Sela's POV
11pm. Tulog na lahat. Bumaba ako para uminom ng tubig nang makita ko si Kuya. Bihis na bihis. Hindi niya ako napansin at lumabas na. San siya pupunta? Anong oras na ah.
KINABUKASAN
Kumakain na kami ng breakfast.
"Si Kuya po ma?."
"Ayun sa taas, tulog mantika."
"Hmmm."
"So, napagpasyahan namin na next week na tayo aalis for our family vacation, out of the country." Announce Daddy. Naexcite naman sina ate Aya and ate Iya.
"Hayst finally!. Pero p-pano po ang business Dad?." Tanong ni Ate Aya.
"I'll handle it." Sabi ko.
"What? So, di ka sasama?." Malungkot na sabi ni Ate Iya.
"Saka na. Besides, alam nyong series of suka lang maaalala ko sa buong trip. Di ko rin maeenjoy."
"But I already assigned Aly to handle the restau--" Sabi pa ni Dad.
"Edi si Aly po sa Restau, ako dito sa farm."
"Wag mo nang pilitin kung ayaw." Sabi ni mommy kay Daddy.
"Fine. Are you sure you're gonna be okay here? Alone?."
"Of course Dad."
10am. Pumunta ng bayan sina mommy para mamili ng mga kakailanganin nila sa trip. Si Kuya naman nagpaiwan. Andito ako kung saan ang mga alaga naming mga manok. Marami naring nakolektang itlog ang mga tauhan namin.
"Uhm Sela, can I ask you a favor?."
"Sure Kuya, ano yun?."
"I met this girl kasi and--"
"Matino ba yan? Baka katulad na naman yan nung huling dinala mo. Kuya, alam mo namang marami nang mapagsamantala ngayon. Malamang pineperahan ka lang nyan."
"Kaya nga I need your help. I need your final judgment about her. If you think kaya ng powers mong baguhin siya in the best way possible, then do it. Make her more presentable, yung sa tingin mong magiging katanggap tanggap na sya sa harap ng parents natin. You know, gustong gusto ko kasi talaga siya. I feel like I finally found my true love."
"San mo ba kasi nakilala yang babaeng yan ha?."
"Sa club."
"Jusko naman Kuya. Sa club? True love?. Alam mo, nababaliw ka na. Malamang dyan palang bagsak na siya. You know how conservative and high our parents' standards diba?. At saka walang desenteng babae ang magpupunta ng club."
"Masyado ka namang judgmental. Hindi mo pa nga siya nakikilala eh. At least give her a chance."
"Ba't ako?."
"Kasi magpapaiwan ka dito diba?. I want you to do the magic bago kami bumalik dito from our vacation. 1 month din yun. You have all the time to do some adjustments. Please Selaaaa.." he begged. Siguro nga seryoso siya sa babaeng yun. Tsk.
"Siguraduhin mo muna kung gusto mo na siyang--"
"I want to marry her."
BINABASA MO ANG
SELA'S COLLECTION OF CLICHÉS III
FanfictionWhat if you randomly wake up as a child and realize your whole life was just a dream?