What if you randomly wake up as a child and realize your whole life was just a dream?.
Grade 1 palang ako nang mapanaginipan ang akala ko ay buong buhay ko, na lumaki ako kasama ang best friend kong si Abby, and then we fell in love, dumaan sa ilang challenges, kinasal and namatay.
Hindi ko alam kung pano nangyaring pumasok yung idea na yun sa utak ko sa mura kong edad. Para kasi talagang totoo ang lahat, lalo na ang nararamdaman ko for Abby. And the only problem is that I can't find her anywhere. She's not in this school like I thought she would be, she's not in my neighborhood, and none of the people I know knows something about a girl named Abelaine Trinidad.
Nakatunganga lang ako sa bintana ng classroom namin with a bunch of elementary students na dinidikit pa ang kulangot sa uniform ng katabi at bubble gum sa ilalim ng table.
"Marsela Mari Guia!." Hindi ko napansin na kanina pa pala akong tinatawag ng math teacher namin. Si Mrs. Cortez.
Tiningnan ko lang siya like an adult.
"What is it ma'am?."
"Ano bang tinitingnan mo dyan?. You're not listening."
"Ma'am alam ko na po yan eh. Gusto ko na pong umuwi."
"Haha alam mo?. Sige nga, sagutan mo yung nasa board." Abot niya sakin ng chalk. Pero di ako tumayo. Bagkos tiningnan ko lang ang nakasulat sa board. Akala niya siguro nagjojoke ako.
"521."
"W-what did you say?."
"Yun po yung sagot ma'am. 236+125+160 is equal to 521."
"H-how did you--" Nagtataka talaga sya kung pano ko nalaman lahat ng yun. Duh.
"I already told you. Alam ko na po yan. So, can I go home now?."
"No. 2x2."
"4."
"56x37."
"2,072."
"Are you sure?."
"Kahit gumamit pa kayo ng calcu." Kaya kinuha niya ang calcu niya and got surprised dahil tama ako.
"So--"
"Hindi. 12×3÷6+5−1."
"10. 12x3=36÷6+5,11-1=10. It's easy because it's in order. PEMDAS method."
"How did you learn all of that?."
"Uhm--dreaming?. Hehe." Sabi ko.
FF
Nakaalis na ang lahat at kami nalang ni Mrs. Cortez at ng mommy ko ang naiwan sa classroom namin.
"Your daughter is gifted Mrs. Guia, kaya naisip ko na kunin siya bilang representative para sa Division Schools Math Quiz Bee."
Bakas sa mukha ni mommy ang sobrang saya dahil sa balitang yun. Seriously? Nakakapagod na. Akala ko tapos nako sa pag-aaral tapos eto na naman. Back to basics tsk.
Sa kotse, habang pauwi na kami.
"I don't know what happened, parang last week lang 6 pa ang sinasagot mo sa 3x3. Pero I'm so proud of you anak. Keep it up. I'm sure magiging sobrang saya din ng Daddy mo about this."
"Ma, what if sabihin ko po sa inyong napanaginipan ko na po ang buong buhay ko?."
"Huh? Anong ibig mong sabihin?."
"Na alam ko po ang mga di ko dapat alam sa edad kong 7 because napag-aralan ko na yung lahat sa panaginip ko."
"Well, dalawa lang yan. It's either you're a genius or nababaliw ka na. Wala naman sa lahi natin ang may tililing kaya it must be the latter. Alam mo, dapat magpasalamat ka nalang. Hindi lahat nabibiyayaan ng ganyang kakayahan."
And I admit, growing up smart made my life different and more exciting than the dream I had. It feels like everything for me is easy. I've been accelerated at the age of 12 and graduated with a doctorate degree at 16. Ito yung pangarap ko na hindi ko natupad when I chose Gabb over education in my dream. Today is the opening for my agribusiness. Naisip ko na magkaroon ng sarili farm for my restaurant's resources and stocks. Ito yung gift ko para sa sarili ko for my 20th birthday.
11:45am.
"I'm so proud of you Princess. Again, happy happy birthday." Yakap sakin ni Daddy. Dito na naisip that reality is way way better than my dreams.
FLASHBACK
"..You're the exact reason why I think reality is better than my dreams Abby. I could go to other places na exciting, luxurious and cozy but it will never make me happy like you do. With you, I'm home.." patay ka Sela pinaiyak mo na. I started swaying as I wiped her tears.
EOFB
Nasakin na lahat ng kailangan ko, kung totoo man si Abby kakailanganin ko parin ba ang isang tulad niya kung ganito nako kasaya?. Besides, kadalasan ng nagugustuhan ko ay puro lalaki. Kaya lang hanggang fling lang.
Andito na sa loob ng mansion ang mga bisita namin dito sa farm. Malaki laking celebration din to. Si Kuya nalang hinahanap ko, san na naman kaya yun? Tsk.
Kumakain na kami ngayon ng family ko sa table namin nang dumating si Kuya.
"You're late." Sabi ni mommy.
"Sorry po ma. Medyo nagkaproblema po kasi dun sa Restau. Pero nagawan na naman ng paraan." Si Kuya kasi ang hinayaan kong magmanage dun.
"Why? Ano po bang nangyari?."
"Someone tried to food poison some of our customers."
"What? Sino namang gagawa nun?." Sabi ni Ate Iya.
"I don't know. Masamang magbintang. Anyway, let's just eat." Sabi ni Kuya Miguel.
"Dad, about po pala dun sa out of town trip natin. Matutuloy ba yun?." Sabi ni Ate Aya.
"Oo naman. Basta, tapusin nyo muna ang mga dapat nyong tapusin. And dapat nagtutulungan kayong magkakapatid sa lumalagong business natin." Sabi ni Daddy.
"Yes Dad." Masaya naming sabi.
"Excuse me po ma'am Sela, may naghahanap po sa inyo sa labas. Gusto ka raw pong makausap." Sabi ng isa sa helpers namin dito sa mansion.
"Sino?."
"Hindi ko po kilala eh. Babae po siya ma'am." Huh? Sino kaya yun? Hmm.
"Excuse me." Sabi ko at lumabas na. Akala ko naman kung sino. Si Mrs. Kyla Torres lang pala.
"Hello po Doktora. Pasensya na po, naabala ko pa kayo."
"Okay lang. Ikaw, pumasok ka muna. Sumabay ka na saming maglunch."
"Ay di na po Doktora. Hindi rin naman po ako magtatagal. Gusto ko lang po talagang magpasalamat sa lahat ng naitulong nyo samin. Saka, ito na po yung kabuuan ng inutang ko sa inyo para sa operasyon ng anak ko--"
"Naku, hindi na kailangan. Sayo na yan. Gamitin mo nalang pambili ng mga gamot ni Junjun."
"Pero Doktora--"
"Sige na. Okay na yun. Ang mahalaga okay na sya. Mas kailangan nyo yan. Kamusta na pala sya ngayon?."
"Okay naman po Doktora. Ang kulit nga po eh. Sige po. Maraming salamat."
"Wait, ipagbabalot na muna kita--"
"Naku, wag na po kayong mag-abala. May fiesta po kasi samin ngayon kaya maraming ulam."
"Ganun ba? Sige, ingat ka nalang pag-uwi. Mang Ben, pakihatid nalang po si Mrs. Torres." Kaya ayun, hinatid na siya. Ang sarap talaga sa feeling ng nakakatulong.
BINABASA MO ANG
SELA'S COLLECTION OF CLICHÉS III
FanfictionWhat if you randomly wake up as a child and realize your whole life was just a dream?