Everything was vibrant. The sun was too bright. The sky was too beautiful with its bright blue color. The air feels so relaxing and it calms me, from my heart down to my soul.
Everything is perfect.
Iyon ang nakikita ko sa aking paligid habang nakasakay ako sa pampasaherong jeep patungong paaralan. It's Monday morning. Panibagong araw. Panibagong buhay. Nakangiti ako sa lahat ng tao na nakabusangot sa loob ng jeep dahil traffic. It's 7:30 in the morning and my class starts at 8:00. Sa katunayan, dapat ay natataranta na ako dahil traffic pa at baka ma-late ako sa first class ko pero ngayon ay nakangiti pa ako, hindi alintana ang traffic at init.
Ang ganda pala ng paligid. Sobrang ganda pala ng buhay. 'Yung pakiramdam na gigising ka ng umaga na may ngiti na agad sa iyong labi, sumasabog 'yung puso mo sa kasiyahan, nakagagalak ang pagpasok mo araw-araw sa paaralan na tipong ayaw mo nang mag-uwian pa...ganoon lang naman ang nararamdaman ko ngayon at sa dalawang linggo na ang nakalilipas.
Sakto ang pagbaba ko sa jeep sa tapat ng aming paaralan. Sampung minuto na lamang ang natitira at magsisimula na ang klase. Tumakbo na ako patungong main building, marami pa naman ang estudyanteng pakalat-kalat sa hallway kaya hindi naman ako nag-alala na baka mahuli ako sa klase bagkus ay bahagya pa nga akong napatigil at napatingin sa may Science Building.
Mahigpit kong hawak ang file case ko at hinihingal pa habang nakatingin sa saradong pintuan ng STEM 1. Nandoon na kaya siya?
Napatalon ako ng biglang tumunog ng malakas ang school bell. Time na!
Aalis na sana ako para magpatuloy na sa room ng biglang nagbukas ang isang bintana sa room ng STEM 1. Natigilan ako ng agad na magtama ang tingin namin ni Zacquel. Nagulat siya ng makita ako sa labas pero agad ding nakabawi ng ngumisi siya at bahagyang kumaway sa akin habang nakasilip sa kanilang bintana.
Nagliparan ang napakaraming insekto sa tiyan ko. Sa isang iglap, nagkagulo agad ang sistema ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya napaiwas na lang ako ng tingin saka nagmamadaling tumakbo patungo sa room.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita na wala pa ang aming teacher. Maingay ang buong klase. Wala rin sa tamang ayos ang mga upuan at halos lahat ay nagsasalita ng dumating ako roon pero agad silang natigilan at napatingin sa akin ng pumasok ako sa room. Tahimik akong naglakad habang sinusundan nila ako ng tingin hanggang sa aking table.
Pero hindi pa man ako nakakaupo ng may napansin agad akong kakaiba sa table ko. Kunot-noo ko iyong tinignan at kinuha mula sa pagkakayos nito sa gilid ng aking table. Maganda ang pagkakabalot 'nun at amoy na amoy ang mabangong pagkain na nasa loob 'nun. Hindi na ako nag-abala pa at wala sa sariling bubuksan ko na sana iyon ng may makita akong sticky note sa gilid.
My heart pounded wild and crazy while reading the note. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at napangiti na naman ako ng todo.
Hi, my writer! Good morning! Don't stress yourself, sasagutin mo pa ako...
Have a nice day! :)
-Ferro
Napatingin ako kay Karyl na nakangiti habang nakatingin sa akin. Magsasalita na sana ako ng agad na nagtilian at nagsigawan ang mga kaklase ko. Muling umingay ang room dahil sa pang-aasar nila sa akin. Nag-init ng husto ang mukha ko at napayuko na lang ako habang ngumingiti rin.
YOU ARE READING
Along The Letters (SHS Series #1) (SELF-PUBLISHED UNDER GPUB)
Teen FictionZacquel Ivan Ferro, a Senior High school STEM student, smart, hot and conceited rich-kid but emotionally weak in showing his true feelings and emotions met Maya Alcantara, a HUMSS student and average type of a girl who loves writing stories and poet...