Chapter 33

54 0 0
                                    

I had my early breakfast. Mga pagkaing pinoy ang naroon. I wore a simple long black tube dress and let my long hair fall down. Lagpas na iyon sa aking balikat.

Hindi ko alam kung nandito na ba sila. My makeup artist messaged me that she's going with me. I waved my hand at her while sipping on my black coffee.

"Ate Jam!" Tili niya habang halos takbuhin na ang distansya namin. She's younger than me but older than my cousin.

"Relax ka lang, Mae!" Natatawa kong saad sa kanya. "What time ba kayo nakarating?"

I called a waiter to let Mae have her breakfast. Mukhang siya pa lang ang gising. Sabagay, it's only seven in the morning. Hindi ko lang alam kung anong oras ba kami magsisimula.

"Around five, ate. Kay Sir Joe na kami sumabay tapos doon sa isang van iyong mga damit and everything." This is what I like about Mae. Isa lamang ang tanong sa kanya ngunit ang haba na ng kanyang sagot.

Dumating na ang waiter at hinayaan ko na si Mae mag-order. Sagot naman na ito ng Regatta. Perks of working in this kind of industry.

"What time will the shoot start ba?" Ewan ko ba. Minsan talaga nagiging conyo na rin ako kung magsalita.

"After lunch daw, ate. Bedroom photoshoot muna, then mamayang sunset ulit." Si Mae rin ata ang magiging PA ko ngayon. Wala kasi akong kinuhang personal PA.

I nodded at her. Sayang naman ang pag gising ko ng maaga. But, maybe I can walk around or see the beach. May swimsuit naman na ako sa loob. Hindi naman masyadong halata na pinagplanuhan ko rin lumangoy.

"Let's take a dip, you want ba?" I curiously asked her while she's still eating.

Napasimangot naman ito. "Kailangan ko pang ayusin mga damit niyo, ate e." I sadly smiled at her.

"Ilan ba kayong makeup artist?"

"Dalawa lang kami, ate. Si Nilette naman kasi titingnan iyong place ng photoshoot tapos tatanungin pa anong klaseng ayos ba ang gusto nila." Mahabang paliwanag niya.

I pursed my lips. "Okay. Sa susunod na lang tayo mag-dip. Isama na rin natin si Nilette."

Siguro kaya gustong-gusto ako ng mga persona assistants ni Miss Ty ay dahil mabait ako sa kanila. I always have this soft spot for people helping me to be successful. Wala kasi akong alam sa makeup, kaya kung wala sila, I won't look presentable in front of the camera.

Pagkatapos mag-almusal ni Mae ay nagpaalam na ito para bumalik sa kanilang silid. Nakita ko na rin si Manong kasama ang isa pang driver na hula ko ay driver ng mga nasa Regatta. I smiled at them before preparing myself for a walk.

Itinali ko sa isang malinis na bun ang aking buhok. I took pictures. Ang ganda lang kasing pagmasdan ng lugar na 'to. Dadalhin ko rito sina Mama.

Tumulak na ako sa beach. I took a photo of my feet buried with some white sands. I also took a picture of the calm water. Buti na lang dahil hindi masyadong mainit ang sinag ng araw.

Kinunan ko ng maikling video ang lugar. Walang masyadong turista. Hindi pa naman kasi summer. I placed my small sling bag on the lounge. Hinubad ko na rin ang aking long black tube dress, leaving me on a white tube top bikini.

I grabbed my sunblock lotion but before that, I took a photo of my long tanned legs.

"You want me to help you?" Gulat kong tiningala ang pinanggalingan ng boses na iyon.

Wait! Kasama ba siya sa photoshoot? Bakit siya nandito?

"H-hey!"

He looked worried. "Sorry, did I scared you?" I shook my head.

"I-I thought you're busy with your tour." Hindi ko alam kung saan iyon nanggaling. Baka isipin niya ay stalker ako!

