Abby's POV
Andito nako sa party ni Cherprang. Ang dami pala talagang tao, magkausap kami ni Rans ngayon nang biglang,
"Welcome to my party Miss Guia." Masayang bati ni Cherprang dito. Tsk not again. Anong ginagawa ng babaeng yan dito?.
Nagtama ang aming paningin at lumihis lang ako ng tingin na parang di ko siya nakita. Pero andito siya palapit samin.
"Hi girls." Masayang bati niya samin. Sabay beso pa.
"Akala ko di ka na makakarating eh." Sabi ni Rans.
"Pwede ba naman yun?. Diba Abby?." Sabi pa niya, iniinis talaga ako ng babaeng to.
"Kuha lang ako ng drinks." Sabi ko nalang.
..
Sela's POV
Nakakalungkot that she's still trying to avoid me. Umupo kami sa couch. Ano ba tong lighting nila dito? Ang dilim. Well, I'm a girl who's not fond with parties alright.
"Sus, wag mong isipin yun. Iniisip nya siguro na sumasama ka samin para e convince siyang balikan ang Kuya mo. Well, sorry nalang if ganun nga kasi di na siya babalik. Hindi naman diba?."
"S-syempre hindi. Ayoko lang talagang masayang yung nasimulan naming--frienship."
"Mabuti naman. Pero sasabihin ko na talaga sayo ang totoo ah. Kasi kaya ayaw nya nang bumalik sa Kuya mo ay dahil may iba siyang mahal. May ideya ka ba kung sino yun? Kasi ayaw sabihin ni Abby sakin eh."
FLASHBACK
"Pero Sela, pano nga kung mahal na kita?."
"Masyado lang tayong naging close kaya naiisip mo yan. You're not in love with me, you're just mistaking friendship with love."
"Pero yun yung totoo. Sela--"
"Hindi kita mahal. Is that an enough reason for you to marry my brother?. Because I don't know what else is."
Natahimik nalang siya.
EOFB
"W-wala."
"Hmm sino kaya no?."
Nakita kong kausap ni Abby si Cherprang at nagtatawagan sila. Magkasama silang naglalakad palapit samin habang may dalang mga inumin.
They sat in the couch in front of us.
"Again, hello Ms. Guia. I'm surprised na you're here. I thought kasi na Rans here is just joking."
"Uhm Ms. Guia is too formal. Just call me Sela."
"Cool. So pano nga ulit kayo nagkakilalang tatlo?." Nagkatinginan nalang kami.
"Well, I met Abby first. She's supposed to be my brother's fiancé."
"You're getting married?." Gulat na tanong ni Cherprang kay Abby.
"Not anymore." Sabi lang ni Abby, as if wala siyang paki sabay inom.
"So, di matutuloy?. Bakit?." Malungkot na tanong ni Cherprang.
"Nahulog sa iba eh." Sabi ni Abby, avoiding eye contact with me.
"Aba siraulo pala yang--"
"Ako ang nahulog." Sabat ni Abby.
"So, you're with someone new?." Tanong pa ni Cherprang.
"Nope. Unfortunately, it's a one sided love." Parang ramdam ko ang lungkot at sakit na nararamdaman ni Abby ngayon, bakit ganun?. I just did the right thing right?.
Buong gabing nag-usap ang tatlo habang tahimik lang ako sa gilid. Grabe pang makakapit ni Cherprang kay Abby. Bakit ang sikip sikip ng dibdib ko? Bakit parang ayokong may kinakausap at hinahawakan si Abby ng ganun?.
And now they're dancing along with those people like they don't care about the world. I know she's drunk and hindi na niya alam ang ginagawa niya.
"Trust me, mas malala pa siya dyan pag nalalasing siya." Sabi ni Rans na parang chill lang sa mga pangyayari.
"How long have you known Abby?."
"Since birth. Lumaki kami sa bahay ampunan."
FLASHBACK
"..How about your parents?." Sabi ni Daddy.
"Uhm okay naman po sila Sir."
"San ba sila ngayon?."
"Uhm ano po uh abroad." Really? Di ko to alam ah.
EOFB
She lied that time. Pero bakit?.
"Nahanap namin ang mga magulang ko pero sa kasamaang palad wala narin sila eh. Kasama sila dun sa lumubog na barko years ago. Ewan ko lang kay Abby kung hinahanap nya parin ang mga magulang niya--"
Possible kayang yung mga magulang ni Abby sa panaginip ko ay sya ring mga magulang ni Abby sa totoong buhay?. Kilala ko sila at maaari ko pang matulungan si Abby para mahanap sila, lalo na ang mga kapatid niya.
For sure Trinidad parin ang dala nilang apilido. Bakit ngayon ko lang lahat nalaman to?. Don't worry Abby, mahahanap mo narin sila.
KINABUKASAN
Maaga akong pumunta sa farm pagkat naalarma ako sa masamang balita.
"Halos kalahati po ng sa mga alagang hayop natin ang namatay dahil sa lason. Hindi po talaga namin alam kung pano nangyari to ma'am pero sigurado po kaming may gustong magsabotahe sa negosyo nyo." Sabi ni Mang Tomas na isa din sa nangangalaga sa mga alaga naming mga hayop.
Sino naman kaya ang may gawa nito?. Pareho lang kaya ang responsible sa food poison issue dun sa restaurant at dito?.
Sa mansion,
"Malinaw na ang gumagawa nito ay may planong pabagsakin tayo. Pero sino naman kaya ang gagawa nito?." Sabi ni Ate Iya.
"Kung tama ang hinala ko, malaking posibilidad na ang may-ari ng Tres ang responsable dito dahil hindi nila matanggap na napalitan natin sila sa pwesto." Sabi naman ni Aya.
Kaya para matapos natong ganitong kaguluhan, ako na mismo ang pumunta sa company building ng Tres Meal.
"Hindi nga po pwede ma'am. Wala po kasi kayong reservation for an appointment with the Boss. Pasensya na po talaga. Bumalik nalang kayo sa susunod na araw." Sabi nung babaeng nasa front desk. Biglang nagring ang phone sa desk niya.
"Yes sir. Papapasukin na po ba siya?. Sige po. Pasensya napo ma'am Guia. Pwede na raw po. Please proceed to the highest floor." Nahihiyang sabi nalang nito.
At pagdating ko sa mismong floor, may lalaking halos kaedad lang ni Kuya na sumalubong sakin. He's wearing a suit. Is he the boss?.
"Welcome Miss Guia." Shake hands nya sakin.
"Are you boss?."
"Uh hindi po ma'am. Come with me po." Kaya sumunod ako sa kanya at andito na kami sa harap ng pinto. Pinagbuksan ako ng pinto nung lalaki kaya pumasok nako.
Tanging nakikita ko lang ay ang upuan at ulo ng Boss nila.
"Uhm--Miss Saunar?."
Tumayo siya at humarap sakin.
"How may I help you Miss Guia."
NO FREAKING WAY. Nagulat nalang ako nang makita siya.
BINABASA MO ANG
SELA'S COLLECTION OF CLICHÉS III
FanficWhat if you randomly wake up as a child and realize your whole life was just a dream?