Gabb's POV
Tapos na kaming magdinner.
Andito parin ako para tabihan si Belle pero sabi niya gusto niyang manood ng movie kaya nanood muna kami.
"Sya nga pala Belle, salamat dun sa scholarship ng mga kapatid ko. Saka yung pagpapagamot ni Lexine."
"Sus, wala yun. I'm just happy to help. Besides malaki din ang natulong mo sakin. I think health is more important. Kaya--"
Buzz buzz
Ioopen ko na sana ang message from Teo nang biglang nalowbat phone ko.
"Uh pwede pahiram ng charger?."
"Oo naman, kaya lang baka di magkasya Gabb eh."
"Bakit naman?."
"Magkaiba ata charger natin." iPhone kasi yung sa kanya, keypad lang sakin.
"Ah oo nga pala haha. Nakalimutan ko. Sige, charge ko nalang bukas sa bahay."
"Sino ba kasi yan?."
"Ah si Teo. Jowa ko."
"May boyfriend ka?." Tanong niya tila gulat.
"Oo."
"Parang wala ka naman atang nabanggit sakin."
"Kahapon ko lang sinagot. Ang kulit eh."
"Mapagkakatiwalaan ba yan?."
"Ay oo. Bata palang kami magkakilala na kami. Magkapit bahay kami dati. Matino yun, wag kang mag-alala." Ngiti ko. Pero nakatitig lang siya sakin.
"Bakit?." Taka kong tanong dito.
"Maganda ka pala talaga no." Ngiti niya.
"H-huh?."
"Alam mo bang gusto kita tapos sasabihin mo sakin ngayon na may jowa ka? Tsk."
"A-ano?."
"Joke lang haha. Masyado ka naman kasing seryoso. Eto bang ginagawa natin okay lang sa kanya?."
"Oo naman. As long as wala daw tayong ginagawang masama."
"Pano mo masasabing masama ang ginagawa natin?."
"Ay basta alam mo na yun."
"Hindi ko alam Gabb."
"A-ano uh--"
"Eto, masama ba to?." Hawak niya sa kamay ko.
"Ito, masama rin?." Hawak niya naman sa leg ko, at yung tingin niya para bang inaakit nya ko.
"O-oo." Tanggal ko sa kamay niya.
"Pano naman naging masama yun?. Babae naman ako. Lahat ng meron ka meron din ako."
"K-kasi Belle--"
"Pano kung sabihin ko sayong gusto kitang halikan? Masama din ba yun?."
"Oo. Dahil may boyfriend ako."
"Mahal mo ba siya?."
Silence.
"I'm kidding haha. Sige na. Patayin na nga natin to. Inaantok nako. Goodnight Gabb."
..
Sela's POV
Sobrang lakas ng ulan sa labas kaya napagpasyahan ni Miss Saunar na dito muna kami magpalipas ng gabi. Share kami ng room and bed ni Abby at Rans.
BINABASA MO ANG
SELA'S COLLECTION OF CLICHÉS III
FanficWhat if you randomly wake up as a child and realize your whole life was just a dream?