talked to me and they offered remedial and special tests for me. Pero asahan ko na raw ang pagbaba ng mga grades ko. Mabuti na lang iyon kaysa ibabagsak nila ako ng tuluyan. Baka hindi pa ako makagraduate.
Walang pumapasok sa utak ko kaya yumuko na lang ako sa table ng upuan ko. I want to take a nap for a bit. I couldn't get enough sleep for the past few days. Hanggang tatlo at apat na oras na lang ang tulog ko...
YOU ARE READING
Along The Letters (SHS Series #1) (SELF-PUBLISHED UNDER GPUB)
Genç KurguZacquel Ivan Ferro, a Senior High school STEM student, smart, hot and conceited rich-kid but emotionally weak in showing his true feelings and emotions met Maya Alcantara, a HUMSS student and average type of a girl who loves writing stories and poet...