"Zac." Pag-uulit ko at kumurap sa kanyang harapan. Mula sa likod niya ay nakita ko ang pagdating ng ilang kalalakihan na batid ko ay kaklase niya.
Kumunot ang noo niya sa akin bago ako tinalikuran. Nagtaka ako at binalingan ng tingin ang nanunuksong tingin nila Lory at Kate. May sinasabi sila kay Karyl na hindi ko maintindihan.
"Siya ba 'yun?" Boses ni Zac sa kanyang mga kaklase. Tumango ang isa roon at may sinabi pa kay Zac bago lumingon muli sa akin ang walang ekspresyon na mukha ni Zac.
"Bakit niya ako kilala?" Nakakunot-noong tanong ni Zac. Hindi ko alam kung para ba sa akin ang tanong na iyon o para sa mga kaibigan niya. Tinatanong pa ba 'yan? Para namang nakakabobo ang tanong na 'yan...
"Mauna na kami." Singit ko dahil sa tingin ko ay wala namang patutungahan ang pangyayaring ito.
"Sandali lang." Sumulyap siya muli sa akin bago tumango sa mga kaklase niya. Maya-maya pa ay umalis na rin ang mga ito kaya itinuon ko na ang buong atensyon ko sa kanya, nang sa gayun ay makauwi na ako.
"Ano bang kailangan mo?" Diretso ko nang sabi sa kanya. Nilingon niya ang mga kasama ko na ngayon ay parang mga pusang nakadungaw sa aming dalawa.
"Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong niya na nakatingin pa rin sa mga kasama ko. Nakita kong bahagya silang nailang at nahihirapan akong basahin ang emosyon na nais niyang ipakita. Hindi ko tuloy maintindihan kong bakit siya narito sa harapan ko ngayon.
Bahagya akong nagulat sa sinabi niya.
"Huh? Anong pag-uusapan natin saka kung may sasabihin ka, pwede mo namang sabihin sa akin, dito. N-ngayon." Naiilang pa ako habang sinasabi iyon dahil baka mamaya ay nag-aasume lang ako na may sasabihin siyang importante sa akin o ano.
"Uh-" Kinagat niya ang ibabang labi at bahagyang kinamot ang kanyang batok. Hindi malaman ang sasabihin pero dahil sa kating-kati na akong makauwi at may daraanan pa akong bookstore ay tumango na agad ako.
"Lory. Kate. Mauna na kayo. Bookstore pa ako mamaya eh. Bukas na lang 'ah?" Pinandilatan ko sila ng mata at naintindihan naman nila na kailangan na nilang umalis kaya sabay silang tumango bago ako nginitian ng makabuluhan saka hinila si Karyl na nagtataka.
Nang tuluyan na silang umalis ay humalakipkip ako sa harapan ni Zac. Gulat pa rin na nasa harapan ko siya.
"School activities? Pinapatawag ba ako ng teacher? May pinapasabi ba ang teacher sa akin? M-manghihiram ka ng notebook?" Naningkit ang mata ko sa huli kong tanong. Imposible naman yatang manghiram ng notebook sa akin ang isang STEM student, with highest honor sa buong klase noong Grade 10, mayaman at uh- medyo mayabang.
"Hindi." Sumilay ang ngiti sa kanyang labi bago siya nagsalita. Natahimik ako habang nakatitig lang sa kanya. Now I know why every girl from this school liked him so much. Since Junior High, he's a top student plus he's handsome and rich-kid also. From family of doctors, he's the only child. Sabi nila'y mayaman daw ang pamilya nila Zac kaya ang mag-aral sa isang public school ay nakapagtataka pero hindi rin naman basta-basta ang paaralan namin. It is a Premier School in the city. Public but excellent!
YOU ARE READING
Along The Letters (SHS Series #1) (SELF-PUBLISHED UNDER GPUB)
Teen FictionZacquel Ivan Ferro, a Senior High school STEM student, smart, hot and conceited rich-kid but emotionally weak in showing his true feelings and emotions met Maya Alcantara, a HUMSS student and average type of a girl who loves writing stories and poet...