Inaliw ko ang aking sarili sa pagsusulat at pag-aaral. Determinado pa akong kumuha ng mga gawain ng kaklase ko upang makatulong ako sa mga gastusin sa bahay. Ang perang ibabayad sa akin ay maaari nang makatulong sa pambaon naming dalawa ni Miko at iba pang gastusin sa paaralan. Simula noong nakapag-usap kami ni Mama ay palagi ko nang binabantayan at inaalam ang mga gamot at maintenance ni Papa.
Halos manghina pa ako ng lihim kong nalaman na hindi na siya nakainom ng maintenance niyang gamot, halos dalawang linggo na. Kaya naman ay kaunting naipon kong pera ay ibinigay ko na kay Mama. Ngayong linggong ito ay wala na talaga akong pera at kaunting ibinibigay sa aking baon ni Mama ay pinagkakasya ko talaga.
Tahimik akong nakikinig kay Mr. Bueno na nagtuturo sa harap. Statistics ang subject niya kaya pinipilit kong intindihin ang bawat salitang sinasabi niya bilang pagpapaliwanag. Pero unti-unti akong dinalaw ng antok at kahit anong pigil kong pumikit ay di ko na napigilan pa subalit ang matigas na pagtawag sa aking apelyido ang nakapagpatayo sa akin mula sa aking pagtulog.
"Ms. Alcantara!" Matigas na sigaw ni Mr. Bueno na umalingawngaw sa tahimik na klase. Maski ang humihikab na si Karyl ay napaayos ng kanyang upo.
"Y-yes Sir?!" Napakurap-kurap ako at inayos ang skirt kong uniporme.
"Go to the board! Answer number 1! Faster!" Sigaw ulit ni Mr. Bueno sabay ng paghampas niya sa whiteboard dahilan ng pag-ayos ng upo ng lahat ng aking kaklase saka ako binalingan ng tingin.
Leche talaga!
"S-sir?" Hindi ako makagalaw sa pwesto ko at ang nanginginig kong mga kamay ay pilit kong tinatago sa kabila ng nanghihina kong mga tuhod. Sanay na ako sa ganito. Ngayon pa ba ako mahihiya kung halos alam naman ng buong klase kung gaano ako kabobo sa subject na ito?
"I said, go to the board and answer number 1, Ms. Alcantara!" Halos umusok na ang ilong ni Mr. Bueno habang gigil na gigil siyang sumisigaw sa akin. Napayuko na lamang ako habang tinatanggap ang sigaw niya at habang ipinapakita na rin sa kanila na hindi ko alam ang sagot sa lecheng number 1 na iyon.
Ni-wala akong naintindihan sa lahat ng pinagsasasabi niya. Pilitin ko mang makinig at intindihin iyon ay wala ring nangyayari dahil dinadalaw lang ako ng antok at pagod sa subject na Statistics. Na parang ang boses ni Mr. Bueno ay isang kantang pampatulog sa akin. Kaya sa tuwing nagtuturo siya ay hindi ko talaga maiwasang makatulog, dala pa ng subject na Statistics na nahihirapan ako. Ito talaga ang kahinaan ko.
Batid kong halos lahat naman kami ng mga kaklase ko. Kaya nga nag-HUMSS ako dahil ayoko sa lahat ay puro numero. Kahinaan ko ang Mathematics simula pa lang noong elementary hanggang junior high at ngayong senior high ay mas nalaman kong hindi talaga para sa akin ang subject na iyon at lahat ng mga bagay na involve ang mga numero.
"Por Dios, Ms. Alcantara! Napakadali lang niyan hindi mo pa masagutan? Ang lakas pa ng loob mong matulog sa klase ko?! 75!" Nagmartsa si Mr. Bueno patungo sa teacher's table at agad na kinuha ang class record at nagsulat roon.
Fuck! Paano ko na naman mababawi ang 75?! Pero buti na lang 75 pa, kahit paano pasado pa rin. Kinurot ako ni Karyl sa tagiliran kaya lumingon ako sa kanya. Ngumuso siya sa akin at tumango na parang sinasabing 'ayos lang 'yun'. Pilit akong ngumiti sa kanya at sa ilang kaklase kong nahuling nakatingin rin sa akin. Nakikisimpatya.
YOU ARE READING
Along The Letters (SHS Series #1) (SELF-PUBLISHED UNDER GPUB)
Teen FictionZacquel Ivan Ferro, a Senior High school STEM student, smart, hot and conceited rich-kid but emotionally weak in showing his true feelings and emotions met Maya Alcantara, a HUMSS student and average type of a girl who loves writing stories and poet...