Kabanata 15

639 39 20
                                    

"Alam na niya ang tungkol sa sulat...alam niya na mula sa akin iyon..."


Hinanap ko ang nawawalang hangin sa aking sistema. Pinilit kong ayusin ang pagtayo ko kahit pa nanghihina ako sa hindi malamang dahilan. Napahinga ako ng malalim bago tumingin sa kanya.


"A-ah..." Mahina kong sabi.


Walang nagbago sa reaksyon niya. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin, tila nananantanya.


"Noong isang linggo niya pa alam..." Diretso niyang sabi, hindi iniiwan ang mga mata ko.


Napalunok ako ng husto. Umiwas muli ako ng tingin ng hindi ko na makayanan ang mga mata niya. Mas lalo akong dumikit sa dingding na tanging sandalan ko ngayon. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Alam kong darating ang araw na ito. Alam kong darating ang oras na ito.


Alam ko sa sarili kong...handa ako.


Dahil bakit naman hindi? Nagsusulat lang naman ako. Binabayaran lang ako.


Dapat nga ay maging masaya ako. Para kay Zacquel at para sa sarili ko...dahil may natulungan akong tao, sa pamamagitan ng pagsusulat ko...


"E-edi mabuti..." Ngumiti ako sa kanya at sa kauna-unahang pagkakataon alam kong hindi iyon totoo.


"Diba 'yun naman talaga 'yung goal natin?" Dugtong ko pa.


Pinagmasdan ko siya. Ang seryoso niyang mukha ay naghatid kilabot sa akin. Hindi ko mabasa ang mga mata niya. At ang kaninang sumibol na sakit sa akin ay mas luminaw pa...


Hindi ko alam kung hanggang kailan ito magtatagal, pero unti-unti ko nang napagtatanto ang lahat. Baka ito na nga 'yun, ang huling pag-uusap...ang katapusan ng lahat.


Dahan-dahan siyang tumango kasabay ng kanyang paglayo sa akin. Ilang beses umawang ang kanyang bibig, tila may gustong sabihin.


"A-akala ko..." He whispered.


"Titigil na ako sa pagsusulat ng love letter, diba? T-tapos na ang deal natin..."


Nakita ko ang bahagya niyang pagkagulat sa sinabi ko pero agad ding nakabawi. Naningkit ang mata ko sa reaksyon niya. Marami akong gustong sabihin. Marami akong gustong itanong. Pero sa pagkakataong ito ay gusto ko na lang umalis sa kanyang harapan at mapag-isa.


Naguguluhan ako.


Sa kanya. Sa nararamdaman ko. Sa lahat.


Mahinahon siyang tumango at saka yumuko muli.


Kinagat ko ang aking labi habang pinagmamasdan siya. Isang beses na tumibok muli ang aking puso.


"May problema ba?"


Umiling siya. Napaiwas ako ng tingin. Ang kaninang tahimik na lugar ay unti-unti nang naging maingay. Naririnig ko na ang boses ng mga estudyanteng dumaraan rito at ilang sigawan dahil sa resulta ng laro.

Along The Letters (SHS Series #1) (SELF-PUBLISHED UNDER GPUB)Where stories live. Discover now