"Baka gusto mong magpaliwanag, Maya?" Bulong ni Karyl na ngayon ay pasimpleng humihilig sa aking upuan habang nagsusulat sa kanyang notebook.
Tahimik ang buong klase at lahat ay nakikinig sa panibagong leksyon sa 21st century literature subject. Magkakaroon kasi kami ng group performance at nagbibigay instruksiyon na ang teacher namin sa harapan.
"Anong ipapaliwanag ko?" Bulong ko rin sa kanya habang nasa unahan pa rin ang buong atensyon. Last subject na namin ito at siguradong magpa-practice kami mamayang uwian.
"Ang daya mo naman, Maya. Marami ka sigurong hindi sinasabi sa akin 'no?" Napalingon ako sa kanya na ngayon ay nakatingin pala sa supot ng pagkain na nasa gilid ko.
"Ano bang dapat kong sabihin sa'yo?" Pagmamaang-maangan ko kahit alam ko na kung saan patungo ang usapan naming ito. Pagkatapos kasi nilang makita ang nakasulat sa note na iyon ay hindi na sila nakapagtanong pa sa akin dahil agad nang dumating ang teacher namin.
Wala sa sariling bumalik sa kanilang classroom sina Lory at Kate. Halatang gulat pa sa kanilang nakita samantalang kanina pa bumubulong sa tabi ko si Karyl. Hindi ko rin naman siya masagot ng maayos dahil hindi ko rin alam kung paano ko ba sasabihin sa kanya ang lahat. Isa pa ay lutang rin ang isip ko kung bakit kailangan pang ipadala sa room ang snacks na iyon at kung bakit may note pa na nakasulat ang taong nagbigay noon.
Nag-iisang Ferro lamang si Zacquel sa buong paaralan. Kilala siya ng halos lahat ng estudyante kaya naiintindihan kong ganoon na lamang ang reaksyon nila ng makitang pinadalahan ako ng snacks ng isang Ferro. Natural na iyon dahil iyon din naman ang sinabi niya kapalit ng pagsusulat ko ng love letters niya para kay Diana, nagulat lang ako kung bakit kailangan pa niyang ipadala iyon kung pwede namang ibinigay niya na lang sa akin.
"'Yung pagkain? 'Yung note, Maya. Anong ibig-sabihin 'nun,?"
"Hindi iyon 'yung iniisip mo, okay? Mamaya ko na ikukuwento sa'yo..." Bumuntong-hininga ako ng nagsimula nang magbilang para sa group performance.
"Sabi ko na nga ba, may hindi ka sinasabi sa akin..." Nanlulumong boses ni Karyl na akala mo ay napakalaki ng kasalanan ko sa kanya. Natatawa na lang akong umiling at isa-isa nang inayos ang gamit dahil malapit na mag-time.
"Hindi naman kasi importante iyon..."
"Ha! Anong hindi importante sa kung anong relasyon niyo ng Ferro na iyon? STEM iyon, diba?"
"Wala kaming relasyon ni Zacquel, ano ka ba?"
"Kaya pala, lumapit siya sa'yo noong nakaraang linggo. Nakalimutan ko na pala iyon!"
"Ewan ko sa'yo..." Nagsitayuan na kaming lahat nang i-dismiss na kami. Nagsimulang mag-usap usap at mag-plano ang ibang grupo para sa performance next week samantalang patuloy ang diskusyon namin ni Karyl.
"Sabihin mo nga Maya, paano nagsimula?" Umiling na lang ako at wala nang nagawa kundi ipaliwanag sa kanya ang lahat. Hindi rin siya titigil kaya mas mabuti pang sabihin ko na lang sa kanya dahil hindi ko rin naman ito maitatago pa sa kanya. Para saan pa?
YOU ARE READING
Along The Letters (SHS Series #1) (SELF-PUBLISHED UNDER GPUB)
Teen FictionZacquel Ivan Ferro, a Senior High school STEM student, smart, hot and conceited rich-kid but emotionally weak in showing his true feelings and emotions met Maya Alcantara, a HUMSS student and average type of a girl who loves writing stories and poet...