Chapter 15

535 47 6
                                    

Abby's POV

We both closed a deal today.

Umuwi na kami agad ni Rans after work. Nagbibihis nako dito sa kwarto.

"Tiba tiba na naman tayo nito--"

"Parang may tao. Tingnan mo nga." Sabi ko kay Rans. Kaya ayun, chineck nya.

"Hi girls! Napadalaw kayo. Wow naman. Akin na, lagay ko lang sa mesa." Rinig kong sabi ni Rans. Lumabas narin ako.

"Si Abby--" Sabi ni Cherprang.

"Present." Beso ko sa kanya at kay Sela.

"Okay na kayo?." Takang tanong ni Rans.

"P-parang ganun na nga." Sabi ko.

"Uhm shall we? Baka lumamig na ang pagkain eh--" Sabi nalang ni Sela at umupo na nga kami para kainin yung mga dala nila. Panghapunan nato ah. Ang dami nilang dinala.

"Ah--" magsasalita na sana si Sela nang biglang sumabat si Cherprang.

"So, uh Abby--are you free tomorrow night?." Tanong ni Cherprang. Straight to the point talaga ang babaeng to and that's what I really like about her.

"Oo naman. Why?."

"Date tayo."

"H-huh?."

"I just want to talk to you about something lang sana." Not even trying to hold back. She's not possibly--hindi naman siguro. Malamang friendly date lang yun.

"S-sige. Yun lang pala. Anyway Sela, you were saying?."

..

Sela's POV

"Ah ano uh--a-asin. P-pakiabot." Sabi ko nalang. Ayan na nga bang sinasabi ko eh. Simula palang talaga masama na ang kutob ko sa Cherprang nato. Baka warning na yung sa panaginip ko dati. Sana naman kami parin ni Abby ang magkatuluyan.

Inabot naman to ni Rans.

"Echosera." Sabi niya pa. Of course, nahalata nya narin siguro na may gusto ako kay Abby. But unfortunately, may isang asungot dito.

"Sya nga pala Abby, Rans, congrats sa inyo. I heard nakabenta kayo ngayon." Sabi ni Cherprang sabay hawak pa ng kamay ni Abby sa ibabaw ng mesa, sa mismong harapan ko pa talaga. Sarap tusukin ng tinidor ang kamay niya.

"Really? Hala, again congrats girls." Sabi ko. Di ko kasi alam.

"Thank you." Sabay na sabi ni Abby at Rans. Katabi ngayon ni Cherprang si Abby habang katabi ko naman si Rans kaya parang hindi ako mapakali.

"By the way Sela, nakita ko sa news yung about sa food poisoning issue, alam nyo na ba kung sinong responsible dun?." Nag-aalalang sabi ni Cherprang. If I know gusto nya tong mga kamalasang nangyayari sakin tsk. Pero about dun, hindi ko na talaga alam kung ano at sinong paniniwalaan ko. Sana lang talaga walang kinalaman dito ang mommy ni Abby.

"H-hindi pa. Pero patuloy parin naman ang investigation. Saka double double narin yung monitoring namin. I'm sure matatapos din to." Sabi ko.

"Sya nga pala Abby, ano bang gusto mong gawin natin bukas?." Naglalambing na tanong ni Cherprang habang nakapulupot sa braso ni Abby na parang sawa. Kaya pinilit ko nalang magfocus sa pagkain na di ko na namamalayang sunod sunod na pala ang subo ko.

"A-ano ah--i-ikaw bahala."

"Ay naku, pag akong bahala mahirap na. Talagang magiging better when it's wetter talaga yun." Cherprang seductively said as she tiptoed her fingers on Abby's shoulder. Oh man, this is not good. Sinusubukan talaga ako ng babaeng to. Tiningnan pa talaga ako ni Cherpranget as if she's challenging me. Well, di mo ata kilala ang binabangga mong impakta ka. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

..

Abby's POV

Umuwi na ang dalawa. Pumasok na kami ni Rans sa kwarto.

"Grabe girl, ibang klase ka. Ang gaganda ng mga manliligaw mo. Basta si Cherprang manok ko ah. Wild eh. Aggressive type. Diba ganun yung mga tipo mo?. Di nga lang sila lalaki. Pero kung ako din naman nasa position mo, I'll grab the opportunity na no."

"Sira. Di ko sila manliligaw. Ikaw talaga, kung ano ano nalang naiisip mo. Di na rin tayo mga oportunista."

"Bakit? Di ka ba open minded?. Saka sinabi na ni Cherprang kanina diba? Gusto ka nyang makadate."

"Friendly date yun tangek."

"Hindi. Alam mo talaga may something silang dalawa sayo. Si Cherprang yung tipong bad btch pero mamahalin ka ng totoo. Si Sela yung parang mabait sa lahat kaya di mo malalaman kung friends lang ba kayo or may gusto siya sayo. Pero I think talaga na gusto ka nya kaso torpe sya."

"Wala nga silang gusto sakin. Alam mo, matulog na nga tayo." Pero sana naman totoo yung kay Sela, kaso hindi. Sino bang niloloko mo Abby? Ang mga katulad ni Sela hinding hindi magkakagusto sa isang katulad mo.

Saka malinaw nyang sinabi sayo na di ka niya gusto.

..

Sela's POV

KINABUKASAN

Sobrang dami kong tinrabaho ngayon. Yung sa stocks, taxes at pagrerequest ng seminar para sa mga tauhan ko sa farm.

So far wala pa namang nangyayaring kung ano sa restau branches at sa farm kaya medyo napanatag na ang loob ko, mabuti nalang.

Simula ngayon, ako narin ang mamamahala sa restau at sa mga branches nito.

Sa office ko restaurant,

"So what's the good news?." Tanong ko kay Aly. Siya parin ang assistant manager dito.

"Well, nakalabas narin sa hospital ang mga naging biktima dun sa food poisoning and here's their hospital bill, gaya ng napagkasunduan tayo ang magbabayad."

"T-teka lang. P 400,000?. D-diba parang sobra sobra naman ata to?. Halos kalahating milyon na. Ilan ba silang lahat na naospital?."

"Ayon sa report, 8. Yan nga rin ang iniisip ko eh, kung pano umabot sa ganyan kalaking halaga ang babayaran. Pero sobrang dami daw kasing testing. Ilang araw din silang naisolate sa hospital na umabot na sa 50k ang babayaran bawat isa  sa kanila. Saka sa private hospital sila dinala, so expected narin na mahal ang singil."

"Sige sige. Kailan ba yung deadline ng bayad dyan?. Alam mo naman na bumabawi pa tayo dun sa malaking nalugi satin."

"Next week daw. Sa Friday."

"Tsk sige sige. Gagawan ko ng paraan."

6pm. Nasa parking lot nako. Hinahanap ko nalang kung san ko nga ba napark yung sasakyan ko. Nagiging makakalimutin na nga talaga ako lately. Haaayst.

Hinahanap ko parin yun nang biglang may tumigil na van at hinila nalang ako ng mga di nakikilalang tao papasok. May parang iniject sila sakin at unti unti nakong nawalan ng malay.

SELA'S COLLECTION OF CLICHÉS IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon