Umihip ang malamig na simoy ng hangin kasabay ng paghuni ng mga ibon sa langit. Tahimik ang lugar na tanging ang pagsayaw lamang ng mga dahon at halaman ang nagsisilbing ingay. Napayakap ako sa aking sarili tulad ng palagi kong ginagawa kapag pumupunta ako rito.
I curved a smile as I looked into his grave.
"Hi, it's been a long time..." I started and placed the flower beside his name.
Muling umihip ang malamig na simoy ng hangin. Pilitin ko man ang ngumiti ay pilit na tumatakas ang luha sa aking mga mata.
"Kumusta ka na? Nakikita mo ba ako ngayon?" Masuyo kong hinaplos ang magandang pangalan niya. "Miss na miss na miss na kita. Sobra-sobra." Pinahid ko ang luha sa aking mata.
Ilang minuto ang nakalipas at nanatili lang akong ganoon. Tahimik kong pinagmamasdan ang larawan niya.
"Grabe. Hanggang ngayon ang gwapo mo pa rin. Walang kupas, parang hindi ka tumatanda," I joked.
Napatingin ako sa kalangitan. Maganda ang sikat ng araw na tila nakikisabay sa kung anong mayroon ngayong araw na ito. Napatingin ako sa aking relo. Malakas ang kabog ng dibdib ko sa bawat minutong lumilipas.
"It's my graduation day! Finally, I carried out your dreams for me. Like what I promised, I graduated college with latin honor and this is it! And now, I hope you are here, watching me as I gradually achieving my dreams... pero iniwan mo agad kami 'eh."
"But I am happy now. We are happy now. I hope you're happy too, wherever you are now. Maybe, it all happens for a certain reason." Napatango ako. "Maybe, it is our fate."
"I will always keep you in my heart forever. I miss you so much and when the right time comes, we'll see each other again. I love you so much, papa."
Ngumiti ako saka tuluyan ng tumayo. It's good to start my day here. Nakakagaan sa pakiramdam. Sa tuwing pumupunta ako rito, may luha man sa aking mga mata, umuuwi pa rin akong may ngiti sa labi at masaya. Anuman ang dahilan kung bakit ako dumadalaw, gumagaan pa rin ang pakiramdam ko pagkatapos.
So that's when I realized, he never left me. He never left us. He always there, watching us from a far, guiding us like he always did. Nawala lang siya pero hindi niya pa rin kami iniwan. He is such a great father. He is a great man, indeed.
Naging madilim ang buhay ko nang mawala sa amin si Papa. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula nang wala siya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa araw-araw na hindi na siya kasama. Lubog na lubog ako, 'yung tipong ang hirap na makabangon.
Masakit mawalan ng isang mahal sa buhay. Mas masakit ang mawalan ng isang ama.
Pero, iyon ang nagbigay ng pag-asa sa akin. Doon ako natuto ng maraming bagay. Doon nasukat ang tibay ng aming pamilya. Doon ako mas naging matatag. Sa mura kong edad, mas naging mulat ako sa reyalidad.
Natuto akong magparaya. Natuto akong magdesisyon hindi lang para sa sarili ko kundi para sa ikabubuti ng lahat. Natuto akong magpatawad. Natuto akong magmahal ng totoo. Nakita ko ang kahalagahan ng pamilya. Ang pagmamahal na nagbibigay pundasyon sa bawat hamon ng buhay. Na kahit anuman ang mangyari, ang pamilya ay pamilya. Hindi kailanman matitibag at mababago.
"I'm sure your dad is really happy now."
I felt a hand on my small waist. He gently held my hand as we both staring at my father's grave. His manly scent filled my system again. His eyes were fixed at my late father's picture and then suddenly he met my gaze.
"So don't worry, he will be really happy seeing you now, achieving your dreams. I'm sure he is proud for you. You are a great daughter, Maya. You did best." He smiled.
YOU ARE READING
Along The Letters (SHS Series #1) (SELF-PUBLISHED UNDER GPUB)
Novela JuvenilZacquel Ivan Ferro, a Senior High school STEM student, smart, hot and conceited rich-kid but emotionally weak in showing his true feelings and emotions met Maya Alcantara, a HUMSS student and average type of a girl who loves writing stories and poet...