"Good morning, Jam!" My eyes were still closed as I heard the jolly greeting from Carly.
Teka, anong oras na ba? Pambihira naman tong babaeng 'to!
I groaned as I felt her sitting on the side of my bed.
"Ang aga mo!" Inis kong bulong habang tinatakpan ko ang aking mukha ng isang unan.
"Ala sais na kaya! Tsaka di naman talaga ako late comer e. Kayo lang ni John!" Nanatiling nakapikit ang aking mga mata habang iniimagine ang pagmumukha ni Carly.
I can imagine her pouting. Gosh! Ala sais pa lang! Alas otso pa ako susunduin ni Joe!
Inis kong inalis ang pagkakatakip ng unan, dahil una, hindi na ako makahinga ng maayos, at pangalawa, kating-kati na ako na sermonan 'tong si Carly.
"Alas otso pa 'yon darating! Patulugin mo muna ako!"
Muli akong dumapa at saka pinilit matulog. Hindi ko rin talaga alam kung saan niya kinukuha ang sandamakmak niyang energy.
Paano ba naman kasi ay kagabi, nagkayayaan pa na kumain ng samgyup. Ang mga walang-hiya kong kaklase ay niyaya pa ang buong UPMBT. Ika nila ay chance na raw nila 'yon makapagpapicture sa kanila. Ako na lang talaga ang hiyang-hiya. I think we went home around two in the morning dahil napasarap din ang kwentuhan nila.
Wala namang kaso iyon sa akin. Iniisip ko lang talaga kagabi na baka gusto na rin nilang umuwi ngunit di lang nila magawa dahil sa kadaldalan ng mga kaklase ko.
Joe even insisted na ihahatid na rin daw nila si Carly. Malapit lang naman ang bahay ng babaeng 'yon kaya walang kaso. Kilig na kilig rin si gaga dahil magkatabi sila ni Ricci. Buti na lang talaga at hindi to naka-ihi sa loob ng van.
Mas nawindang din ako dahil nagawa pa nitong bumiyahe papunta sa amin. E almost thirty minutes kaya ang byahe from Naga. Buti na lang dahil may nasakyan agad 'tong babaeng 'to.
Siniksik niya na lang ang kanyang sarili sa aking tabi. Ika niya ay gigisingin niya na lang daw ako kapag ala syete na ng umaga.
Muli akong nakatulog dulot ng pagod ngunit dahil sa mahinang hagikhik ni Carly ay agad din akong nagigising.
"Sarap mong kurutin." My eyes widened as she pinched me on my side.
"Aray!" I exclaimed.
"Sana all may lovelife!" Sigaw niya at saka idinikit sa aking mukha ang tinitingnan niya sa kanyang cellphone.
My jaw dropped as my heart beat doubled. Naramdaman ko rin ang mabilis na pamumula ng aking mga pisngi.
Last night before I slept, I uploaded two photos of myself. Iyong isa ay throwback picture ko habang naka-fierce mode habang iyong isa naman ay kagabi na all smiles ako.
I captioned it with, 'Which Jam do you prefer? Serious or smiling Jam?'
At ang pangmalakasang comment na halos magdulot ng pagkabasag sa katauhan ni Carly ay galing kay Joe.
He left a comment on my picture, 'Jam ko.'
Agad kong ibinato ang isang unan kay Carly. At ang magaling kong kaibigan ay tawa lamang ng tawa.
"Saya ka ha? Saya ka?" Tumikhim ako at saka ginulo ang kanyang buhok.
Mukha na kaming nag wrestling dito. Hindi ito tumigil sa kakatawa hanggang sa halos mawalan na siya ng hininga.
"Paano kapag biglang nawala?" She stopped laughing and stared on my room's white ceiling.
I pursed my lips. "Sanay na akong iniiwan, Carly."
BINABASA MO ANG
Parallel Intersection
FanfictionThey were living under two different worlds. Joe Gomez De Liaño could possibly be anyone's ideal man. He serves such good looks and a bright basketball career. Almost every girl in town can easily be swept off by this GDL man. Jammy Daisy Quin, can...