Chapter 29

59 2 5
                                    

"Hatid na kita ulit." He said while following me behind.

"Iba na daan natin. Salamat na lang." Masungit kong saad sa kanya.

"Saan ka ba?" Hirit niya ulit.

Inis ko itong nilingon. "Bakit? You'll go there too ba?"

I lowered down my voice when I realized that I'm slowly creating a scene. Bakit ba kasi pareho kaming sobrang tangkad? Agaw-pansin tuloy!

"Mine's around BGC. Ikaw ba?" Pinagsingkitan niya ako ng mata.

"None of your business." Hinihingal kong saad sa kanya at saka mabilis na naglakad palayo.

Buti na lang dahil hindi na siya sumunod pa. Naghanap na lang ako ng taxi at saka nagpahatid na rin sa BGC. Tipid sana kung sumabay ako kay Joe. Tipid sa bulsa, sakit sa puso naman.

"Just in time!" Ellie hugged me right after I entered the resto she rented.

"I missed you!" Mahigpit ko itong niyakap. She became prettier each day.

"Papunta na sila, guys!" Hirit ni Yohan, saka kami naghiwalay sa yakapan ni Ellie.

For the dinner, I heard it's exclusive for our circle of friends only. Ngunit, may party na magaganap sa isang bar. It would be my first time to party again.

"Happy birthday to you..." Nagsimulang kumanta si Ellie nang marinig namin ang pagbukas ng pinto.

We even heard Aries cursing. Tahimik na lamang akong napangiti lalo na nang bumukas na ang ilaw.

The room we rented was covered with balloons. May maliit na stage rin kung saan nakasabit ang greetings para kay Aries. Foods were in a buffet style. Kung titingnan, halatang pinag-ipunan ito ni Ellie.

"Happy birthday, babe!" Ellie went to Aries. She tightly hugged her while Aries' face is still in shock.

Nakangiti lamang ako habang pinagmamasdan silang dalawa. I really am happy for the both of them. Sana lang ay umabot na hanggang simbahan.

Nabalot ng kwentuhan at asaran ang kainan. I am listening at their stories. We were all living our own life by now.

"It's time to party!" Excited na sigaw ni John.

Natawa na lang din ako sa kanyang reaksyon. My heart beats really crazy. I felt anxious but I trust my friends. Hindi na naman siguro iyon ulit mangyayari.

Pagpasok namin, agad kong naamoy ang yosi at iba't-ibang pabango ng mga tao. Ang sakit sa ilong! Lights were too much in the eye. Ang gugulo pa ng iilang mga tao.

"This one's going to be okay, Jam!" Yohan whispered in my ears as she held my hand to go to our couch.

Agad silang nagtawag ng waiter. Mukhang kabisado na nila ang galawan dito. I've decided to drink the cocktail one. Ayokong malasing.

"Sayawan na!" Napairap ako dahil mukhang nakawala sa kanyang hawla si John.

Sumunod na rin sa kanila ang mga girls. I greeted some of my batchmates. Sinenyasan ko sina Yohan na susunod na lamang ako sa kanila.

Madilim dito but somehow I can still manage to see different faces. Tahimik ko na lamang ininom ang aking cocktail drink bago nagpasyang lumapit sa aking mga kaibigan.

I danced with them. I tried to loosen up a bit. It felt suffocating to be in the dark. For once, I want to freely be out of it. And so I did.

"Are you drunk?" Halos magsitindigan ang aking mga balahibo nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.

Parallel IntersectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon