Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong unang aralin. Ang ibang subject o pilitin ko ang sarili ko na aralin ang Statistics gayong wala talaga akong alam kahit isa sa ni-lesson ni Mr. Bueno. Nakakaiyak lang dahil sa susunod na araw na ang final test namin para sa semester na ito. At kahit isa ay wala akong naintindihan, well mayroon naman kahit paano pero madali kasi talaga akong makalimot kapag may mga numbers na kaya hindi ko pa rin maintindihan ang lesson at wala rin akong masagot kapag sinusubukan ko.
Nasa canteen kami pareho ni Karyl. Nasa harapan namin ang napakaraming papel at ilang libro na kailangan naming aralin para sa linggong ito. Sabay pa ang pagpasa ng maraming requirements para sa buong semester. Nahihilo na talaga ako, I swear. Ito ang buhay Humanista. Bawal ang tamad. Papel ang kalaban.
Hindi na rin ako tumanggap pa ng maraming sulatin ngayon. Siguro ay dalawa hanggang lima na lang ang tinaggap ko at naisingit sa oras ko. Gustuhin ko mang tumanggap pa ng mga alok ng kaklase ko dahil raket ko rin ito pero alam kong hindi na kakayanin ng oras ko. Hindi na ako makakapag-aral pa ng husto at sigurado ay babagsak ako ngayong semester.
Panay ang inom ko ng tubig habang pilit kong isinasaulo ang ilang concepts at terms sa Philosophy. Sa lahat ng subject sa HUMSS ay masasabi kong ito ang may pinakamaraming terms at concepts na kailangan mong i-memorize. Bawat salita. Bawat pahayag. Kailangan mong intindihin. Kailangan mong sauluhin dahil kung hindi ay tiyak na bagsak ka na.
Si Karyl naman ay nakayuko habang seryosong binabasa ang isang case para sa Case Digest sa UCSP. Iyon naman ang pinakamahirap na sulatin sa amin ngayong semester. Alam kong nahihirapan talaga siya dahil kahit ako ay paulit-ulit na nagbago at naghanap ng mas madaling mga kaso at krimen sa Pilipinas.
"Karyl, paano na ang Stats?..." Problemado kong sabi sa kanya. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko at kung paano ko masasagutan ang test na iyon lalo pa ay sinabi ni Mr. Bueno na one-seat apart raw kami sa araw ng examination!
"Hindi ko alam, Maya... mababaliw na ako," Nanghihina niyang sabi. Halata sa itsura niya ang pagod at antok. May malaki siyang eyebags at wala kahit isang kolorete ang kanyang mukha, hindi na siguro nag-abala pang maglagay ng kahit lip tint man lang. Sinasabayan niya pa kasi ng love life ang pag-aaral eh, akala ko ba magpapaturo ito kay Judel sa Statistics...
"Ano pa ba ang hindi mo narereview? Marami tayong tests bukas," Tanong ko sa kanya habang tinitignan ang sandamakmak na yellow pad sa kanyang harapan. Hindi ko pa maintindihan ang kanyang sulat.
"Maya...wala pa akong nare-review kahit isa! Hindi pa ako tapos sa Case Digest. Hindi ako sigurado sa pinagsusulat ko roon, feeling ko bagsak na ako! Hayy...." Padarag siyang bumagsak sa lamesa na tila hirap na hirap na. Nakatingin lang ako sa kanya pero hawak niya na naman ang kanyang cellphone. Naka-open ang messenger at busy na naman siya sa kaka-chat... Akala ko ba hirap na hirap na siya, paano pa niya nagagawa ang mag-cellphone sa ganitong araw?!
"Wala ka pang nare-review tapos naka-cellphone ka na naman,"
"Pampa-tanggal stress lang, ano ka ba?..."
"Bakit ba hindi na lang tayo mag-aral para sa Stats?" Reklamo ko sa kanya dahil kinakabahan talaga ako sa magiging resulta nun sa akin. May galit pa naman sa akin si Mr. Bueno, panigurado'y walang kurap-kurap akong ibabagsak 'nun. Walang awa talaga ang isang 'yun!
YOU ARE READING
Along The Letters (SHS Series #1) (SELF-PUBLISHED UNDER GPUB)
Ficção AdolescenteZacquel Ivan Ferro, a Senior High school STEM student, smart, hot and conceited rich-kid but emotionally weak in showing his true feelings and emotions met Maya Alcantara, a HUMSS student and average type of a girl who loves writing stories and poet...