Right after the confrontation, I quickly went home. There, I cried my heart out. Nakatulugan ko ang pag-iyak.
Tuwing may workshops, wala si Joe. Hindi ko na inisip na dahil iyon sa akin. He's one busy man. Demanding siya sa industriyang ito kaya ganoon.
Na-promote na rin ako sa aking tinatrabahuhang kompanya. Abot-langit ang aking saya. At least, I would be able to give my parents enough money.
Unti-unti rin tumunog ang aking pangalan sa mundo ng pagmomodelo. I got offers here and there, to the point that I made my engineering works online. Buti na lang dahil head na rin ako. Hindi na uso sa akin ang salitang schedule.
"Jam Quin! What can you say about joining Binibining Pilipinas?"
I smiled at the camera before answering. Kakatapos ko lang kasi sa Paris Fashion Week kaya naman inabangan talaga ako ng mga media sa airport. Well, some were scouting me to join Binibining Pilipinas. I just don't know if I can do it.
"I'll think about it muna." Tipid kong sagot bago ako pinalibutan ng aking mga bodyguards.
Napasinghap ako pakapasok sa aming van. Five months had passed after I last saw Joe. Sa loob din ng limang buwan, ang dami na agad nangyari sa akin.
"Ano yan?" I curiously asked my driver when a basketball game is playing on the car's mini TV.
"PBA ho, ma'am," Nahihiyang sagot ni Manong sa akin.
I nodded. Pinigilan ko ito ng isasara niya na sana iyon. My eyes darted to a familiar man who's flawlessly shooting the ball.
Ngayon ko na lang ulit siya nakita. Ngayon ko na lang ulit siya napanood. Ngunit ang naging usapan namin limang taon na ang nakalipas ay sariwa pa rin sa akin.
He's built improved a lot. I think he looks hotter in person. I played with my tongue as I tried to remembered it all.
"Jam!" Mabilis niyang hinawakan ang aking braso. He looked confused...and sad. "We can...try to do it all again...what happened in your dreams." He slowly said as he intently looked at me in the eye.
Mapait akong tumawa. "Like what? Conduct a basketball tournament?" Kunot-noo ko itong tiningnan. "Joe, you already graduated. It's impossible!" Natigilan ako nang ma-realize kung gaano kami ka-impossible.
Nandyan siya, nawawala naman ako. Ginusto namin ang isa't isa...ngunit naroon kami sa isang di-makatotohanang mundo.
Panaginip.
I wiped my tears as I remembered how he tried to chased me before I finally ran away from him.
Yohan is my secretary. Hinilot ko ang aking sentido nang makatanggap ng mga emails mula sa kanya. I asked her to checked all those projects. Kailangan ko na lamang iyon aprubahan ngunit idodouble check ko pa rin kung pasado nga ba talaga. Minsan kasi ay iba ang taste namin ni Yohan.
"Kumusta naman sa Paris?" Bungad na tanong sa akin ng tatlo. Sabay-sabay pa talaga sila sa pagtanong nun. Mukhang pinag-isipan ng tatlong mokong.
"May pasalubong ako, nasa loob ng bagahe." Tamad kong sagot bago naglakad palapit sa kanila.
Agad akong natakam nang makita ang pares. Gosh! Our comfort food!
"Kumain ka na dahil baka maging kambing ka na, Jam." Biro sa akin ni John habang mabilis naman akong kinunan ni Aries nang pinggan at kutsara't tinidor.
"Bahala na. Exercise na lang bukas!" I exclaimed before eating so many rice. Patay! Sira ang aking diet.
Mabilis din akong nakatulog. Ni hindi na nga ako nakapaghilamos dulot ng sobrang pagod. Buti na lang dahil pahinga ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Parallel Intersection
FanfictionThey were living under two different worlds. Joe Gomez De Liaño could possibly be anyone's ideal man. He serves such good looks and a bright basketball career. Almost every girl in town can easily be swept off by this GDL man. Jammy Daisy Quin, can...
