Joe was right when he said that I'll got in. Makalipas kasi ang ilang araw ay nakatanggap ako ng mensahe mula sa kanila.
Liz Ty:
Congratulations! We are glad to inform you that you successfully qualified to be one of Liz Ty's model. Please come to the studio tomorrow at exactly ten in the morning.
Together, let's strut the runway!
Palihim akong napangiti matapos mabasa ang mensaheng iyon. At least, I would be able to pursue another thing.
"We should fucking celebrate!" Aries said before hugging me.
"Samgyup! Samgyup!" Parinig naman ni John matapos kong ikwento sa kanila na nakuha ako.
Mabilis silang sinaway ni Yohan. "Ellie will come here later tonight. She's going to suprise Aries." Mahinang bulong nito sa akin.
Yes, Ellie and Aries were a thing now. Halos makalimutan ko na bukas pala ang birthday ni Aries. Wala pa akong regalo sa kanya! Ibalot ko na lang kaya si Ellie?
Mukhang may plano na sina Yohan at Ellie tungkol sa birthday surprise. I pursed my lips.
"We're going to celebrate!" I excitedly announced to my friends. "But not now." Biting kong dagdag.
Kailangan kong matulog ng maaga ngayon para naman presentable ako bukas. Akala ko talaga, hindi na nila ako tatawagan pa. It was almost a week before they messaged me.
To Mama:
Ma, model na ako huhuhu
I closed my eyes after sending it. My parents will always be my number one fan. Kaya laking pasasalamat ko na lagi silang nandiyan para sa akin.
"Gaga ka! Kahit dito lang sana wag kang ma-late! Kanina pa tunog ng tunog ang alarm mo!"
Napapikit ako matapos marinig ang sermon ni Yohan. She's acting like my Mom everytime I'm late.
Nagising ako around seven in the morning. Ala sais ko sinet ang aking alarm ngunit hindi ko narinig. Mahirap pa naman kapag traffic. May kalayuan pa naman iyon dito.
Mabilis akong naligo. Bahala na kung hindi ko makuskos ang aking buong katawan. I grabbed a stripes orange and white round neck shirt, tucked in my brown slacks, revealing my usual belt, and a sneakers.
"Wow ha, feeling schooling ka, girl?" Puna sa akin ni Yohan matapos makita ang aking suot.
I shrugged it off before grabbing my crossbody messenger bag. Muli akong tinaasan ng kilay ni Yohan.
"Kahit nawala mga alaala mo noon, di nawala pagiging boyish mo e," Inirapan ko na lamang ito at saka mabilis na nagpaalam.
"Goodluck sa plano niyo ni Ellie! Text mo ko ha?" Mahinang paalala ko bago tuluyang umalis.
Ellie is staying at a hotel near us. Kumikita na kasi ito bilang isang secondary teacher. Good for her. Talino naman kasi e.
I booked a grab. Traffic na nga talaga pero sana hindi naman ako gaanong ma-late. Nakakahiya!
I was silently mumbling a prayer on my head as my eyes looked around those huge billboards.
"Pogi talaga e." I bitterly said as my eyes remained on it.
Pogi nga...di naman akin. I played with my tongue inside as I sighed.
"Salamat ho!" Half-running na ako papasok sa studio nila.
It's on the tenth floor. Buti na lang dahil walang masyadong tao. I looked at my wristwatch only to see that I only have three minutes before ten.
"Putangina!" Inis kong bulong sa sarili bago mabilis na lumabas sa elevator.
BINABASA MO ANG
Parallel Intersection
FanfictionThey were living under two different worlds. Joe Gomez De Liaño could possibly be anyone's ideal man. He serves such good looks and a bright basketball career. Almost every girl in town can easily be swept off by this GDL man. Jammy Daisy Quin, can...