Chapter 11

88 4 1
                                    

Halos takbuhin ko na ang daan papunta sa office ng school pub. Mabuti na lang dahil maaga kaming dinismissed ng aming prof.

It was around five twenty-five in the afternoon when he dismissed us. Kanina pa may mga nagchachat sa gc namin, tinatanong kung nasaan na raw ba ang mga ka-org ko.

I let out a deep breath before knocking on the door.

"Hello, everyone!" I cheerfully greeted them.

"Jam!" Bati nila sa akin. Nginitian naman ako ng mga juniors.

"Mga what time ba matatapos ang meeting?" Bulong ko kay Tere. Isa sa mga kasama ko sa org namin.

Agad din akong nilingon ni Tere. "Hindi ko po alam, ate." She said in a low voice.

I bit my lower lip. Sana lang by six thirty ay tapos na 'to. Tahimik akong nagdasal na sana matapos agad.

Really, Jam? Ayaw mo na rin talagang ma-miss ang laro ng loverboy mo, ha?

"Ate, balita ko hatid sundo ka raw ni Joe." Kinikilig na bulong ni Tere sa aking tenga.

Kunot-noo ko itong tiningnan. "Kilala mo siya?"

She looked at me with disbelief in her eyes. I defensively looked at her. "Ate, sikat kaya sila."

I pursed my lips. Bakit ba kasi hindi ko sila kilala? Alam ko namang sikat sila ngunit bakit hindi sila inabot ng aking radar?

Tinanguan ko na lamang ito. Hanggang ngayon kasi ay hindi maproseso ng aking utak kung bakit sa dinami-rami ng mga taong gustong-gusto siya, ay ako pa talaga. Ni hindi ko siya kilala.

Bakit ako pa? Ngunit, bakit hindi ako?

My thoughts were destroyed upon hearing the serious voice of our EIC. Malapit na naman kasi ang RTSPC or Regional Tertiary Schools Press Conference.

We need to start making our assigned articles since it will still undergo critiquing. We need to published at least one tabloid, one newsletter, and one literary piece, or in our term, kurab.

Tahimik lamang ako habang nagdidiscuss si Kuya Dan. Paminsan-minsan din ang sulyap sa akin ni Jess. Halatang mang-aasar na naman ang isang 'to.

"Magsnacks muna tayo bago umalis. Bumili na si Kuya Chuck." Tugon ni Kuya Dan sa amin.

Mahahalata nila kapag agad akong umalis dito. They all did their businesses inside our small office.

"Ate Jam, diba may laro pa ngayon ang UP?" Paninimula ni Jess.

Instant na napunta sa akin ang buong atensyon nila. Lakas pa naman ng boses ni Jess. Kainis!

I flashed my 'resting-bitch' face. Iyong mukha na parang walang pakialam ngunit ang totoo ay halos bumaliktad na ang aking tiyan.

"Yes. Fourth game na nila ngayon." I casually said.

Both Jess and Leo smirked at me. Tinaasan ko lamang sila ng kilay. Si Jess ay isang radio broadcaster gaya ko habang si Leo naman ay isang writer. Siya rin ang dating EIC namin.

"What?" I asked raising my voice. Kinakabahan kong inayos ang aking naka-bun na buhok.

I looked at them again. "What?" Natatawa kong tanong sa kanila.

Maging ang mga freshies ay natatawa na rin. Halata sa mga mukha nila na gusto nila akong tanungin.

"We're just friends." I said, breaking the thoughts on their minds.

Mga walang-hiya 'to. The looked at me as if I'm a puzzle that they're trying to solve.

"May friends ba na hatid-sundo?" Malisyosong tanong ni Leo sa akin.

Parallel IntersectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon