The sun's as if too mad at me. Mainly because I'm late again. Nagmamadali ako sa pagbangon mula sa maliit at magulo kong higaan.
I quickly went to our bathroom and let myself have a quick bath, mostly around twenty minutes dahil late na naman ako.
"Yan na nga ba sinasabi ko sayo, Jammy!"
Napailing na lamang ako ng marinig ang matinis na boses ni Mama. Hindi ko naman ginustong laging maging late comer e!
Agad akong nagbihis ng aking uniporme. It's a pair of maroon slacks and khaki polo with maroon lace. Itinali ko ang medyo umaalon kong buhok at saka naglagay ng kaunting lipstick.
Breakfast? Anong breakfast breakfast? Alas otso ang pasok ko tuwing Martes at Huwebes ngunit heto ako ngayon. Quarter to eight na at saka pa lamang ako aalis sa amin.
Thirty minutes ang biyahe mula San Fernando papuntang Naga. Swerte na kung hindi traffic. Naiimagine ko na ang mukha ng prof namin, maging ang kanyang pangmalakasang sigaw.
"Jammy Daisy Quin! You're late again!"
I bit my lower lip. Ito na nga ba ang sinasabi ko.
"Sorry, Sir." I said while showing my usual resting bitch face.
Halos patapos na sa kanyang klase ng dumating ako. Natural lang talaga na magalit siya. Sana lang ay hindi niya talaga ako ibagsak!
"Puyat pa, sis." Panunuya sa akin ng aking kaibigan na si Carly.
I am the tallest girl here in our campus. Sanay akong tinitingala ng mga maliliit kong kausap.
"At least...kahit walang jowa...puyat." I proudly told her.
Inirapan lamang ako nito. "Stress-free rin ako." Dagdag ko pa. Palibhasa kasi madalas itong nasa bad mood dahil sa jowa niya na super immature.
Girls and their undying toxic love for someone too possessive. Kung ako siguro ang nasa posisyon ng magaling kong kaibigan na 'to, naku! Matagal na akong single! But then again, what do I know about relationships? I haven't had any.
Hindi dahil sa allergic ako sa mga lalaki. It's just that, everytime I'm having a spark with someone, laging tila short circuit lamang iyon.
Madalas kong naririnig sa kanila na nakakatakot daw ako. I don't even understand why. I mean, hindi naman ako iyong tipong nangangagat e. Gusto ko rin namang magkaroon ng jowa kaso ayaw ata sa akin.
"Alam mo, Carly, ilang beses na kaming nag-advice sayo na iwan mo na nga 'yang jowa mo!" Inis na hirit ni John.
Vacant namin ngayon. Halos isang oras din ito ngunit sa halip na magliwaliw ay nandito kami sa loob ng room.
Pagkatapos kasi ng advanced math namin ay pumunta na sa kanya-kanyang hangout places nila ang mga kaklase namin. Dito rin naman ang next class namin by four in the afternoon.
Kung pwede lang talagang mag-inuman sa loob ng campus ay kanina pa namin ginawa. Paano ba naman kasi e kanina pa iyak ng iyak itong si Carly.
John hissed. "Tapos ngayon iyak ka ng iyak. Kami naman, todo payo sayo. Tapos malalaman namin kinabukasan, okay na ulit kayo!" Natawa ako sa pagkainis ni John. "Iiyak mo lang yan, girl! Tapos mamaya humayo ka't ipalaganap ang karupukan." He added.
Napailing na lamang ako. I tapped Carly's back. Paano ba naman kasi ay nag-away na naman daw sila. Carly is not telling us anything about the cause of their arguments. Iiyak lang to at sasabihing nakakainis ang kanyang walang kwentang jowa.
Matagal na ang dalawang 'to. I think they were around three years already. Nasa katabing school lang naman namin ang criminal niyang jowa.
"Poking hard?" Anyaya ko rito.
BINABASA MO ANG
Parallel Intersection
FanfictionThey were living under two different worlds. Joe Gomez De Liaño could possibly be anyone's ideal man. He serves such good looks and a bright basketball career. Almost every girl in town can easily be swept off by this GDL man. Jammy Daisy Quin, can...