Chapter 10

594 55 1
                                    

Abby's POV

"Well, all girls are Bi. Your job is to identify whether it's polar or sexual." She smirked.

"Sige ah. See ya' girls around nalang. Again, don't forget the party." Sabi niya pa at pumasok na sa unit niya.

"Kung hindi lang siya babae, iisipin ko talagang kursonada ka niya." Sabi ni Rans.

"Bakit? May mga babae namang nagkakagusto sa babae ah. Halika na nga, kung ano anong naiisip mo." Sabi ko.

..

Sela's POV

"What do you mean umalis si Kuya?." Tanong ko kay Ate Aya.

"He's not here simula pa kanina. Sabi niya pa na hahanapin niya si Abby. Kawawa naman siya. Sigurado kang wala kang kinalaman sa pag-alis ni Abby?."

"Can you keep a secret?."

FF

7pm na.

"Ano?!."

"Shhhh baka marinig ka nila. Totoo nga."

"Baka naman pinagtitripan mo lang ako Marsela ah. Pano mo naman nasabing gusto ka ni Abby?."

"Sinabi nya nga. Sabi niya pa mahal niya nako. She even tried to kiss me."

"Sure ka tried lang?." Pang-iintriga ni Ate Aya.

"W-well she did but that's not the point. The point is hindi ko alam ang gagawin ko. Ayokong maglihim kay Kuya at ayoko ring saktan siya, lalo na ang magalit siya sakin."

"Hindi mo naman gusto si Abby diba?."

"Hindi."

"Pinipilit niya ba ang sarili niya sayo?."

"Hindi."

"So anong problema?."

"Si Kuya nga. Pano kung malaman niya na ako yung dahilan kung bakit siya iniwan ni Abby? Hindi niya ko mapapatawad."

"He will. Ano ka ba?. Kapatid natin siya at kapatid niya tayo. Hindi nya magagawang baliwalain ang pagiging kapatid mo sa kanya dahil lang sa babae."

FLASHBACK

"What if--ano uh--isipin nating totoo yun."

"Ang alin?."

"Na may relasyon kayo ni Abby--"

"Sira hahaha. H-hindi mangyayari yun."

"Bakit naman?."

"Reserved na kasi siya para sa Kuya ko." Tanggapin nalang natin ang katotohanan.

"Ba't mukhang di ka masaya?."

"M-masaya ako."

"Hanggang ngayon sinungaling ka parin."she smirked as if alam nya na parang may nararamdaman na ako kay Abby.

..

"Are you really concerned about that Sela? Or you're just jealous?."

"B-ba't naman ako magseselos?."

"Well, isa lang naman ang naiisip kong dahilan. You're secretly in love with her."

"Ano?!. Kuya hindi--ano ka ba? Parang sister ko na yun no. Di kami talo."

"Well, siguraduhin mo lang na totoo yang sinasabi mo. Kasi the moment na malaman kong may sulutang nangyayari, magkalimutan nalang tayo."

EOFB

That happened in the book at yun ang nakakatakot. Pano kung magkatotoo din yun? Wag naman sana. Hindi ko kaya. Gusto ko na talagang malaman kung pano nangyayari to o totoo ba talaga ang mga nangyayari ngayon kasi yung nasa panaginip ko para ding totoo eh kaso hindi. I want all of these to end as a dream, o baka naman libro o storya lang to at hindi talaga ako totoo.

I don't know what reality is anymore.

I grew up knowing that magic is not real. So there must be some trick behind all of these.

Think Sela, think.

KINABUKASAN

Pumunta ako sa kung saan matatagpuan si Gia. Nasa isang beach resort siya to find inspiration for her new story.

"Oh Hi. Pleasure to finally meet you Miss Guia. How may I help you ba?." Andito kami sa isang open restaurant sa tabi ng dagat. Umupo na kami.

"I just wanted to ask you about something."

"Sure. Anything."

"Si Ella Mae Amat ba ang inspiration mo kung bakit mo nasulat ang book na Stella's Collection of Clichés?."

"Ella who?." Tila naguguluhan. So hindi pala talaga sila nagkakilala.

"Si Ella, yung ano--nevermind."

"Wala akong kilalang Ella eh. Pero if you're asking me about my book's inspiration, madali lang ang sagot dun. Kasi ikaw yun. Ikaw yung iniisip ko when I was building Stella's character in the story. Funny nga eh, I just saw you online that day in an interview. You mentioned something about clichés. That you're annoyed by them haha. Lalo na pagdating sa movies and books."

"H-how about Gabby?."

"Hmm well, dapat Abby yun eh--"

"I'm sorry, w-what did you just--"

"Abby. Her name is Abby. She works as a club waitress, hindi ko na nga siya nakikita sa club na yun eh. Sometimes sinasama ko siya sa table ko pag mag-isa lang ako. Dami niya kasing kwento, lalo na tungkol sa best friend niya. Halos sila na lagi ang magkasama. Kaya ayun, dun ko naisip what if gumawa ako ng book about same sex best friends falling for each other."

"Eh ba't ako napasok dun?."

"Iba kasi dapat yung story mo. About lang sa isang babae na ayaw sa cliché. Hanggang sa dumating sa buhay niya ang isang plot twist. Hindi ko alam kung anong uunahin ko dun. Kung yung kay Abby ba o sayo. Kaya ginawa ko pinagsama ko nalang yung dalawang story haha. Para tuloy lumabas na the greatest plotwist of your life is when you fell for Abby who's been your best friend forever. Dalawang tao sa magkaibang mundo. Yeah I know haha crazy right?."

"I just hope that you're talking about a different Abby."

"What?."

"May kilala din kasi akong Abby."

"Sobrang cliché naman siguro kung parehong Abby ang kilala natin haha."

"Well, dagdag narin sa collection ko ng clichés haaayst."

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na maging conclusion ko sa lahat ng nalaman ko ngayon. Kahit kasi puro cliché ang mga nangyayari sa buhay ko, naeexcite parin ako sa mangyayari kinabukasan no at saka I have to see Abby pala.

Umuwi na si Kuya. Nagkita na kaya sila?.

..

Abby's POV

Wala pakong customers.

Nasa trabaho ako nang biglang nagpakita sakin si Miguel.

"Abby please, bumalik ka na. Mahal mo parin ako diba?." Hawak niya sakin.

"Ano ba Miguel? Nasasaktan ako. Pwede ba? Wag dito. Nagtatrabaho ako."

"Hindi ako titigil hangga't hindi mo ko binabalikan. Magpapakasal pa tayo Abby, nakalimutan mo na ba?."

"Hindi pa ba malinaw? Hindi kita gustong pakasalan. Kaya itigil mo nato kasi nag-aaksaya kalang ng panahon. Umalis ka na."

"Pero sabi mo mahal mo ko diba? Abby, nangako ka."

"Guards! Guards! Palabasin nyo na nga to, nanggugulo eh." Kaya kinaladkad siya ng guards palabas.

"Ano ba?! Bitawan nyo ko! Wala akong ginagawang masama! Abby! Mahal kita! Wag mo namang gawin sakin to! Abby!." Iyak niya. I'm sorry Miguel pero kailangan ko tong gawin.

SELA'S COLLECTION OF CLICHÉS IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon