"B-bakit nasa sa'yo 'yan?"
I stared back at him. Pinilit kong maging maayos ang aking boses sa kabila ng malapit naming distansya. Mahigpit niya pa rin akong hawak habang nakatitig ang seryoso niyang mga mata sa akin. The side of his lips rose a bit in that very moment. He smirked arrogantly but he didn't say a word.
Abot-abot ang tahip ng dibdib ko. Pabalik-balik ang tingin ng mga mata niya sa akin at sa bawat pagtama ng kanyang titig ay labis-labis ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Siguro ay dahil sa ilang buwan ko siyang iniiwasang makita at ngayon ay nasa harapan ko na siya o dahil sa alam ko sa sarili ko na...
Mahal ko na siya.
Ramdam ko ang tingin ng ilang estudyante sa aming dalawa. Nasa gitna kami ng hallway na tipong gumagawa pa ng eksena at nag-sho-shoot para sa isang music video. Doon ko lang napagtanto na hindi ako ang bida sa eksenang ito kaya agad rin akong umiwas ng tingin kay Zacquel.
Maraming bagay ang tumatakbo sa isipan ko ngayon. Marami akong gustong sabihin. Gusto kong magpaliwanag. Sa sulat. Sa nararamdaman ko sa kanya. Sa lahat. Pero wala akong mahanap na kahit isang salita.
Sinubukan kong lumayo ng kaunti sa kanya, nagbabakasakaling mahanap ko muli ang aking sarili pero isang malakas na kabig niya muli sa akin ay tuluyan na akong napayakap sa kanya...
Namilog ang mata ko at ang kaninang malakas na tibok ng puso ko ay mas lalong nagwala pa ng husto. Sumabog ang sistema ko sa halo-halong emosyon. I can even hear his loud and...fast heartbeating.
"Zacquel..."
Tunog nagmamakaawa at nagtatanong ang boses ko. Nanghina pa ako lalo ng mas higpitan niya ang yakap sa akin.
"I missed you," He whispered just below my ear.
Tuluyan na akong nawala sa aking sarili. Nanlambot ang aking tuhod na kung hindi niya lang ako mahigpit na yakap ngayon ay tuluyan na akong natumba. Napapikit ako ng husto habang pinapakinggan ang malakas na kabog ng dibdib niya.
Nakaramdam ako ng kakaibang saya sa buong tanang buhay ko na hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko kung nasa reyalidad pa ba ako o nananaginip na lang ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na tipong hinihiling ko na sana ay marinig ko muli ang mga salita na iyon mula sa kanya...
"I...really...really...missed you, Maya." Pag-uulit niya, ngayon ay may diin na sa bawat salita.
Hindi na ako nakapagsalita pa. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko na hindi ko na namalayan ang pagtulo ng luha sa aking pisngi. Tatlong patak ng luha ay napakurap na ako. Nilisan ko ang kanyang bisig at tuluyan nang dumistansya sa kanya. Nakita ko ang bahagya niyang pagkagulat sa ginawa ko pero hindi siya gumalaw.
Napayuko ako.
"Zac...'yung sulat..."Nag-aalangan kong sabi saka muling tumingin sa kanya. "B-bakit nasa sa'yo 'yan? Paano...p-paano mo nakuha 'yan?" Naguguluhan kong tanong.
YOU ARE READING
Along The Letters (SHS Series #1) (SELF-PUBLISHED UNDER GPUB)
Fiksi RemajaZacquel Ivan Ferro, a Senior High school STEM student, smart, hot and conceited rich-kid but emotionally weak in showing his true feelings and emotions met Maya Alcantara, a HUMSS student and average type of a girl who loves writing stories and poet...