Chapter 20

60 2 0
                                    

"Good afternoon po!" Sabay naming bati ni John sa Mama ni Carly.

Madalas din naman kami rito sa kanila ngunit hindi talaga namin nasasaktuhan si Ellie. We want to be her friend too.

"Uy, Jam! John!" Galak nitong bungad sa amin. Nagmano kami kay Tita bago tuluyang pumasok sa kanilang bahay.

Malapit lang kasi ang bahay nila sa BSU. Isang sakay mula sa escuelahan patungo sa kanto malapit sa yellow cab. Lakad ng kaunti and boom! Welcome to Carly Rosalie Luzada's house!

Bet ko talaga pangalan ng kambal na 'yan e. Ellienda Pamela Luzada. Carly Rosalie Luzada. Pakiramdam ko ay parte ako ng kanilang pamilya. Jammy Daisy Quin. Para kaming angkan ng mga fresh na bulaklak!

"Wow! Usapan natin ay alas nuebe ng umaga ang dating niyo!" Bungad niya sa amin habang may nakasabit na tuwalya sa balikat nito.

"What do you expect?" I scoffed. I roamed my eyes around their house.

Sakto lamang ang laki ng kanilang bahay. May maliit na sala na kung saan kitang-kita ang kanilang cute na kusina.

May mababang ikalawang palapag din. Tatlong hakbang lamang at naroon ang kanilang mga silid.

Nakasabit sa dingding ang kanilang graduation pictures, maging ang mga medalya nila.

"Hi, Ellie!" I waved my hand at her sister.

"Nag-lunch na ba kayo?" Tanong nito sa amin.

My eyes went to Carly. "Buti pa kambal mo tinanong kami kung kumain na!" Pinandilatan niya lamang ako. "Tapos na kaming kumain." Sagot ko kay Ellie.

Nginitian kami nito bago pumanhik sa kanilang kusina. I think she's the one in charge in making our snacks. Dinig ko pa naman ay masarap itong magluto. Bigla tuloy akong nagutom!

We started preparing for our thesis. Mahaba-haba kasi itong proseso. Hindi naman ito maaaring irush dahil baka kami ay ma-bash ng mga panelists.

We conducted our individual research about our possible topics. Buti na lang dahil magkakagrupo kaming tatlo. Mas komportableng mang-realtalk kapag pangit ang ideas.

Usually kasi kapag ibang tao, ang bilis ma-offend. Constructive criticisms are existing naman e.

It was around three and we haven't had any outcome. Paano ba naman kasi, nalibang na mag-facebook si John! Habang si Carly naman ay abala sa kanyang jowa. At ako? Youtube lang ng paano mag make-up dahil hindi talaga ako marunong.

"Snacks?" Anyaya sa amin ni Ellie.

Sabay kaming nagkatinginan ni John. "Never kaming tumanggi sa pagkain ni sismars!" I jokingly spat John after what he said.

Nakakahiya! Baka isipin ay patay-gutom kami!

"Hoy, Carlita! Tara na!" Sigaw ko sa magaling kong kaibigan na abala pa rin sa kanyang cellphone.

"Oo! Wait lang!" Sagot naman nito.

Masama kong tiningnan dahil mukhang patay gutom ito. Hindi na talaga nahiya ang isang 'to.

"Kumain ka na. Masarap siya, mars!" He said while chewing his food.

Nagsimula na rin akong kumain nang nilutong sotanghon ni Ellie. Gags! Ang sarap nga!

Naisip kong sumubok din nito kaso ay baka mapagalitan lamang ako ni Mama.

"Nakasimangot ka?" Panandalian kong tiningnan si Carly bago muling sumubo.

She rolled her eyes at her sister. "Wala! Lahat na lang talaga ha, Ellie."

Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan ng kambal. Tahimik na lamang kaming kumain at pagkatapos ay muling bumalik upang ipagpatuloy ang research eme.

Parallel IntersectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon