I coughed and had decided to take a bath. Alas diyes na rin kasi ng umaga. Maliligo na muna ako at magpapabango ng sobra.
Mahina kong sinampal ang aking sarili. Kung ano-ano nang pumapasok sa aking isipan. I let it be washed out by the cold water.
Syempre, wala naman kaming shower. Tamang tabo lang ako ng malamig na tubig at kuskos ng aking katawan. Wala rin akong pang skin care routine. Safeguard lang sapat na. Mukhang takot din kasi ang mga pimples sa akin. Okay na rin 'yun.
I went out of the bathroom around ten thirty. Dasal lang talaga na sana ay clear skin tayo kahit anong mangyari.
Mabilis kong itinapis ang aking tuwalya at saka naglakad na papasok sa aking kwarto. Malapit lang naman kasi ang banyo namin sa kwarto ko. Di rin ako kita ni Joe.
Well, it's not as if I want him to see me covered with a piece of towel. It's not as if he'll get turned on. Mukha akong naglalakad na pader.
Mabilis akong nagbihis at saka nagsuklay ng medyo kulot kong buhok. Mamaya na lang ako maglalagay ng lipstick.
I wore my uniform and went out of my room only to see Joe helping my Mom fixed our dining table.
I'll always have that soft-side everytime I'm seeing him as a boyfriend material type of guy.
Anak-mayaman to e! Hindi naman sa sinasabi ko na wala siyang alam sa mga gawaing-bahay, pero...more like hindi siguro sanay?
"Happy lunchtime, Jam." Ani niya habang nakangiti sa akin.
Ayan na naman siya e. Bigla-bigla niya na lang pinapabilis ang tibok ng aking puso.
Jam, umayos ka nga! Aalis din yan! Malapit na! Tonight's their fourth game.
I nodded and smiled at him. "Happy lunchtime, Joe."
Pinilit kong lunukin ang nakabara sa aking lalamunan. I don't know what it is. All I know is that, this would be one of the most memorable lunch time of my life.
We might knew each other for like four days but the feelings he's giving to me is so pure.
Kahit alam ko na makakalimutan niya rin ako at matatapos din itong namamagitan sa amin, masaya na ako. I would keep it on my heart, forever.
Sabay-sabay kaming kumain nina Mama. Si Manong naman ay papunta na raw dito para sunduin kami. Ang dami talagang alam ni Joe. Nakakahiya rin kay Manong. Ang mahal kaya ng gas!
"Hindi ka ba hinahanap ng mga kasama mo?" I asked him after we finished eating.
Uminom muna ito ng tubig bago ako sinagot. "Alam naman nila what I'm doing." He shrugged his shoulders.
Tahimik na lamang akong tumango at saka niligpit ang aming pinagkainan. He even insisted to helped me but I told him to just wait for me.
Mabilis akong nagsipilyo at saka naglagay ng matte lipstick na hanggang bukas pa bago mawala.
"Ma, alis na kami!" I shouted since my Mom's on our dirty kitchen.
"Hindi ba tayo lalapit sa Mama mo?" Gulat kong tiningnan si Joe.
Mukhang family-oriented din siya. I paused for awhile. This man keeps on surprising me.
"Sanay naman kami na ganito e. Pero, pwede tayong pumunta sa dirty kitchen -"
"I'll go to your Mom." He cut me off. Before I could even said something, he already went to our dirty kitchen.
Sumagi sa aking isipan kung gaano kaswerte ang babaeng magugustuhan ni Joe. Nagkaroon kaya siya ng mga exes? Bakit pa siya pinakawalan ng mga ito?
BINABASA MO ANG
Parallel Intersection
FanfictionThey were living under two different worlds. Joe Gomez De Liaño could possibly be anyone's ideal man. He serves such good looks and a bright basketball career. Almost every girl in town can easily be swept off by this GDL man. Jammy Daisy Quin, can...