Kabanata 4

999 48 1
                                    

I silently drummed my fingers while reading the letter I wrote yesterday. Palihim kong binabalikan ang bawat salitang naroon, ito na ang pangalawang sulat na naisulat ko at lahat ng mga salitang nailapat roon ay base kay Zac. Inaayos ko na lamang iyon at nilalagyan ng kaunting mabulaklaking salita upang mas maipahayag ang layunin 'nun.


Pagkatapos kong magsulat ay agad ko nang ibinibigay kay Zacquel ang sulat. Sinabi niyang siya na ang bahala para maibigay iyon kay Diana. Hindi ko pa naitatanong sa kanya kung nagagawa niya bang basahin man lang ang sulat bago iyon ibigay pero marahil ay binasa niya na ang unang sulat na nagawa ko.


I loved writing so much. For my entire life, I am confident in every piece I wrote, in every letters and words I construct pero ngayon lang ako nakaramdam ng pag-aalinlangan. Simula noong nagsulat ako nito ay napagtanto kong tiyak na mahihirapan ako. Paulit-ulit kong binabago at inaayos ang bawat salita. Pilit kong pinag-iisipan ng mabuti ang dapat kong isulat roon at pilit ko ring pinapagana ang imahinasyon ko sa paraan ng paglalarawan ni Zac.


Alam kong mahihirapan ako dahil unang-una ay hindi ako isang lalaki. Ang paraan ng aking pag-iisip ay para sa isang babae at ang magsulat sa pamamagitan ni Zac ay sadyang mahirap. Pangalawa, I don't even know the feeling of being in loved or liked by someone. Hindi ako makasabay sa mga sinasabi ni Zacquel tungkol kay Diana. Pangatlo, I want everything to be perfect. Gusto ko ay maging maganda ang bawat salitang nakasulat roon. Gusto ko ay lahat ng iyon ay tama at walang bahid ng kamalian. Isa iyong hamon sa akin dahil alam kong hindi ako perpekto at kahit sa paraan ng aking pagsusulat ay hindi ito perpekto.


Nilagyan ko ng maiksing tula sa baba ng sulat kung saan mas naipahahayag ang damdamin ng nagsusulat. I'm really good at this. Writing poems when I'm bored and some short stories. Ngayon ay magagamit ko na ito at makakatulong pa ako sa ibang tao. In the end, I just simply wrote 'your secret admirer' for Zacquel. This is what he wants.


Tumingin ako sa aking relo habang hinihintay si Zacquel dito sa library. We have two hours free-time today for HUMSS student only and thinking Zacquel he probably on his class right now but we already talk about this last time. Hihintayin ko siya dito sa library ng ganitong oras dahil gagawa naman daw siya ng paraan para makalabas at makuha ang sulat sa akin.


Sa ganitong paraan lang kami magkikita. He's busy with his study and so am I. I just write him letters and he just pays me. That's easy. But if we both have time, we can talk here in the library about the letters, that was the plan.


"Hey, I am sorry." He greeted apologetically. I just smiled and lend him the letter.


"It's okay. Binabasa ko pa naman 'eh." I said without looking at him. It's awkward now that some teachers are watching us secretly. Oh, we are in the library!


"Thank you, huh?" Ngumiti siya ng bahagya habang pinapasadahan ng tingin ang nakatuping papel.


"It's my job. By the way, binasa mo ba 'yung unang sulat? Kumusta? Naibigay mo ba?" I curiously asked without looking at him, again.


Umupo siya sa upuang nasa aking harapan at hinanap ang mga mata ko. Ngayon ay nakatingin na siya sa akin ganoon rin ako sa kanya.


"Yeah. It's good, really. And it's successful." Nagtataka ang kanyang mga tingin pero itinatago iyon ng kanyang mga ngiti.

Along The Letters (SHS Series #1) (SELF-PUBLISHED UNDER GPUB)Where stories live. Discover now