Chapter 17

68 2 3
                                    

Ilang beses pa ako tiningnan ng doktor bago tuluyang nilabas sa ICU. Nagising na lang ako dahil sa ingay sa loob ng aking kwarto.

Matagal bago tuluyang bumalik ang aking alaala. At first, they seemed like puzzle pieces to me. Hindi buo. Watak-watak. Magulo. It scared me.

Ilang gabi ko rin tinanong ang aking sarili kung magulo ba ang buhay ko. Halos araw-araw, gabi-gabi, akong nagdadasal.

I am begging for my life and its broken pieces. Now, I am filled with gratitude because He answered all my prayers and calmed my fears.

"Jam, okay ka na ba?" Lumapit sa akin si Mama.

I don't know what she went through while I'm asleep but one thing's for sure, I made her worried to death.

Dahan-dahan akong tumango. Kausap niya pala si Papa. Lumapit din si Papa sa akin at saka maingat na hinaplos ang aking buhok.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Usisa ni Papa sa akin.

"Okay na po, Pa." Sagot ko gamit sa maliit na tinig.

"Aalis muna kami ng Mama mo pagdating ng pinsan mo ha." He gently replied. I nodded my head in return.

Matapos ang medyo matagal kong paghihintay sa aking mga alaala, they came like a whirlwind. Magulo ngunit buo.

I am an only child. Si Papa ay isang barangay tanod at tricycle driver sa lugar namin sa San Fernando. Si Mama naman ay housewife. Nagtitinda si Mama ng mga ulam sa malalapit na bahay sa amin.

Twenty years old na ako. Nag-aaral sa BSU sa kursong Electronics Communication Engineering. Graduating na ngayong taon. Hindi rin naman boring ang buhay ko. May isang kapatid si Mama na nasa Manila nakatira, may dalawang anak si Auntie Lotta, sina Ali at Aloy.

I have friends. Kitang-kita ko ang aming tawanan at kulitan. I have plenty of friends. Active member din ako sa isang org sa school namin. I'm a radio broadcaster, student-journalist.

"Anong iniisip mo?" Natigilan ako sa aking iniisip ng makita ang aking pinsan.

"Memories." Tipid kong sagot.

Inalalayan niya ako nang sa ganon ay makaupo ako ng maayos.

"Kaya ko naman na." I told her.

Mabilis ang recovery ko. Ayon sa doctor ay maaari na raw akong lumabas by next week. Hindi ko alam kung anong sistema sa BSU pagbalik ko ngunit sana ay magawa ko pang makahabol.

"Ali," I called my cousin.

Ang alam ko ay nasa Manila kaya naman laking gulat ko dahil nandito na siya ngayon.

I learned that she transferred at BSU. Hindi ko alam kung dahil ba sa akin ngunit alam kong mahirap iyon para sa kanya. I heard she's doing great at UP.

"How's school?" Tanong ko ng nilingon niya ako habang inaayos ang binili niyang mga pagkain.

I think she went to the market first. May mga dala kasi itong prutas.

"Okay lang naman. I have friends so I think I'm doing good." She casually replied.

I bit my lower lip. "May gusto ka bang malaman?" She asked me as if weighing the emotions on my face.

"G-gaano na ako katagal dito?" I slowly uttered.

She stopped for awhile. "You were in coma for two weeks. Bale, almost isang buwan ka ng nasa hospital."

My lips parted. Kung ganon, malabo na makahabol pa ako sa klase. Mukhang madedelay ang aking pag graduate dahil dito.

"You don't have to worry about school. Ang alam ko ay kinausap na ni Auntie ang President ng BSU at mukhang abala kayo sa thesis. I think Ate Carly got your back."

Parallel IntersectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon