"Nice banner," Ngiting-ngiti si Yohan dahil nagawa niyang makalapit sa kanyang crush.
She winked at me before turning all of her attention to Joe.
"Ah! We made that for you talaga po!" Halata ang pagpipigil nito sa kanyang tili.
Pinanlakihan ko ito ng mga mata nang bigla niya akong hatakin palapit. "Si Jam nga pala gumawa niyan!" She proudly said.
Ah! Kaya pala! Kaya pala familiar ang mukha nung lalaking nakabangga ko sa mall.
"I think we already met?" Yohan shot me with her showbiz query eyes.
I scoffed. "Y-yeah. You bumped me at the mall." I bitterly said.
Saglit itong natawa habang hinahawakan ang kanyang batok. "Right! I'm really sorry about that."
Tahimik na lamang akong tumango rito, hindi na balak pang sundan ang kanyang sinabi.
"Can I have a picture with you?" Yohan excitedly asked.
Mabilis namang tumango si Joe. I volunteered to take their pictures. Ilang ulit din iyon.
Mukhang natupad na ang pangarap nang babaeng 'to.
"Jam, pa-send nga ng pictures namin." Yohan giggled the moment she entered our room.
Cellphone ko ang ginamit pagkuha ng kanilang pictures dahil pangit at malabo raw ang camera ng kanya.
I opened my phone and looked for their pictures. This guy... hindi ko talaga alam kung bakit ganito ang epekto niya sa akin.
He's always making my heart beat doubled. Iyong ngiti niya na tila ba pakiramdam ko ay ilang beses na akong nginitian.
"Huy!" Mabilis akong napalingon ako kay Yohan. "Crush mo na rin no? Pogi diba?" Asar niya sa akin.
I shook my head and hissed. "Bagay lang kayo."
She keeps on giving me suspicious stares. Shinare-it ko na iyon sa kanya. I deleted their photos.
Hindi ko gusto ang epekto sa akin ng Joe na iyon. I am sure I don't know him. We haven't even met.
Tahimik ako sa aking cubicle. Kailangan ko lang tapusin ang mga secretariat works tapos ay maaari na akong umuwi.
Inunat ko ang aking katawan bago nagpasyang maglibang muna. I opened my facebook who have been silent during the last months. Lahat naman pala ng socmed accounts ko ay naging tahimik.
I scrolled and scrolled and scrolled. Until I found myself saving one of his picture.
Gosh! Nagiging fangirl na rin ba ako? Natural ba 'to?
Why am I stalking him? Delikado na ata ang lagay ko dahil nahawaan ako ng Yohan syndrome!
I even searched on google few details about him! Nahihibang na ata ako!
"Gusto mo sumama manood ng game nila?" Kinikilig at excited na tanong sa akin ni Yohan.
"Kayo ha! Isama niyo naman ako sa mga lakad niyo!" Inis na singit ni John sa usapan namin.
Nakiupo na rin sa mesa namin ang iilan naming mga kaklase. Kahit kasi nasa iisang bubong at kompanya kami ay hindi kami masyadong nagkikita-kita.
We have different jobs to do. Nakakatawa lang dahil sa loob ng halos apat na buwan ay pangalawang beses pa lang ata ito.
"Manonood kami ng UAAP!" Tili ni Yohan.
"Uy! Sama!" Anyaya ng isa naming kaklase.
Great! Binabalak ko pa lang sana na hindi na sumama ngunit mukhang jamming time na ito.
BINABASA MO ANG
Parallel Intersection
FanfictionThey were living under two different worlds. Joe Gomez De Liaño could possibly be anyone's ideal man. He serves such good looks and a bright basketball career. Almost every girl in town can easily be swept off by this GDL man. Jammy Daisy Quin, can...