Chapter 13

80 3 0
                                    

"Last game na ngayon!"

Kung noon ay halos tamad na tamad akong sumama kay Carly, ngayon naman ay halos hilahin ko na si Carly para lang maaga kaming makapunta sa coliseum.

"Jam, kalma! Alas kwatro pa lang! Six pa ang simula ng laro!"

Maaga kasi ngayon ang uwian namin dahil may meeting ang mga Profs. Napasalampak ako sa may red bench malapit sa building namin. Mula rito ay tanaw ang mga estudyante habang abala sa kani-kanilang gawain.

"They're going home by Sunday. I thought isang linggong laro 'yon. Na-hook pa naman ako." I bitterly laughed, trying to concealed my emotions.

"We have this word called, compromise, Jam. Wag ka ngang magmukmok diyan!" Tila pampalubag-loob na saad ni Carly.

Mataman ko itong tiningnan. "If you're worried about being in a long distance relationship -"

"Walang kami, Carly."

Inirapan lamang ako nito at saka muling pinagpatuloy ang kanyang sinasabi.

"Because you're too worried about how it's going to be, you can compromise with each other. Set a time and date. Kailan kayo mag-uusap, limitations, and such." Litanya niya sa akin.

"You were talking as if you already had any relationship experience." Pang-aasar ko rito.

Muli niya akong inirapan. "Ikaw na nga 'tong tinutulungan diyan dahil alam ko na ang lakas mong mag-overthink, ikaw pa talaga ang may ganang mang-asar." Pikon niyang tugon.

Masama ko itong tiningnan. "Kailan ka pa naging pikon talo ha?" Singhal ko sa kanya.

"Ngayon lang! Kasi naman! Kayo ni Joe may progress tapos ako ano? Di man lang magawang tingnan ni Ricci!" She pouted.

I jokingly pinched her nose when I remembered something.

"Are you free tomorrow?" She arched her eyebrows. "If you're free, then, you might want to come with us. Cdub lang naman e."

Her eyes widened. "Talaga, Jam?" Tila di makapaniwalang tugon niya.

I nodded my head innocently. "Huling kilig bago tuluyang lumuha." I joked, proving how half-meant it is.

Masama niya akong tiningnan. We both sighed. Sanay na naman akong iwanan sa ere. Sanay na rin naman akong pakiligin tapos sa huli e wala rin naman palang patutunguhan.

"Malay mo naman mag-effort si Joe, diba?" Tila pampalubag-loob niyang tugon sa akin.

I forced a smile. "Malay nga natin." I replied, trying to comfort myself.

"Mukha kayong pinagbagsakan ng langit at lupa!" Nagising ang diwa namin ng biglang lumitaw sa aming harapan si John.

"Magsi-ayos nga kayo! Lalaki na naman iniisip niyo e!" He exclaimed with sharp eyes pointed on us.

Halos sabay namin itong inirapan ni Carly. "Tantanan mo nga kami, John. Palibhasa e wala kang jowa." Carly said, mocking John.

"At least e walang sakit ng ulo!" Mayabang niyang sagot. "Last game ngayon, diba? Bat pa kayo nakatunganga diyan?" He crossed his arms infront his chest.

Agad kaming tumayo ni Carly at saka naglakad na palabas ng BSU.

"Marami atang manonood ngayon e." John said. "Usap-usapan din kasi dito." He added.

Kadalasan naman talaga ay sa last game nanonood ang karamihan. Ewan ko ba sa mga trip ng mga 'to. Punuan din ang jeep papunta sa coliseum. Dapat pala ay mas inagahan pa namin ni Carly.

Parallel IntersectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon