"Talaga?!"
Napatalon ako dahil sa sabay-sabay na sigaw ng tatlo. Hinimas-himas ko ang dibdib ko dahil rin sa gulat. Napatingin tuloy ako sa mga kaklase kong gulat rin na nakatingin sa banda namin. Napayuko ako at tumango sa kanila, pinipigilan ang ngiti.
"Oh my gosh!"
"OMG! Totoo?! As in?!"
Napakagat ako ng labi at saka nahihiyang ngumiti sa kanila.
"Oo nga. 'Wag kayong maingay..."
"Date ka ni Zacquel Ferro?! Sa prom?!" Di makapaniwalang sigaw ni Lory na umalingawngaw sa buong classroom.
Natigilan ang lahat. Nawala ang ingay sa classroom at ramdam ko ang titig sa akin mismo ng buo naming section. Namilog ang mata ko kay Lory na kinikilig akong hinahampas ng notebook.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko saka binatukan si Lory.
"A-ano ba, HA-HA-HA! H-hindi ganoon ang sinabi ko, b-bingi ka talaga, Loricia!" I greeted my teeth.
"Ay sus! Huwag ka nang mahiya, Maya..." Hinampas niya ulit ako ng notebook na tipong mahuhulog na ako sa upuan sa lakas ng hampas niya!
"Ano ba!" Nangigigil kong sabi saka inangat ang tingin sa mga kaklase ko.
Pilit akong ngumiti sa kanilang lahat bago ibinalik ang tingin sa tatlong babae na nasa harap ko.
"Diba sabi ko walang sisigaw? Overreacting naman kayo masyado eh,"
"Paano kami hindi sisigaw, girl? Si Zacquel 'yun na may gusto at nanliligaw sayo tapos niyaya ka pang date sa prom?! Heaven!"
Sinamaan ko ng tingin si Lory. Kanina pa 'to eh.
"Hindi mo naman kailangan na sumigaw ng ganoon. Sekreto lang dapat yun!"
"Gaga! Anong sekreto ang sinasabi mo? Sa Friday, makikita kayo nang lahat, doon sa gitna ng hall, naghaharutan!" Untag ni Kate.
Malakas na humalakhak ang tatlo habang hinahampas hampas pa ako. Halata sa kanila ang excitement at kilig kaya hindi ko na rin napigilan pa ang sarili ko na ngumiti ng todo at kiligin ng sobra dahil tuwing naiisip ko ang sinabi sa akin ni Zacquel, nag-iinit agad ang mukha ko.
"Nakakaexcite naman pala sa Friday! Kaming dalawa lang ang walang date..." Nakangiting sabi ni Lory.
"Pwede naman 'yun diba? Hindi naman required ang may date sa prom,"
"Kahit na Kar, iba pa rin talaga 'yung may date sa prom 'no! Once in a lifetime lang 'yun sa highschool days natin,"
YOU ARE READING
Along The Letters (SHS Series #1) (SELF-PUBLISHED UNDER GPUB)
Roman pour AdolescentsZacquel Ivan Ferro, a Senior High school STEM student, smart, hot and conceited rich-kid but emotionally weak in showing his true feelings and emotions met Maya Alcantara, a HUMSS student and average type of a girl who loves writing stories and poet...