He let out a small smile before offering his hand at me. Lito ko itong tiningnan bago na-realize na tutulungan niya nga pala akong maglagay ng sunscreen.

Umusog ako ng kaunti nang sa ganon ay makaupo siya. "We'll be filming our music video in here." Paliwanag niya bago dahan-dahang dinampi ang kanyang kamay sa aking likuran.

Naramdaman ko ang pagtindig ng aking mga balahibo sa bawat haplos na iyon.

"I assumed you have your photoshoot?" I nodded.

"For three days. Kayo?"

"Two days lang kami." He gave me back the lotion then I applied it on my hands and legs.

"Can I join you?" Maingat niyang paalam.

I awkwardly smiled at him. "Hindi ko naman to pag-aari." I jokingly said.

Halos masamid ako sa sarili kong laway nang tanggalin nito suot niyang shirt at shorts. Tangina! My virgin eyes!

He's only wearing a swimming trunks. Hihimatayin ata ako sa Bulkang Mayon na 'to.

"Sunscreen?" I calmed myself and offered to apply sunscreen on his back.

Sabay kaming sumulong sa payapang dagat. It was crystal clear.

"Stell!" Tili ko ng pabiro niya akong wisikan ng tubig.

"You know how to swim?" Maangas ko itong tiningnan. Anong akala niya sa akin, bano?

"Try me." Hamon ko rito. He shook his head.

"I brought a camera so we can take photos underwater. Ready?"

Namilog ang aking mga mata matapos marinig iyon bago nagmamadaling hinila ito para makapunta na kami sa malalim na bahagi ng dagat.

We posed for several times. Aahon lamang kami kapag nauubusan na ng hangin at muling iilalim sa tubig para mag-pose.

We were laughing so hard when we went out of the water. Kinunan niya ako ng larawan habang nakatayo sa gitna ng dagat. We took selfies together. Naka-akbay siya sa akin. Sunod ay naka-piggy back ako sa kanya.

Sabay kaming bumagsak ng tubig ng ma- out of balance ito. We were both panting when we went back to the ground.

I pursed my lips when I realized that there were people who's watching us. Stell shrugged his shoulders while shaking his head. Tila ba sinasabihan niya na ang mga nanonood sa amin na wala lang iyon.

Tinawanan lamang kami ng mga representatives from Regatta. "Bagay kayo." Biro ng isa sa kanila.

Agad naman itong sinakyan nina Mae at Nilette. "Kala namin music video na  ng SB19 e."

Pabiro namang nahagip ng aking tingin ang mga ka-grupo ni Stell. They were all teasing Stell. Meanwhile, my eyes found some grumpy guy who's darkly staring at me. He raised his eyebrow at me before walking out of my sight.

Kinuha ko na lamang ang aking mga gamit at saka naglakad pabalik sa aking room. I wrapped my dress around my waist, then waved my hand at Stell, who only nodded and smiled at me.

"You enjoyed it a lot, huh." Natigilan ako sa pagpasok sa aking kwarto ng marinig ang tinig na iyon.

"It was fun." Kibit-balikat ko. Bakit ba ang gaspang sa akin ng lalaking 'to? Kung tutuusin nga e mas nakakainis iyong ginawa niya sa mall e.

May mga nakakita kaya nun sa amin. Buti nga nung nasa parking lot lang kami dahil wala talagang tao nun!

He scoffed. I faced him with poker face. Mukhang magkaharap lamang ang silid namin.

"Really..." He sounded amused.

I smiled at him. "Yes." Masungit kong saad. " I wouldn't laughed or smiled if I am not happy."

He pressed his lips in a thin line. I was about to opened the door when I heard his question.

"Did I made you smile or laugh like that?"

Nanikip ang aking dibdib. Sa halip na sagutin ang kanyang tanong ay walang pag-aalinlangan na lamang akong pumasok sa loob ng aking silid.

Parallel IntersectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon