Chapter 8

85 5 0
                                    

Tulala ako matapos nila akong ihatid sa amin. Hindi ko alam paano ako magrereact sa sinabi ni Joe.

Hindi ko rin alam kung anong oras na ba ako nakatulog. Nagising na lang ako sa malakas na katok sa aking kwarto.

Inis kong binuksan iyon. Unang tumambad sa akin ay ang nakapamewang na itsura ni Mama.

"Hindi mo naman sakin sinabi na may jowa ka na pala, Jam." Masungit niyang bungad sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ma, ang aga-aga pa. Wala akong jowa!" I hissed.

I was about to shut the door again just so I could go back on my sleep when Mama said something...horrible.

"E, sino pala iyong lalaki sa sala natin?"

Nagmamadali akong lumabas sa aking lungga para masilayan si Joe sa aming sala.

Masyado siyang malaki para sa maliit na sofa namin. He's just silently sitting there. Wala siyang ibang ginagawa kung hindi ang maupo roon.

Nahihibang na ba 'tong lalaking 'to?

"Kanina ka pa?" Gulat kong tanong sa kanya.

He straightened out a bit. "Good morning!" He smiled so bright that it made my Mama let out a fake cough.

"Maghahanda muna ako ng almusal." Paalam ni Mama bago tumulak papunta sa kusina.

Alam ko naman na kahit hindi ako bagong gising ay magulo na talaga akong tingnan.

Gaga ka! Magmumog ka nga!

Sinenyasan ko si Joe na magbabanyo muna ako. He confusedly looked at me but I quickly went inside our bathroom.

Mabilis akong naghilamos at nagsipilyo. Ilang ulit ko rin tiningnan ang aking mata dahil baka may muta pa ito.

I let out a deep breath before going out. Joe is now holding a pen on his hand. Sa tabi niya ay isang scientific calculator at notebook.

Seryoso ba 'to? San niya naman yan nakuha?

"Anong ginagawa mo rito?" It's quarter to nine. Ang aga niya!

Kadalasan kasi ay alas onse ng tanghali na ako nagigising. Ngayon lang ako ng nagising ng maaga!

At itong lalaki 'to! May laro sila kagabi pero heto siya, nakaupo sa harapan ko.

"I told you last night. I'll help you with your school works." He casually said.

Ang balak ko sana ay manggagaya na lang kina Carly tungkol sa assignment namin. Pangmalakasang computations kasi iyon.

I bit my lower lip and excused myself. Nagmamadali ako sa pagkuha ng aking notes at nang sasagutan namin.

"Do you even know anything ECE?" I curiously eyed him.

I scanned his notebook. Sa ibabaw nun ay nakaukit ang kanyang pangalan.

Itinikom ko ang aking bibig para pigilan ang sarili sa pagtawa.

What the? Hindi naman sa sinasabi kong mabantot ang kanyang pangalan pero...seryoso ba 'to?

"You're laughing at my name?" He scoffed while his eyes were on my notebook. "You think your name isn't hilarious?" He shot back.

Tinaasan ko ito ng kilay. Babaeng-babae ang pangalan ko pero ang cute kaya! Wag nga siyang ano riyan!

"My name's cute! Jammy Daisy Quin! Tunog banyaga kaya!" Maarte kong sagot sa kanya.

"And mine sounded too Filipino? Jose Norberto De Liaño." He trailed off. A smirk, now plastered on his face. "It compliments each other. Yours sounded too foreign...mine's too Filipino. Bagay talaga."

Parallel IntersectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon