We went back on the receiving area. Naroon na sila Joe at marami ang nagpapakuha sa kanila ng larawan.
Tipid kong nginitian si Joe nang mahagip ako ng kanyang mga tingin. My eyes went to the cable park designed wakeboarding area. Man-made lamang iyon at ang tantya ko ay nasa twenty feet din ang lalim.
The wakeboarding area is surrounded by white sands. Sa kaliwang parte nito nakatayo ang picture spot na CAMSUR.
Sa kanang parte naman ng CDUB ay ang malawak na AquaPark. Nasa twenty feet ang lalim nito at pwede rin sumakay gamit ang tila surfboard papunta sa inflatable pools.
Doon ata kami tutungo dahil iyon ang nakalagay sa sticker bracelet na isinuot sa akin ni Joe.
"Do you know how to swim?" He worriedly asked me.
I nodded. "Wag kang mag-alala." I assured him.
Maging si Carly ay marunong din lumangoy kung kaya't wala akong kailangang isipin.
It was around ten at isang oras lamang kami sa AquaPark. Pagkatapos daw noon ay kakain kami ng lunch.
Mas prefer nilang maligo sa parte ng AquaPark. Pwede naman iyon basta't hindi na kami tatapak sa inflatable pools na nasa gitna.
Pinasuot muna kami ng life jackets. I sighed upon seeing a majestic and calming view in front of me.
"Ready na ako tumalon, Jam!" Mahinang bulong ni Carly sa akin.
Balak kasi naming gawin lahat ng obstacles sa AquaPark. Tutal ay minsanan lamang ito kaya susulitin na namin.
"Are you sure you can do this?" Joe worriedly asked.
Matamis ko lamang itong nginitian. "Try me." Mayabang kong hamon sa kanya.
Bago pa man siya makasagot ay tinakbo na namin ni Carly ang mahabang wooden bridge at saka tumalon sa payapang tubig.
I don't know if I saw it properly - how his jaw tightened.
"Tara na!" Sabay naming sigaw sa kanila.
Nagsi-ilingan muna sila bago tumakbo at saka tumalon din sa tubig. Joe wrapped me on his arms. For one second, I felt too small for Joe. And I like it.
"Behave, Jam." He warned me.
I playfully pinched his nose. Them, being sporty men had decided to part us into two groups.
I'm on the first group together with Joe, Bright, James, David, Jerson, and Will. Meanwhile, Carly's on the second group with Ricci, Jun, Kobe, Noah, JanJan, and Pio.
Ngayon ko lang talaga naalala ang kanilang mga pangalan. Mukhang competitive ang tatlong foreigners na kasama namin. They were even talking about what strategy to used. Si Kuya life guard ang magsisilbing timer namin.
Agad akong napatili sa unang obstacle. We need to crossed the wiggle bridges and rest for like one minute on the mini pool. Pagkatapos ay aakyat kami sa inflatable ladders nang sa ganon ay makapag-slide papunta sa octopus. And yes, we need to ride the octopus to crossed the other slide.
"Fuck!" I heard Bright's curse, the moment we rode the octopus. Masyado kasi silang mabibigat. Apat na tao lamang ang kasya doon.
Nauna kami nina Joe, Bright, at James. Habang sina David at Jerson ang iikot sa amin.
"You're too heavy!" Natatawang puna ni James kay Bright.
Susmaryosep! Wag naman sana 'tong mag-sagutan sa English dahil manonosebleed talaga ako ng bongga.
Muli akong tumili nang malakas kaming inikot nina Jerson at David. Narinig ko rin ang malutong na mura ni James.
"Fuck! Take it slow, dude!" Joe also screamed at the top of his lungs.
Hiningal kami pagkatapos ng obstacle na 'yon. Muling bumalik sina Bright at James nang sa ganon ay sina Jerson at David naman ang makasakay.
"It's payback time." Natatawang bulong ni Joe sa sarili bago nilangoy ang kaunting distansya pabalik kina Bright.
I laughed when I heard them rejecting Joe's offer. Wala rin naman silang nagawa dahil malapit na sa trampoline ang kabilang grupo.
Halos makawala sa octopus si Jerson dahil sa ginawang pag-ikot ni Joe. Isang malutong na mura rin ang narinig ko galing dito.
Wow ha! Akala ko sa English lang 'to fluent, pati rin pala sa pagmumura!
"Ano na! Nauunahan na tayo!" Reklamo ko sa kanila.
Nagtinginan muna ang anim bago nila ako mabilis na binuhat para agad ilagay sa may slide.
"Fuck! Get your hands off of Jam, dude!" Inis na reklamo ni Joe.
"Pinaglalaruan niyo ako e!" Mabilis akong tinulak ni Bright nang sa ganon ay makapagslide na ako.
I laughed at them. Agad na hinawakan ni Joe ang aking kamay saka kami sabay tumakbo papunta sa sunod na obstacles.
"I want to have my joe-wa na rin!" My face turned red upon hearing what they all said.
"Run faster, dude! We're about to lose this!" Pabalang niyang sigaw sa mga ito.
I held on Joe's hand. Mas mahigpit ito dahil nasa trampoline na kami.
"Scared?" He asked.
I cocked my head. "A little."
He probed my face and a small smile escaped on his lips. "You don't have to be scared. I am here to protect you...at all cost."
"Ready?" Tumango ako. "Free yourself from worries. Jump as if this is your last life, Jam. Jump with me."
I closed my eyes as we both jumped on the trampoline with great force.
"Open your eyes!" Sigaw ni Joe.
Nang sinubukan kong buksan ang aking mga mata. Una kong nakita ang malawak na CDUB. The pretty Mt. Isarog, the tiny people that's as if watching us. Tumingala ako para tingnan ang maaliwalas na kalangitan, it's as if painted with both blue and white, and is screaming of peace.
My eyes then went to the man who's tightly holding my hands. Tila slow motion ang paggalaw sa aking paligid. Unti-unti rin sumilay ang ngiti sa mga labi ni Joe.
"Ang ganda." He mouthed.
Naramdaman ko ang pag-init ng aking mga mata. I nodded at him. This scene of us will always have a special place in my memory.
Iyong magkahawak-kamay kami habang nasa ere. Tanaw ang malawak at payapang lugar na ito. Na sa dinami-raming tao na maaari niyang makatagpo, nahanap niya ako.
"Ang ganda nga." Sagot ko sa kanya.
Ilang segundo...hanggang sa pakiramdam ko ay minuto't oras ang lumipas habang nananatili kaming magkatitigan.
It was as if anytime...we could get lost in each other's eyes. And I won't mind. Kasi lagi naman akong nawawala sa tuwing tinititigan ko ang kanyang mga mata.
The way he looked at me felt like he already saw my soul. Everything about me - my fears and aspirations. Then again, I won't mind.
Napapikit ako ng maramdaman ang malamig na tubig na siyang nanuot sa aking katawan.
Tila ba inaalis nito ang lahat ng takot ko. Na kahit anong mangyari, wala akong dapat ipangamba.
I wonder why do I love to worry myself. Ganon na ba ako ka-bored sa aking buhay?
Everything has changed the moment I got the chance to talked to this random stranger who wanted to proved something.
Slowly, I opened my eyes. Napangiti ako ng makita ang nakangiting mukha ni Joe.
I quickly searched for air when little by little, I can no longer breathe.
Kunot-noo kong tiningnan si Joe. Gusto kong sumigaw ng tulong! Bakit hindi niya ako tinutulungan? Bakit nakangiti lamang siya sa akin?
Unti-unti rin na nawawala ang kanyang mukha. I shook my head as tears started to fell.
Kahit gustong-gusto nang pumikit ng aking mga mata ay sinubukan kong idilat lamang ito.
No! This can't be happening! What happened? Where is Joe?
BINABASA MO ANG
Parallel Intersection
FanfictionThey were living under two different worlds. Joe Gomez De Liaño could possibly be anyone's ideal man. He serves such good looks and a bright basketball career. Almost every girl in town can easily be swept off by this GDL man. Jammy Daisy Quin, can...