My lips parted upon seeing him in front of me. He didn't even bother to looked at me. It stinged.
"Ma'am?"
"Oh!" Agad akong napalingon sa cashier at tsaka binigay ang aking bayad.
Sinundan ko ng tingin si Joe. Marami namang bakanteng upuan e. Kaya hindi ako pwedeng maki-table sa kanya.
Stop it, Jam! You told him you wanted to create a thick wall between the two of you! Bakit ba kasi ako masyadong affected kung hindi niya ako kausapin? 'So what' dapat ang aking reaksyon.
I looked for a table far from him. Doon ay tahimik akong kumain. I didn't mind if we're in the same place. At least ay wala kami sa loob ng aking panaginip. Screw it.
Hindi na ako tumingin pa sa loob ng KFC. I just went out to looked for my driver. Wala na kasi akong panahon para mag-aral magmaneho. Bumalik na rin ako sa opisina at doon ko binuhos ang aking frustration.
Akala ko ay makakauwi ako sa amin dahil sa dalawang linggo kong break mula sa pagmomodelling. Turned out, my pile of works here is not allowing me.
Siguro, sa pageant na lang talaga ako uuwi. Magchicheer pa ako sa magaling kong pinsan.
I stretched my hands inside my office and opened my google mails. Kumunot ang aking noo nang makita na may tatlong talent scouts na pala na nag-email sa akin for Binibini. Goodness! Do they really think I could do it?
Nagtipa ako ng mensahe sa kanila. Pare-pareho lamang iyon.
'Thank you for seeing the potential in me, but first, I'll think about it.'
Iyon lamang ang sinagot ko bago tuluyang sinara ang google mail. Nakakatakot tuloy iyon buksan. I haven't informed Miss Ty about those talent scouts. Hindi ko pa kasi alam kung ano ang aking isasagot.
"Where are you all going?" Kuryuso kong tanong sa aking mga kaibigang lalaki.
Nandito kasi sila sa loob ng aming condo unit at mukhang may lakad na pupuntahan.
"PBA, Jam. Nakabili kami ng ticket e. Sayang naman!" My mouthed formed an 'o'.
"Okay. Ingat!"
"Di ka sasama sa amin?" Mabilis akong umiling.
Baka makita ko pa si Joe roon at biglang gibain ang thick wall na aking nalalaman.
What if he just wanted to be my friend? Masyado lang akong assuming na interesado siya sa akin dahil sa panaginip na iyon? Wait, is it even possible to have dreams while you're in a deep sleep?
Magpapatingin na talaga ako sa doctor kapag nakauwi ako sa probinsiya. I preferred the one who checked me while I was comatosed.
Dinaan ko na lamang sa tulog ang gabing iyon. Kinabukasan ay maaga akong nagising. I only have one week before I start to strut my runway. I need to at least exercise lalo na dahil puro ako kanin these past few days.
I woke up around five in the morning. Itinali ko sa isang malinis na bun ang aking buhok at saka nagsuot ng black leggings at gray bralette. I tied my running shoes and plugged my earpods.
Tulog na tulog pa si Yohan, mukhang ganoon din sina Aries. Linggo naman kasi ngayon kaya pahinga na nila 'to.
I went out to jog around our place. May mga nakikita na rin akong nag-eexercise kagaya ko. My face is on its usual mode. Iyong mukha na sumisigaw nang 'wag kayong lalapit'.
Hinihingal ako ng sumilong sa isang malaking puno. Wala pa naman akong baon na tubig dahil dagdag bitbitin lang. Maghahanap na lang ako ng malapit na coffee shop bago uuwi. I think it's around seven in the morning.
BINABASA MO ANG
Parallel Intersection
FanfictionThey were living under two different worlds. Joe Gomez De Liaño could possibly be anyone's ideal man. He serves such good looks and a bright basketball career. Almost every girl in town can easily be swept off by this GDL man. Jammy Daisy Quin, can...